Chapter 21

1.4K 57 0
                                    

Ivy POV

"Bakit hindi kayo sumayaw ni Axis Ivy?"

0___0
Naa tingin ako sa dyosa

"Po?"tanong ko saka tumingin kay Indigo na naka tingin lang sa mga sumasayaw

"Pa..patay na po si Axis"sabi ko napa tingin sakin si Indigo at ang dyosa

"Talaga ba iha? Pasensya na ah sige na mag sayaw na kayo ni Indigo"wika ng dyosa naguguluhan man eh niyaya parin ako ni Indigo para sumayaw

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at inabot ko naman ito sabay kaming nag lakad papuntang gitna lahat ng mga nadadaanan namin ay gumigilid

Kami nalang ni Indigo ang walang Mask kaya nakikita na nila ang mga mukha namin

A/n: play Perfect by Ed Sheeran

Nag simula na ang tugtugin kaya naman nag simula din kaming sumayaw ni Indigo naka titig lamang kami sa isa't isa at oo aaminin ko naiilang ako sa pag tingin niya sa akin aaminin ko sobrang bilis ng tibok ng  puso ko at hindi ko ito gusto

"Napaka misteryoso mo"bigla kong sabi

Napaka lapit lang namin sa isa't isa
Natawa nalang ako dahil parang hindi siya sanay sa pag sayaw parehas sila ni Axis nauuna ang kanan bago ang kaliwa

"Pati ako na mimisteryosohan din sa sarili ko"wika niya napa ngisi nalang ako

" ano bang alam mo sa sarili mo?"tanong ko pinaikot niya ako bago sumagot

"Sa totoo lang wala akong alam sa sarili ko"sabi niya napa iling nalang ako at humawak sa pisngi niya para akong nakuryente ng dumapo ang kamay ko sa pisngi nya kahit naka gloves ako ramdam ko ang koryente

"Alam kong babalik din ang ala ala mo"sabi ko natahimik kaming dalawa at naka tingin lang sa isa't isa

"Ivy pwede bang mag request?"tanong nito kaya napatungo ako

"Can...can i hug you?" Tanong niya

Natawa nalang ako sa inasal niya at ako na miamo ang yumakap sa kanya naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin

"Sa totoo lang natatakot ako...natatakot ako dahil kapag pinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko ang isang lalaking pinapahirapan isang lalaking pilit nakiki usap na pakawalan siya dahil mag tatanan sila ng kasintahan niya pero ang mga dumukot sa kanya sadyang masasama dahil inilibing siya ng buhay"sabi niya

Ewan ko pero biglang nahiwa ang puso ko sa ikinuwento niya

"Natatakot din akong makita ang babaeng umiiyak sa isang sulok habang malakas ang ulan ay hinihintay niya ang lalaking inilibing ng buhay"wika niya

Hindi ko na napigilang mapaiyak sa mga sinabi niya

"Umiiyak ang babae dahil mag damag siyang nag hintay pero hindi dumating ang lalaki umiiyak yung babae dahil akala niya hindi siya sinipot ng lalaki pero hindi niya alam ang lalaking hinihintay niya ay nakalibing na"wika niya

Bigla kong naalala ang mga panahun na dapat ay mag tatanan kami  ni Axis pero hindi siya sumipot dahil sa namatay siya

"Isang gabi nagising ako bigla dahil nakita ko ang babae na pilit binubuhay ang bangkay ng lalaki ng matuklasan niyang patay na ang lalaking mahal niya ginawa niya ang lahat para mabuhay ang lalaki pero wala siyang nagawa"

Sa mga sinabi niya bigla akong napa tigil hindi dahil sa na touch ako kundi dahil sa napansin kong tugma na lahat ng sinabi niya sa mga naranasan ko

Napa hiwalay ako sa kanya at tinignan siya

"Yung...yung babae ba....namumukhaan mo?"tanong ko

Umiling siya

"Lahat malabo maliban sa mga bagay bagay ang mga malabo lang ay ang mga mukha nila"sabi nya kaya napa tingin ako sa mga mata niya

Punong puno ito ng takot at lungkot

"Nagiging dramatic na tayo tara akyat na tayo sa pwesto ng dyosa"sabi niya at hinila ako papunta sa derektion ng dyosa pero natigilan ang lahat ng biglang nag bukas ang kisame ng court at iniluwa non ang mga nag niningning na bituin kasama ang dalawang puting buwan at isang asul na buwan

"Napaka ganda"wika ni Indigo kaya napa tingin ako sa kanya naka tingin siya sa asul na buwan

"Ang asul na buwan ay buwan ng dyosa lumalabas lang yan kapag kaarawan niya at alam mo ba pinaniniwalaan ng lahat na ang buwan na yan ay ituturo sayo ang derektion kung sakaling may nakalimutan o may nawala sayo "sabi ko

Napa tingin ako kay Indigo

"Kaya pala bumababa ang mga piraso ng asul na buwan"

0___0

Nagulat ako sa sinabi nya at napa tingin sa asul na buwan
At oo tama si Indigo bumababa ang ilang piraso nito

"Ang Aking buwan ay may tila nais tulungan"wika ng Dyosa na nasa tabi na namin naka tingin din siya sa buwan niya kaya napa tingin din ako don lalong lumaki ang mga mata ko ng makita ang ilang piraso ng buwan na papalapit sa gawi namin kaya lahat ng mga nilalang dito ay naka tingin sa amin

"Ang ganda"wika ni Indigo ng tumapat sa kanya ang ilang piraso ng buwan

Taka kong tinignan ang dyosa naka ngiti ito na para bang alam niya na ang lahat

"Nangyayare na....unting oras nalang at malalaman na niya ang lahat"sabi ng dyosa at tumingin sa akin

"Gayon din ikaw"sabi niya kaya lalong kumunot ang nuo ko akmang mag sasalita pa sana ako ng makita ang asul na ilaw sa ibaba ko kaya napa tingin ako sa taas at nakitang naka tapat din ang ilang piraso nito sa ulo ko kagaya lamang kay Indigo

"Oras na" pag kasabi niya non ay inisnap niya ang kanyang daliri at sabay non ang pagiba ang mga bagay bagay sa paligid ko

Agad na namuo ang mga luha ko ng mapag tantong nasa harap ko ang dating ako na hinihintay si Axis
Ito yung araw na mag tatanan kami pero hindi natuloy dahil namatay siya....

~~~
Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon