Chapter 31

1.1K 39 0
                                    

Axis POV

Naiintindihan ko na ang lahat lahat
Nasa ibang demensyon nga kami pero hindi siya na hahalata tama si Admiral may kakalabanin kami at may hahanapin

Ngayun nahanap ko na ang dapat hanapin...

Pumikit ako ng isang beses saka humingang malalim

Alam ko na...

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata sabay non ang pag babago ng lahat ng nasa paligid ko
Bumalik na kami sa dati

Ngunit sila Ivy at Green nasa ilalim pa ng kanilang laro
Nakita ko ang lahat ng nanunood ay nasa akin ang atensyon

"May bumalik na "wik ni Admiral at tumayo

"Nahanap niya"

"Ang galing!"

"Patayin ang mga simulator"utos ni Admiral sinunod naman siya ng taga pamahala saka muling binalik ang titig sakin

Tumingin ako sa gawi nila Ivy at Green na ngayun ay naka tingin sakin at nag hihintay ng sasabihin

"Unang naka balik si Axis ibig sabihin nahanap niya na ang pinapahanap"wika ni Admiral at ngumiti

"Maaari mo bang ipaliwanag sa amin ?"tanong nito

Tumango ako at humingang malalim

"Fire, Winter at Water" panimula ko

"Tatlong demensyon kung saan pipili kami ng isa"dugtong ko at humingang malalim

"Fire para sa galit, Winter para sa lamig at water para sa pag papatawad" tumingin ako sa lahat

"Ang sabi ni Admiral mapupunta daw kami sa ibang demensyon kung saan may kakalabanin kami at may hahanapin ngayun nauunawaan ko na "

"Nong una nag taka ako kung bakit nasa White Tiger Academy parin ako oo WTA ang nakita ko naguluhan ako kung bakit may kamukha akong lalaki naguluhan ako kung bakit may kakaibang nangyare pero nahulaan ko na ang tama at totoo"

"Ang demensyon na sinasabi ni Admiral ay isa lamang nararamdaman what i mean is isang substitute para hindi ma direct ang Galit,Lamig at Pag papatawad gaya ng sabi ko ang Fire ay ang Galit ang Winter ay Lamig at ang water ay pag papatawad "

Tumingin ako sa dereksyon nila Ivy at Green

"Ivy sa nakita mo habang nasa simulator ka? Anong expression ang nakita mo?"tanong ko

"Galit"sagot niya tumingin ako kay Green

"Lamig"sagot niya

Tama nga ako

"Si Ivy ay napunta sa Past"

Nag bulungan ang lahat sa sinabi ko

"Pano mo nasabi?"tanong ni Admiral habang naka ngiti ngumisi ako

"Dahil si Ivy may galit na nararamdaman ng mga panahong inakala niyang wala na ako
Si Ivy may galit na nararamdaman sa lahat ng nilalang pala-away at may sinasaktan siya tama ba?"tanong ko kay Ivy naka ngiting tumungo si Ivy

"Si Green napunta siya sa Present"

"Huh?"Green

"Panong.."

"Si Green nagiging Cold yan kapag nasa harap niya si Violet si Green umaasta siyang walang pake-alam kay Violet kahit na gustong gusto niya na itong lapitan si Green at Violet lagi yan nag aaway laging pinapakita ni Green ang malamig niyang expression kay Violet hindi naman siya ganyan dati eh nag simula lang yan ng mag summer fest" wika ko at ngumiti ng mapakla

"At ako napunta ako sa Future"

Bigla akong natigilan
Future....
Ibig sabihin

Ang mga nakita ko sa laro ay mangyayare talaga?
At ako? Ako ang ....hindi pwede

Napatingin ako kay Ivy na naka tingin sakin

Hindi pwede ..

"Axis ayus ka lang?"rinig kong wika ni Admiral

Huminga ako ng malalim saka nag patuloy

"Siguro marami sa inyo ang nakakakilala kay Indigo? Ako yun....ako yun ng wala akong maalala...akala ko Indigo talaga ang totoo kong pangalan pero hindi pala...bakit ako nawalan ng ala-ala?"tanong ko at tumingin kay Ivy na parabang sinusuri siya

"Hindi na mahalaga kung bakit ako nawalan ng ala-ala basta ang mahalaga nakabalik na ang ala-ala ko at sa pag balik ng ala-ala ko sana hindi na bumalik yung sakit na napag daanan ko bago ako mawalan ng ala-ala" agad namuo ang luha ko sa sinabi ko

"Water, pag papatawad , Future jan ako napunta  nakita ko sa hinaharap na..."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang nakita ko.

"Na napatawad ko na ang mga nilalang na naging dahilan kung bakit ako nawalan ng ala-ala napatawad ko na ang mga nilalang na naging dahilan kung bakit kami nag kahiwalay"dugtong ko at ngumiti ng mapakla

Kabaliktaran ng sinabi ko ang nakita ko

"Sa tatlong demensyon na yun kinalaban ko ang sarili ko sa demensyon na napuntahan ko hinanap ko ang dapat hanapin at yun ay ang kapatawaran "wika ko saka ngumiti

"Fire represent Anger and Past
Winter represent cold and present
While Water represent forgiveness and future"

Nag sitayuan ang lahat at nag palak pakan nakita ko rin si Ivy na pumapalakpak at masayang naka tingin sakin

"Lodi pwetmalu ko yan!"sigaw ni Blue agad siyang binatukan ni Black

Sa future na napuntahan ko
Nakita kong ako ang papatay sa kanilang lahat nakita kong ako ang magiging dahilan ng kaguluhan  maging si Ivy.... Ay mapapahamal ng dahil sa akin

Sa mga nakita ko hindi ko hahayaang mag katotoo ang mga yun hindi ko hahayaang mangyare ang nakita ko
Hindi ko sila kayang patayin

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon