Chapter 39

778 29 1
                                    

Ivy POV

"Anong gagawin natin dito Ivy?"tanong ni Black habang sinusuri ang kabuohan ng lumang Library

"Oo nga, masyadong luma ang library na to mga panahon pa ito ni Colossus"wika ni Innah at kumuha ng isang libro

Tahimik kong sinarado ang pinto ng Library at binuksan ang ilaw

Tumingin si Innah sakin at ngumiti

"Mga pulang kandila"wika ni Black at tumingin din sakin

Deretso ko silang tinignan

"May balak ka ba Ivy?"tanong ni Black hindi ko siya sinagot sa halip ay iniwasiwas ko ang aking kamay sa ere para itali silang dalawa

Ni hindi sila nag panic o natakot sa ginawa ko. Naka tingin lang silang dalawa sa akin na para bang sinasabing HINDI KA NAMIN KILALA

"Patawad" sabi ko
Ngumiti lang si Innah sakin habang may tumutulong luha

"Mahal na mahal mo talaga si kuya Ivy"wika ni Innah

"Wag mo siyang papabayaan Ivy...kung sakaling matuloy ang binabalak mo paki sabi kay kuya na masaya kong inalay ang sarili ko para tulungan ka ng sa ganon hindi siya magalit sayo"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya

"Na iintindihan kita Ivy.... Matagal nawalay sayo si kuya at lahat handa mong gawin para lang makasama mo siya
Sa tagal natin mag kasama alam ko kong gano ka nangulila kay kuya"wika ni Innah

Umiwas ako ng tingin sa kanya

"Kaya sige na gawin mo na ang nais mong gawin"malungkot na wika ni Innah

"Innah kukunsintihin mo pa siya? Innah buhay natin ang kapalit dito"angal ni Black

"Naiintindihan ko siya Black alam ko kung gano siya nangulila kay kuya!"wika ni Innah

"NARIRINIG MO BA AKO?! BUHAY NATING DALAWA ANG NAKA SALALAY DITO!"sigaw ni Black at tumingin sa akin

"IVY GUMISING KA NGA SA KATOTOHANANG HINDI KAYO ANG PARA SA ISA'T ISA! PINAG TAGPO LANG KAYO PERO HNDI KAYO ANG PARA SA ISA'T ISA! "sigaw ni Black

Malamig ko siyang tinignan

"Pano mo nasasabi sakin ang mga salitang yan?"malamig kong wika

"Pano mo nagagawa to sa amin Ivy? Pano mo masisikmura na patayin kaming kaibigan mo na mas matagal mo nang nakasama kesa sa Axis na yan?"balik niyang tanong

Umiwas ako ng tingin sa kanya sakto sa pag iwas ko ng tingin ang pag ilaw ng salamin kung saan nag bibigay ng hudyat na kailangan ng simulan ang seremonyas

"Umilaw na"wika ko

"IVY GUMISING KA! PANO MO NAGAGAWA TO?! MAS MATAGAL MO KAMING NAKA SAMA KESA SA AXIS NA YAN! TINURING KA NAMING KAPATID IVY! KAMI ANG UMALALAY SAYO NONG PANAHONG WALA SIYA!"sigaw ni Black tinignan ko siya
Ganon nalamang ang pagkabigla ko ng unang beses kong makita si Black na umiyak

Sa tagal ng pag sasama namin hindi ko pa nakikitang umiyak si Black

"Mas mahal ka namin Ivy madami pang ibang Lalaki jan Ivy gumising ka nga! Kaibigan mo kami! Para kaming mga kapatid mo nong oras na iniwan ka niya diba saamin ka tumatakbo?! Ivy sana isipin mo naman ang makakabuti sa nakakarami hindi sa pansarili mo lang"wika niya habang umiiyak

"Black.."tawag ni Innah

"Hindi na kita kilala Ivy iba ka na ibang iba ka na pati kaming mga kaibigan mo gusto mong patayin! Ivy sana hindi nalang kita nakilala sana hindi nalang kita naging kaibigan at alam mo sinusumpa ko na sana kahit makamit mo ang gusto mo sana hindi ka maging masaya sana hindi ka maging masaya sa piling niya!"sigaw ni Black

Dahilan para matigilan ako

Alam niyo kung ano ang masakit? Yung marinig na pinag sisisihan niya na naging kaibigan niya ako
At ng isumpa nya ako.....

Malamig ko siyang tinignan saka iniwasiwas ang kamay ko para patigilin ang salamin
Itinapat ko ang kamay ko sa pinto habang nasa kanya parin ang tingin ko

Iniwasiwas ko ang kamay ko para mawala ang tali nilang dala
Ng mawala na ang tali agad na tumayo si Black at iniwasiwas ang kanyang kamay sabay non ang pag labas ng itim na usok mula sa kanya

"Black tama na!"sita ni Innah at inawat si Black

"Sorry.."yan nalang ang lumabas sa bibig ko at yumuko

"Huh....sana tinuloy mo nalang na patayin kami para sa sariling ikaka ligaya mo bakit nakinsensya ka ba? Natakot ka ba sa sumpa ka? "Sarkastikong wika ni Black hindi ko siya kinibo

"Alam mo wala akong babawiin ni isa sa mga sinabi ko
Sana talaga hindi nalang kita naging kaibigan dahil mas masahol ka pa sa isda na sobrang langsa "wika ni Black at lumapit sakin

"Mula sa araw na to tinatapos ko na ang pag kakaibigan natin tandaan mo yan"malamig niyang wika saka kami iniwan

"Ivy..." Nanginginig na wika ni Innah

"Umalis ka na Innah baka masaktan pa kita"malamig kong wika

"Pero..."

"ALIS!"sigaw ko 

Malungkot niya akong tinignan bago dahan dahang umalis sa harap ko
Napa hilamos ako sa mukha ko at tahimik na umiyak

Ang tanga ko
Ang tanga tanga ko bakit ba naisipan kong gawan ng masama ang mga kaibigab ko?
Ng dahil lang sa kaligayahan na hangad ko nagawan ko sila ng masama

Ngayun mag isa nalang ako...
Sobrang tanga ko

"Wahhhhhhhh!"sigaw ko at pinag tatabig ko lahat ng gamit na mahawakan ko

"ANG TANGA TANGA KO!"sigaw ko at binato ang isang matigas na bagay sa salin dahilan para mabasag ito

Tinitigan ko ang basag na piraso ng salamin saka ako lumapit dito at kumuha ng isa

"Mag isa nanaman ako...
Nagawan ko ng masama ang mga kaibigan ko...
Iniwan niya na ako...
Ano pang silbi ng buhay ko?"tanong ko at natawa bigla

"Ang mga tangang gaya ko ay hindi na dapat nabububay pa sa mundong ito"
Pag kasabi ko non ay hiniwaan ko ang parte kung nasan ang pulso ko napa pikit ako sa sakit na dulot non

"Ivy!"

Muli ko pang hiniwaan ang pulso ko dahilan para lalo itong sumakit

"Ivy!!!"

Naramdaman kong may umagaw sa hawak kong piraso ng salamin

"Ivy ano bang ginawa mo?!"

Pati ba naman boses nya maririnig ko parin hanggang sa huling hininga ko?

"Violet tumawag ka ng tulong"

"Axis..."

Siguro dala narin ng pagod ay agad bumigat ang talukap ng aking mga mata
Isang ngiti ang aking binitawan bago ko tuluyang pinikit ang aking mga mata

Atleast sa huling hininga ko narinig ko ang boses niya

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon