Chapter 34

988 35 1
                                    

Ivy POV

"Oy dahan dahan sa pag baba guys wag kayong gagawa ng ingay"sabi ko at tumingin sa kaliwa't kanan

"Oy dali Innah akyat na"Blue

Kasalukuyan kaming umaakyat sa pader ng WTA para maka labas ng academy

Gaya ng napag usapan sa labas kami ng Academy gagala

"Oh sige na Axis Ivy sabay na kayo umakyat"wika ni Green at nilahad nila ang kamay nila para maka sampa kami sa puno

Tumingin ako kay Axis na naka hawak sa ulo niya

"Axis.. Ayus ka lang ba?" Tanong ko

Tumingin siya sakin at ngumiti saka umakyat sumunod din ako sa pag akyat

"Whow ito pala yung itsura sa labas?" Manghang wika ni Black at Violet

"Ilang taon narin ng huli kong makita ang Sentorya (Bayan ng Vinponsa Lugar kung saan naka tayo ang White Tiger Academy)" wika ni Innah at tumingin kay Axis

"Kuya bisitahin natin sila mama?"tanong ni Innah sa kapatid ngumiti si Axis at huminga ng malalim

"Innah, kapag pumunta tayo sa kanila siguradong hindi na tayo makakabalik pa alam mo naman sila"sabi ni Axis at tumingin saakin

"Isa pa kaya tayo lumabas ng academy para makapag saya "dugtong niya kaya napa ngiti ako

"Bro pansin ko lang ah"singit ni Blue kaya napunta sa kanya ang atensyon naming lahat

"Bat ang dram mo today? May sakit ka ba o mamamatay ka na o ano?" Dugtong ni Blue agad siyang binatukan ni Green at inirapan naman siya ni Black

"Blue gusto mo ikaw mauna mamatay? Hindi magandang tanong yun"wika ni Innah

"Bakit? Kasi kanina nakita ko sila ni Ivy na umi--"

"Tara na wag nang daming satsat"pag puputol ko sa sasabihin ni Blue at agad na hinila si Axis  palayo sa kanila

"Oy tara sa Park! Sabi nila maganda daw dun!"wika ni Green

"Guys guys always remember na bawal makipag away sa mga nilalang dito sa labas naka uniform pamandin tayo"wika ko

"Ikaw lang naman ang pala away sa ating lahat Ivy"sarkastikong wika ni Black at tumawa napa iling nalang ako at ngumisi

Muli kong tinignan si Axis na naka tingin sa harap ng gate ng WTA

Humakbang ako palapit sa kanya at tinitigan din ang gate ng WTA

"Bakit ka tumitingin sa Gate?"tanong ko

Nakita ko mula sa vision ko na lumingon siya sakin saka humingang malalim

"Sa pwesto na ito nakita ko ang kamukha ko na naka tingin sa academy at may masamang iniisip"sagot niya

Muli akong natigilan sa sinabi nya nilingon ko siya at saka hinawakan ang pisngi

"Tara na Axis tumakas tayo para mag saya hindi para maging nega"wika ko at hinila si Axis palayo sa Gate

Habang nag lalakad kami patungo sa park nakakita sila Innah at Kuya Sky ng isang tindahan kung saan may mga tindang magagandang desenyo ng damit at kung ano-ano pang bagay

"Tara Guys! Don tayo sa tindahan bibili daw si Violet ng damit"wika ni Green sumunod kami ni Axis kila Green unang pumasok si Violet sunod si Innah

"Ikaw wala kang bibilhin?"tanong ni Axis ng nasa loob na kami

"Wala hindi ako mahilig sa mga gamit hindi gaya ni Violet"sabi ko at tumingin tingin pa ng ilang gamit na tinda

Napa tigil ako sa pag tingin ng mahagip ng mga mata ko ang isang bagay na kung saan naging intresado ako

Isang purselas...

"Napaka  ganda ng purselas na yan hindi ba?" Nagulat ako sa boses na nag salita sa gilid ko tinignan ko ito at nakita ang isang matanda na mangkukulam  na sa tingin ko nag mamay ari ng tindahan na ito

"Ang purselas na yan ay mula pa sa unang reyna ng liontandia sa kabilang mundo"wika niya kaya napa tingin ako sa purselas

"Mag kapares ang dalawang yan ang sabi itong Purselas na ito *sabay turo sa isang purselas na ginto na may isang pusong Ginto* ang purselas ng reyna at ito naman *sabay turo sa isang purselas na silver na may pusong silver* ang purselas ng lalaking pinaka mamahal niya"wika ng matanda kaya lalo ako naging intresado

"Ang sabi isang Darknians ang mahal ng reyna katulad ng lalaking mahal mo"
Natigilan ako sa sinabi ng matanda

"Alam mo ba na isinuot ng reyna ang purselas na yan sa kanyang pinaka mamahal bago tuluyang mawala ang ala-ala ng mahal niya tinangka daw alisin ng lalaking mahal niya ang purselas pero hindi niya ito maalis dahil sa mahiwaga ang purselas"kwento niya kaya hinawakan ko ang purselas

"Pano naalis ang purselas sa kamay nila?"tanong ko
At tumingin sa matanda

"Maaalis lang ang purselas sa oras na namatay ang isa sa kanila"sagot niya tinitigan ko ang purselas

"Bibilhin ko to"sabi ko

"Payo lang ineng hanggat maaga paalisin niyo na ang lalaking alam mong magiging dahilan ng pagkawala ng mga kaibigan mo dahil habang tumatagal unti unting namumuo sa loob niya ang galit "wika niya kaya tinitigan ko ang matanda

"Wala kang alam"malamig kong wika at tumalikod

"Madami...madami akong alam Ivy alam kong hindi niyo mapipigilan ang mangyayare sa hinaharap" natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ko

Muli akong tumingin sa matanda naka ngiti siya sa akin at kinuha ang purselas na hawak ko saka nag labas ng isang kahon at inilagay ito sa loob

"Ivy ano? Naka pili ka na?"mula sa likod ng matanda nakita ko si Axis na may hawak na maliit na kahon

"Meron "sagot ko at kinuha sa matanda ang binili ko at binayaran ng limang ginto

"Tara nasa labas na sila Violet"wika ni Axis habang naka ngiti

"Madami...madami akong alam Ivy alam kong hindi niyo mapipigilan ang mangyayare sa hinaharap"

Muli kong naalala ang sinabi ng matanda sa akin
Pano kung hindi namin mapipigilan ang mangyayare sa hinaharap pano kong si Axis nga ang papatay samin?

~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon