Chapter 40

859 33 4
                                    

Axis POV

"Kumusta lagay niya?"tanong ko kay Violet na kakalabas lang sa loob ng kwarto ni Ivy

Malungkot siyang tumingin sa akin dahilan para kumunot ang nuo ko

"Violet mag salita ka" wika ni Blue na nasa tabi ko

"Ano kumusta ang kapatid ko?"tanong ni Sky

"Nakita ko ang lahat"malungkot niyang wika sa amin dahilan para lalong kumunot ang nuo namin

"Nakita ko kung pano nila sinubukang iligtas ang buhay ni Ivy pero..."

"Ano?!"sigaw ko

"Hindi niya na talaga kaya"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko kay Violet

"Maraming dugo ang nawala sa kanya at mahina na din ang katawan niya ng masugod siya dito "wika niya hindi ko alam kung anong gagawin sa mga narinig ko

"Wala na siya.... Wala na siya Axis"

"Hindi manahimik ka"wika ko at napa sabunot sa buhok ko

"Hindi hindi Pwedeng mawala si Ivy!"sigaw ni Sky at tumakbo papunta sa loob ng kwarto ni Ivy

"Nag sisinungaling ka lang tama ba?"tanong ko at natawa

Hindi siya kumibo sa halip ay tumulo ang mga luha niyang pinipigilan kanina pa

"Hindi....hindi niya ako iiwan"sabi ko at natawa

"Axis"tawag ni Green sa akin

"Green pag sabihan mo yang si Violet hindi magandang biro yang sinabi niya"sabi ko at napa hilamos sa mukha ko

"I'm sorry" yan ang sinabi ni Violet dahilan para mapasuntok ako sa pader

"HINDI NIYA AKO PWEDENG IWAN NAIINTINDIHAN NIYO BA?! DALA KA NA YUNG SULOSYON SA PROBLEMA NAMIN! HINDI NIYA AKO IIWAN ALAM KO YAN!"sigaw ko at tuloyan nang tumulo ang mga luha ko

"Axis..."

"HINDI...HINDI AKO IIWAN NI IVY! ALAM NIYO YAN! MAHAL NIYA AKO AT HINDI NIYA AKO IIWAN!"sigaw ko at napa upo ng di oras

Inalalayan ako ni Blue para tumayo pero agad kong tinabig ang kamay nila

"BITIWAN NIYO AKO! "sigaw ko

"Kuya!" Naramdaman kong may umakap sa likod ko

Alam kong si Innah ang umakap sa akin

"Nasan si Ivy?"tanong ni Black na kakarating lang halata sa mukha nila ang pag aalala para kay Ivy

"Anong nangyare?"tanong ni Innah sakin

"Innah diba hindi niya ako iiwan alam mo yan diba?"wika ko dahilan para matigilan siya

"Anong ibig mong sabihin?"tanong niya pabalik sakin

Hindi ko siya sinagot sa halip ay unti unti siyang kumalas sa pag kakayakap sakin at tumayo

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo kuya?"tanong ni Innah sa akin hindi ko siya sinagot

"Violet anong nangyare kay Ivy?"tanong ni Innah kay Violet pero wala sa amin ang nakapag salita

"Nasan si Ivy?"tanong ni Black

Dahan dahang tinuro ni Blue ang pinto ng kwarto ni Ivy kung saan rinig na rinig namin ang pag iyak ni Sky sa loob

"Hindi" nang hihinang wika ni Black at gaya ko ay napa upo din sya sa sahig

"Hindi niya ako iiwan alam ko yan"paulit ulit kong wika hanggang sa nandilim ang aking paningin

Blue POV

"Axis?" Sabay sabay kaming nataranta ng mawalan ng malay si Axis at biglang naging kulay Pula ang buhok niya

"Anong nangyayare?"tanong ko kay Innah

"Umaatake nanaman ang sakit niya" rinig kong bulong ni Green kaya napa tingin ako kay Green

"May sakit siya?"tanong ko natigilan ang lahat sa tanong ko lalo na si Green na nagulat

"Green sumagot ka "wika ko

"May sakit si kuya?"tanong ni Innah kay Green

"Ano kasi.."

"Green wag kang mag sisinungaling "malamig kong wika

Huminga siya ng malalim bago mag salita

"Hindi niya din alam na may sakit siya ako lang ang nakaka alam"wika ni Green

"Anong sakit ni kuya?"tanong ni Innah

"Pano siya nag kasakit?"tanong ni Black

"Sa kapangyarihan niya..... Kaya niya hindi magamit ang kapangyarihan nya dahil sa sakit niya sa oras na magamit niya ang kapangyarihan niya magiging lason ito at kakalat sa buong katawan niya at magiging dahilan ng kamatayan niya"sabi ni Green kaya napa tingin ako kay Axis

"Ano banh kapangyarihan niya?"tanong ni Black

"El Bendre Efil" napa tingin ako kay Green sa sinabi niya

"Seryoso ka?"tanong ko tumango siya bilang sagot

"Kung ganon kaya niyang buhayin si Ivy" napa tingin kami sa nag salita mula sa pintuan ng kwarto ni Ivy naka tayo si Sky na kakaiba ang reaction

"Sky hindi pwede ang naiisip mo narinig mo ba si Green? Magiging lason sa katawan ni Axis ang kapangyarihan niya sa oras na ginamit niya iyon"wika ko

"Pero hindi ako papayag na mawala sakin ang kapatid ko! "Sigaw ni Sky

"Blue si Axis ang tanging sagot para mabuhay si Ivy siya lang wala nang iba!"sigaw ni Sky
Napa tayo ako ng di oras sa sinabi niya

"KAPAG GINAMIT NI AXIS ANG KAPANGYARIHAN NIYA! SIYA ANGA MAMATAY NAIINTINDIHAN MO BA?!"sigaw ko

"AYUS LANG NA MAMATAY SIYA! DARKNIANS SIYA WHITENIANS TAYO! WALANG LUGAR SA MUNDO NA TO ANG MGA DARKNIANS!"

Isang malaking apoy ang agad na pumunta sa dereksyon niya pag tingin namin nakita namin si Innah na masama ang tingin kay Sky

"Umayus ayus ka ng pananalita tandaan mo darknians din ako"malamig na wika ni Innah

"BAKIT BA HINDI NALANG SIYA ANG NAMATAY?!"sigaw ni Sky kay Innah habang naka turo kay Axis ang daliri niya

"WALANH KASALANAN SI KUYA DITO! KUNG HINDI BALIW SA PAG IBIG ANG KAPATID MO! HINDI NIYA MAIISIPANG MAG PAKAMATAY! ALAM KONG ALAM MO NA LUMAYO NA SI KUYA KAY IVY PERO ANO NAG PAPAKA TANGA YANG KAPATID MO SA KAPATID KO!" sigaw ni Innah agad umangat sa ere si Innah dahil sa kapangyarihan ni Sky

Agad ko namang kinontrol ang katawan ni Sky para itigil ang ginagawa kay Innah

Ng maka lapag na sa lupa si Innah agad siyang inalalayan ni violet at Black

"Tama na! Nag aaway pa tayo! Tapos na! Nang yare na ang lahat! Kahit anong pag tatalo ang gawin natin wala na si Ivy! Hindi na siya mababalik!"sigaw ni Black

"Mababalik sya"malamig na wika ni Sky at sa isang iglap bigla syang nag laho at napunta sa tabi ni Axis na walang malay

"Kung ayaw niyong gawin ako ang gagawa"pag kasabi ni Sky ng mga salitang yun ay agad silang nawala kasama si Axis

Shit! Hindi niya pwedeng gawin ang bagay na yun

~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon