Shama
Nagising ako sa sikat ng araw at tilaok ng manok. Weird? Sa pagkakatanda ko Wala naman kaming alagang manok. But, ugh nevermind. Inaantok pa ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko to look for my phone. "Oh great 9 am palang pala"...
WAIT WHAT!? 9 AM NAA? Shookt. Late nako! Napabalikwas ako sa kama at ilang beses pa ko nag pagewang gewang sa pagmamadali. Jusko , ilang araw na kong late. Ilang araw na kaltas na din sa sahod ko ito! Baka mawalan nako ng tarabahoo! No Lord! Wag naman. Ayoko po maging dukha!
Hindi ko na nagawang magbreakfast at dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. 5 minutes tapos na! Ewan ko ba, talent ko ata maligo nang ganun kabilis. Well kung ikaw ba naman mallate na at worst matanggal sa trabaho dahil sa kabagalan mo, ewan ko nalang kung di pa ko mag ala ninja dito. Mag isa lang naman kasi ako dito sa apartment ko. My parents both died nung 5 years old palang ako. Nung una hindi ko matanggap syempre, ikaw ba naman mamatayan, alangan mag party pa ko? But back to my story, Nahirapan ako mag adjust nung una because Im too young para mawalan ng pamilya. But my relatives help me, specially my lola. Pinalaki nya ko ng may good manners and right conduct. May birtud and whatsoever. And now here I am. May trabaho and successful na sa buhay. Naiwan si lola sa probinsya. Si lola kasi mas kailangan nya makalanghap ng fresh air kaya ako nalang nagstay dito sa manila at nilalanghap mag isa ang polusyon- este mas malaki kasi pasahod dito. HAHAHA. Nagmumuka na kong pera!
"Hi Love, Goodmorning" bati ko sa litratong nakadikit sa salamin ko sa may drawer. My boyfriend. Pero ako lang ang may alam. Di sya aware na minamahal at pinagpapantasyahan ko sya patago. Parang ampangit pakinggan? Iw. So yun I'm really super duper inlove with this guy. Kahit alam kong one sided love lang naman. But still eto pa rin ako, umaasang mamahalin nya din ako. Tanga e. Soreh
"Magiging tayo din for real love" hihi.
"Omayghad" sabe ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin. "hindi na nga ko kagandahan, at katangkaran, hindi din pang fhm yung katawan ko, wala din akong lovelife, at ito! Yang noong yan! Piste. Parang sa araw araw na ginawa ng Diyos palapad din sya ng palapad! Ganto ba talaga ko kamalas?" . sabe ko nalang sa sarili kong repleksyon na may paturo turo effect pa. Haist bahala na nga! Kesa laitin ko sarili ko papasok nako! How i hate this life.
Good thing at mukang kakampi ko ang tadhana ngayon. Hindi traffic kaya by 9:30 nasa office nako. Gosh, kung may MMDA lang kanina malamang nahuli na ko dahil sa bilis kong magpatakbo. Dito ko sa BXE Company nagttrabaho. Im a call center ageant by the way. 5 years na ko dito and to be honest hindi madali maging call center ageant. Dahil para kang magiging human panda sa puyat, at eyebags. Kaya di na den ako magtataka kung bakit maliit ako. Kulang sa tulog. Psh.
"Hi Justin" , sabi ng babae sa likod ko..
(Play "Hanap hanap by jadine <3)
Oh Lord, you're so great. Meet my future boyfie. Justin Delacruz. My love, my husband in my dreams, my future, the love of my life, and my-
"Oy bes! Tulala ka na naman" , sabay snap sa harapan ko. " late ka din pala! Buti nalang may kasabay ako! Tara na magagalit na naman si boss ne to eh!" , Di ko namamalayan na hila hila nya na pala ko. Yes , Justin is my bestfriend. That's the reason kung bat di ako makaamin sakanya. Baka kasi magalit sya, or ireject nya ko. Or worst , mawala yung iniingatan kong friendship namin. Pagtapak na pagtapak ko palang sa kumpanyang to, naging magkaibigan na agad kami. He's too nice, sweet, gentlemen , handsome, mabango, matangkad lahat na! Kaya gustong gusto ko tong taong to.
"Shamz , okay kalang?" . tanong nito. Jusko nahalata nya na ata na nagbabalik tanaw na naman ako. "Oo bes, pagod lang ako, sorry ". Sabay ngiti sakanya.
Dumiretso na agad ako sa pwesto ko at sya naman sa pwesto nya.
"Hoy bakla! Ano yan? May pagsabay na kayo pumasok ni bebe mo ah! Di ka nagkkwento sakin!". God,eto na naman ho sya, ang babaeng di ko alam kung babae ba talaga. Napakabungangera neto but witty naman. Pretty pa. Kaya kahit loka loka sya, no doubt maraming nagkakagusto sakanya.
"Hoy ka din bakla! Nako tigil tigilan mo ko Jhoanna Mae sa kakaintriga mo, umagang umaga". Sabi ko ng mas malakas sa boses nya. Mahaderang to, pagttripan na naman ako. Porket alam nya yung feelings ko kay jus.
"G na G te gurl? Halata namang nagdidiwang ka sa kaloob looban mo noh! But seriously shamz, I'm happy for you , pero shempre mas magiging masaya ko kung aamin kana sa bestfriend/ love of your life mo".
"Thanks jho, pero dipa ko handa. Natatakot ako sa pwedeng mangyare". Sabe ko nalang. Totoo naman, hindi pa talaga ko handa. Hindi pa enough yung kapal ng muka na meron ako to confess my feelings sakanya. Napakatorpe kong babae.
Buti naman at tumahimik na ang isang to. Good thing na nandyan si jho. Na may kaibigan akong babae na mapagsasabihan ko ng mga gantong bagay. Syempre ang weird naman na kay jus ako magkwento diba?. Muka naman akong tanga non.
Time flies so fast. Gabi na so uwian na. Isa isa ko ng niligpit yung gamit ko sa backpack ko and ready to go na.
"Shamz tara na? Sabay na tayo uwi". Ow my bebe, so sweet talaga. Diko namamalayan na nasa harap ko na pala sya. "Ikaw jho? Sabay kana din, gabi na den". Yaya ni jus sa lokaret na kaibigan ko. "Ah, nako wag na noh. Kaya ko naman na, tyaka kayo na ni shama magsabay mas kailangan ka nyan". Sabay kindat sakin ng walangya. Naguguluhan namang tumango si jus. Pagkababa namin diretso na kami ni jus sa parking lot. Ang sweet talaga ng taong to, hinatid pa talaga ko hanggang sa makapasok na ko ng sasakyan. Enebe keshe jus. Keenes ke e!
"Shamz okay kana dito? Sakay na den ako sa kotse ko ah? Drive safely. Magiingat ka". Sabay ngiti. Ang pogi talaga ng lalaking to. Lord, bat po ang perfect nya sa paningin ko?
"Oo bes, okay na ko dito. Salamat. Ikaw ren ingat ka, mamahalin pa kita". Sabe ko ng mahina ang boses.
"Ano yun shamz?"
"Ah wala! Sige na bes! Babyeee". Sabe ko sabay wave sakanya. Sinara ko na den yung pinto at pinaandar ang sasakyan. Pagkadating na pagkadating ko sa apartment ko ay basta ko nalang sinalampak ang sarili ko sa kama. Gosh , sobrang nakakapagod talaga. Ang sakit ng ulo at mata ko jusme. Ikaw ba naman tumapat buong araw sa monitor! Haist. Buti nalang nanjan si justin my love <3. My happy thought, my happy pill.
"Ilang taon na jus, ilang taon na.. Pero hanggang ngayon , iisang bagay pa din ang hinihiling ko.Na sana magustuhan mo na ko.. " sabe ko nalang sa hangin. Hanggang sa unti unti ko ng nararamdaman ang pagbigat ng mata ko.
Author's Note: I hope your enjoying the story! Marame pang dapat abangan so keep calm lang tayo guyseuuu :)
BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AventuraAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!