Chapter 24

1.4K 53 1
                                    

Ivy POV

"Axis...."

"Buhay si Axis?"

"Hindi ba't namatay na siya?"

"Bumalik siya"

"Hindi kaya binuhay siya ng dyosa?"

Bumalik na siya sa tamang itsura niya bumalik na siya sa dati bumalik na ang tamang wangis niya ang wangis na nagustuhan ko at kinabaliwan ko

Nag simula na mag bulong bulongan nanatili kay Axis ang tingin ko
Hindi niya man lang ako tinignan....

"Umalis na kayo ma,pa"sabi ni Axis

"Axis anak...nabalitaan namin na nama..."

"Buhay ako nakikita niyo naman hindi ba? Umalis na kayo"malamig na wika ni Axis

Napa tingin ako kila tita

Halata sa mukha nila ang pagka dismaya at halata din sa kanila ang lungkot

"Hindi mo manlang ba kami yayakapin....anak?"tanong ni tito

Napa tingin kaming lahat kay Axis

"Ano bang tingin niyo sakin? Kaluluwa? Na nag pakita lang sa inyo at kailangan pang maramdaman niyo ko para makumbinsi kayong buhay ako?"tanong ni Axis

Napa kunot ang nuo ko

"Axis....sila tita ang..."

"Wag kang mange alam Ivy"madiing wika ni Axis
Hindi siya tumingin sa akin sapagkat deretso lamang ang tingin niya sa mga magulang niya

"Axis anak....wag ka namang ganyan..."

"Ganito na ako Ma...ganito tayo...ito tayo ito ang ugali natin..."wika ni Axis at napa tingin sa akin biglang tumaas lahat ng balahibo ko ng tignan niya ako

"Ito tayong lahat ma...ganito lahat ng Dark Night Masama,walang puso at pala away....ito ako ma ito tayo at kahit kailan hindi na tayo mag babago pa"wika ni Axis habang naka tingin sa akin

Napa lunok ako sa sinabi niya

"Isa tayong basura"

.....

"Ang mga kagaya mong Dark Night ay hindi nababagay sa mga Whitetanian isa kang basura sa uri namin! Isa kang masamang nilalang at alam kong hindi ligtas si Ivy sayo dahil galing ka sa lahi ng masasama!"

Naalala ko bigla ang sinabi ni Mama....

"Axis..saan mo naman nakukuha ang mga salitang yan?"tanong ng lolo ni Axis tumingin si Axis sa lolo niya at ngumiti

"Wala po....umalis na po kayo...may klase pa po kami "wika ni Axis

"Axia bumalik ka na sa amin hindi ka bagay dito kayong dalawa ni Innah hindi kayo bagay dito dahil sila Mabubuti tayo masasama"wika ng lola ni Axis

"Alam ko kaya umalis na kayo babalik din ako sa inyo kapag tapos na ako"sabi ni Axis kaya napa kunot ang nuo ko

Kapag tapos na siya?

"Ma pa please umalis na po kayo"wika ni Innah

"Mag iingat ka anak"wika ng mama ni Axis sa dalawa

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon