Chapter 35

913 36 3
                                    

Ivy POV

"Hoy! Green Tengene me telege kenekeleg se veelet jesme!"pabebeng wika ni Blue ng makitang may ibinigay si Green kay Violet

"Gago ka ba? Hoy! Peace offering to!"namumulang wika ni Green saka umiwas ng tingin kay Violet ngumisi naman si Violet napa iling iling nalang ako at tumingin sa langit

Nasa park na kami ngayun mapayapa,tahimik at malamig ang simoy ng hangin

"Ivy" napa tingin ako kay kuya Sky na papalapit sakin sunod kong tinignan si Axis na kumakain ng Ice cream habang may hawak pang isang Ice cream

Inilahad ni Axis ang dala niyang ice cream sakin, tinanggap ko naman ito at nag pasalamat

"Hoy Ivy alam mo ba may sinabi sakin si Axis na ikaw lang daw nakaka-alam bakit di mo sinabi sakin?"seryosong wika ni Kuya kaya kinabahan ako

"A-ano yun?"tanong ko at tumingin kay Axis

"Sinabi niya na sabi mo daw kapag nanalo siya sa last game mag papakasal daw kayong dalawa"malamig na wika ni kuya

Ewan ko kung matutuwa ba ako sa narinig ko o ano ...

Bigla akong tumingin kay Axis na may Ngisi

"Ikaw daw nag propose!"wika ni Kuya kaya lumaki ang mata ko

"Hindi kaya!"wika ko at pinandilatan ng mata si Axis

"Just Kidding Lil sis "natatawang wika ni Kuya at tumingin kay Axis

"Pre pwede ko bang mahiram si Ivy?"Tanong ni kuya kay Axis tumango si Axis at nag lakad papunta kila Green

Sinusundan ko lang siya ng tingin ng mag salita si kuya

"Malapit na siyang mag bago"

Agad akong napa tingin kay Kuya at kunot nuo siyang tinitigan
Hindi kaya may alam siya?

"Isa siyang Darknians Ivy"wika niya at tumingin sa akin iniwas ko ang tingin ko at tumingin kay Axis na masayang nag kwe-kwentuhan kay Blue at Green

"Di mag tatagal mawawala ang mabait na Axis"dugtong ni kuya dahilan para maluha ako

"Pag sapit ng pulang buwan mag babago siya. Sakto yun sa araw ng last game Ivy"napa kagat ako sa labi ko at pinipigilang lumuha pero hangal na mga luha nag uunahan silang lumabas mula sa aking mga mata

"Kuya..."nanginginig kong wika at niyakap si kuya

Unang beses kong yakapin si kuya
Unang beses kong umiyak sa harap ni kuya.

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik

"Kuya ayokong....mawala sakin si Axis"nanginginig kong wika habang yakap siya

"Ayokong mag bago siya at kalimutan ako,ayokong mag bago siya at maging kalaban ko siya Kuya anong gagawin ko?"tanong ko sa kanya

Marahan niyang hinaplos ang aking buhok at nag salita

"Wala kang magagawa Ivy,wala tayong magagawa"lalong lumakas ang hagulgul ko sa sinabi ni kuya

"Kailangan mo siyang pakawalan kahit masakit.kailangan mong tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa pinag tagpo lang kayo Ivy"dugtong niya

Humiway ako sa pag kakayakap sa kanya at tinignan siya saka umiling

"Hindi,hindi ko siya papakawalan matagal kaming nagkawalay kuya! Matagal ko siyang hindi nakasama kuya! Nangulila ako sa loob ng limang taon tapos babalik siya at bigla nanamang mawala kuya di ko kakayanin mahal ko siya mahal niya ako! Nag mamahalan kami kuya ..hindi ko kaya"wika ko at pinunasan ang luha

"Anong gagawin mo para pigilan ang nakatakdang mangyare?"tanong ni kuya

Natigilan ako at tumingin kay Axis

"Walang sino man ang makaka pigil sa mangyayare Ivy wala" dugtong niya

Napa lunok ako at tumingin kay kuya

"Meron na kuya at ako yun"wika ko

Kumunot ang nuo niya at unti unting namula ang mukha sa tingin ko alam niya na ang pinupunto ko

"Hindi Ivy hindi ko hahayaang gawin mo ang iniisip mo"umiiling at malamig na turan niya

"Kuya wala na akong ibang maisip na paraan--"

"Mag hihiwalay din naman kayo Ivy! Mamamatay din naman kayo Ivy!"galit na wika ni kuya

"Pano mo nasasabi ang mga yan?"

"ADVANCE AKONG MAG ISIP!" Galit niyang tugon

Umiling iling ako

"Wala kang magagawa kuya buhay ko to gagawin ko ang kung anong gusto ko"wika ko

"Ivy naiisip mo ba ang mangyayare? Hindi ka pwede maging Darknians hindi ka pwedeng pumanig sa kanila kapag nangyare yun---"

"Mamamatay ako"dugtong ko at ngumiti ng malungkot

"Alam ko kuya alam kong mamamatay ako.... Pero mas ikaka matay ko kung mawawala si Axis sa akin"wika ko at muli nanamang tumulo ang luha ko

"Mas gugustuhin ko pang ibenta ang kaluluwa ko sa mga darknians kesa sa mawala si Axis"wika ko

"HINDI PWEDE!"sabe ni kuya dahilan para mapa tingin sila Black at Axis dito sa gawi namin

"May problema ba guys?"Green

"HINDI KO HAHAYAANG IBENTA MO ANG KALULUWA MO SA KANILA IVY! NAG PAPAKA TANGA KA NA AT PATI KALULUWA AT BUHAY MO IAALAY MO SA KANYA! GUMISING KA NGA IVY SA KATUTUHANANG WALA KA NANG MAGAGAWA SA MANGYAYAYARE SA HINAHARAP!"sigaw ni kuya

Lumapit silang lahat sa gawi namin hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Kuya

"Anong nangyayare?"Innah

"Ibebenta? Sino?"Blue

"OO BOTO AKO SA INYONG DALAWA PERO ANG MAG PAKA TANGA SA KANYA?! IVY GISING!"iritang wika ni kuya at napa hilamos sa kanyang mukha

"Wala kang alam kuya"

"MADAMI AKONG ALAM IVY! ALAM KO LAHAT LAHAT! IBEBENTA MO ANG KALULUWA MO SA MGA DARKNIANS PARA LANG MAKA SAMA SI AXIS! PANO KAMI IVY?! PANO AKO?! SILA MAMA?! "Sigaw ni kuya

"Totoo ba Ivy?" Nanigas ako sa boses ni Axis
Napa tingin ako sa kanya

Seryoso siyang naka tingin sa akin at hinihintay ang sagot ko

"Bakit humantong na sa bentahan ng kaluluwa?"Blue

Huminga ako ng malalim saka napa kagat sa labi ko

"Totoo"sagot ko

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon