Chapter 37

856 33 0
                                    

Ivy POV

"HINDI BA'T NASA BATAS ANG PAG BABAWAL LUMABAS NG MGA STUDYANTE SA LOOB NG ACADEMY?! ANO BANG TUMAKBO SA UTAK NIYO PARA LUMABAS KAYO?!" Galit na wika ni Headmistress

Nanataling lutang ang isipan ko habang naka tingin sa kawalan.kasalukuyan kaming pinapagalitan ni Headmistress sa guidance dahil nahuli kami sa labas ng academy

"IKAW IVY! HINDI KA PA BA NAG TANDA SA MGA PARUSA SAYO? HANGGANG NGAYUN BA REBELDE KA PARIN AT--"

"headmistress pasensya na po ah pero hindi tama na pagalitan niyo ngayun si Ivy"putol ni Blue kay headmistress

"AT BAKIT NAMAN?!"

"kasi broken hearted yan wag kang bida bida baka mahagisan ka ng apoy"sagot ni Blue

Napa hilamos si Headmistress sa kanyang mukha at tumingin sa akin

"Asan si Axis?"

Natigilan ako sa tanong ni headmistress, ramdam ko ang titig ng lahat sa akin huminga ako ng malalim saka tumingin sa bintana

"Tinatanong ko kayo nasan si Axis?"ulit ni Headmistress

"Bumalik na siya sa kanila"malamig na wika ni kuya

"Innah? Bakit mo pinayagan ang kapatid mo na ---"

"Pwede ba? Wag ka nang mag tanong kung bakit siya umalis at bakit siya pinayagan umalis mangyayare din naman yun eh, darknians siya whitenians tayo gusto mo patayin niya tayo pag sumapit ang pulang buwan? Gusto mo mawala tayo ng dahil sa kanya? Wag kang tanga headmistress kung gusto niya umalis aalis siya kahit na lumuhod ka sa harap niya mag maka awang wag kang iwan di siya makikinig kaya tama na wala na siya umalis na siya para di tayo masaktan umalis na siya para di tayo mapahamak umalis siya para protektahan tayo umalis siya para satin umalis siya dahil mahal niya tayo ....... Umalis siya para sa kaligtasan ko" wika ko

Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang sinasabi sa kanya ang mga yan napa tayo ako ng wala sa oras at nag lakad papunta sa pintuan ng guidance office

"Ivy hindi pa ta---"

"Isang linggong pag lilinis sa buong academy,dalawang linggong di papasok sa room tatlong linggong di kakain sa canteen alam ko na yan kung gusto mo gawin mo pang habang buhay para masaya diba? Gusto ko nang lumabas at walang makaka pigil sakin"malamig kong wika at padabog kong binuksan ang pinto saka sinara ng malakas

Pag kasara ng pinto napa hagulgul ako ng iyak at napa sandal sa pader

Bakit ba ang hirap tanggapin na umalis siya at iniwan ako? Ginawa niya naman yun para samin diba? Ginawa niya yun para sa kaligtasan ko pero bakit di ko matanggap?

Nag maka awa na ako lahat lahat pero di siya nakinig bakit mas pipiliin niyang mabuhay ako ng matagal na di siya kasama kesa sa makasama siya habang buhay?

Axis POV

Kasalukuyan kong tinititigan ang nabili ko sa bayan

"Bakit hindi mo pa sinama si Innah?"tanong ni ina sa akin

Hindi ko siya sinagot nanatili akong naka titig sa binili ko at saka huminga ng malalim

"Ang babaeng whitenians parin ba ang iniisip mo?"tanong ni ina

"Darknians ka Axis hindi kayo bagay sa isa't isa isang malaking pambabastos sa ating lahi ang makisama sa mga Whitenians"

Hindi ko kinibo si ina nanatili lamang akong naka tingin sa binili ko

"Axis bro! Welcome back!" Napa tingin ako sa nag salita at nakita si Astro na papasok sa bahay namin

Si Astro ang isa sa mga matalik kong kaibigan mahilig siyang gumawa ng potion at kung ano ano pang ka echehan

"Bro bro may ipapakita ako sayo mamaya pero bago yun kumusta ang buhay sa WTA?" Tanong niya at umupo sa harap ko

"Masaya"wika ko at tumingin sa kanya

"Hmmm dapat sinama mo ako "sabi niya at tumingin sa hawak ko

"Teka isa ba yang Gintong mata ng vilibion? "Tanong ni Astro sakin habang naka tingin sa binili ko

"Oo bakit?"

"Whow bro! Isang klase lang yan sa buong mundo akin nalang bro!"masigla niyang wika at akmang kukunin ang hawak ko ng itago ko ito sa likod ko

"Gaya ng sabi mo isang klase lang to sa buong mundo bahala ka sa buhay mo hindi ko ito ibibigay sayo"sabi ko at umiwas ng tingin

"Bro isa yan sa mga matagal ko nang hinahanap na sangkap para sa potion ko teka ito ha sekretong malufet lang tayong dalawa lang ang makaka alam nito"sabi niya at lumapit sakin para bumulong

"Yan ang pinaka last na sangkap na hinahanap ko para sa White potion na ginawa ko"bulong niya dahilan para matigilan ako

"Anong white potion?"tanong ko

"Hayst bro yun yung sinabi ko sayo dati diba? Ang sino mang  darknians na iinom ng white potion ay magiging Whitenians"

0___0

"Totoo?"tanong ko

"Bro kailan ba ako nag sinungaling sayo? Ako si Astro mag sisinungaling hindi bro loyal to kaya sige na akin nalang yan para matapos na ang potion ko"wika niya

"Sa isang kondisyon"sabi ko tumaas ang kilay niya sa sinabi ko

"Ako ang unang iinom ng potion mo"sabi ko

Ngumisi siya "sige ba "sabi niya dahilan para ibigay ko sa kanya ng tuluyan ang Hinihingi niya

Ivy POV

Kung hindi niya gustong ibenta ang kaluluwa ko sa mga darknians gagawin ko nalang ang sarili ko na darknians

Tama

Ako na ang kikilos

Agad kong kinuha ang isamg black book sa ilalim ng kama ko at inilagay ito sa isang pahina kung saan makikita ko ang kasagutan sa problema ko

Napa ngisi ako ng makita ang laman nito

Isang ritwal

Agad kong nilock ang pinto ng kwarto ko at hinanda ang mga kailangan
Sampung itim na kandila
Pulang buhangin
Berdeng laman at black elementalist
Kailangan ko si Black pero ang naka lagay dito kailangan ng sampung patak ng dugo ng isang darknians ang mga kandila at dapat ang black elementalist ang  mag bibigkas ng mga kataga

Pero pano ko gagawin yun kung pati sila ayaw nila maging darknians ako?

Kailangan ko sila sa ayaw at sa gusto nila kailangan ko maging darknians bago sumapit ang pulang buwan

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon