Chapter 4

19 3 0
                                    

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam gagawen ko. Hays! Bat ba kasi ganto! Ganun ba ko kahirap mahalin? At nakahanap na si jus ng iba?   Huli naba  talaga ang lahat?!. Naluluha na ko sa mga naiisip ko. No.. no.. no..

Kailangan ko ng tulong!

Fairy..

Magic..

Bottle..




Yung magic potion! Tama yun nga! Kailangan ko ng gamitin yun. Kailangan ko subukan tutal wala namang mawawala sakin.

Agad hinanap ng mata ko yung potion tyaka nilagay sa bag eto.

Jogging tayo bukas ah? Text ko sayo location and time. Ininvite ko din pala si jho. Sige na babye..ingat ah?

Tama! Tomorrow is the big day! Para sa forever ko! Laban!

Kinabukasan , nag isip na agad ako ng paraan kung pano ko mapapainom kay jus yung potion. Mukang desperada alam ko, pero on the other side, deserve ko din naman mahalin diba?

Maya maya nagvibrate yung phone ko. Si bebe nagtext. Kung nasan sha ngayon at sunod na daw ako. Nag ayos na ako at nagpaganda. Kahit alam kong wala naman akong igaganda. This is it pansit!

Ilang oras din ang at nagpaalam ako kay jus na magpapahinga muna ko. Ewan ko ba dito sa kaibigan ko at naging sporty bigla. Kasama nya ngayon si jho. Di na ko nag aksaya pa ng oras at pasimple ko ng hinanda ang potion. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Likod.. harap.. okay safe.

"Alam kong mali to jus, pero sorry. Mahal lang talaga kita at diko kayang makita kang mapunta sa iba". Unti unti kong binuhos ang potion sa water bottle ni jus. Kumalat ito at di na masyadong halata. Dahil sa sobrang pagod, hindi na muna ko bumalik kayla jus kaya naisipan ko nalang munang itabe sa gilid ko ang bote sabay saksak ng earphone sa tenga. Magffreshen up muna ko.

*Mr. Kupido*(playing)

Lagi kong naalala, ang iyong tindig at porma
At kapag siya ay nakita, kinikilig akong talaga..

Naalala ko pa nung una kitang makita noon jus, hirap na hirap ako sa kapal ng papel na pinadala sakin noon. Nakita mo ako nun na hirap na hirap sa dala ko kaya patakbo kang lumapit sakin para tulungan ako. Hindi kalang gwapo jus, sobrang bait mo den at sobrang buti ng puso mo. Nagpabebe pa ko noon dahil nahihiya ako magpatulong sayo, pero mapilit ka kaya sa huli ako naden ang sumuko.. lumipas ang panahon at mas naging close tayong dalawa. Lagi na tayong magkasama kahit san tayo magpunta. Nandyan ka lalo na pag kailangan ko ng makakausap. Ikaw ang unang naging bestfriend ko and unexpectedly, ikaw din pala ang unang lalaking mamahalin ko.

Di naman sya sobrang gwapo, ngunit sya ang type na type ko
Bakit ba ganito, ang nadarama ng puso ko

Diko alam kung bat ikaw pa jus. Kung bat ikaw pa na bestfriend ko. Alam kong mali, at sobrang hirap. Mahirap itago yung feelings sa taong laging nasa paligid mo. Sa taong naging parte na ng sistema mo.

Mr. Kupido, ako naman tulungan mo
Bat hindi panainng kanyang damdamin, at ng ako ay mapansin

(Miss? Pwede ba makiinom? Wala na kasing laman yung water bottle ko..)

(miss? Uy pwede ba?)

Panggulo naman tong taong to, nagmmoment ako e

Tumango nalang ako ng hindi sya tinitignan para manahimik na. Kasalukuyan kong tinitignan si jus ngayon. Ang pogi talaga ng bestfriend ko/ bebe ko.

Mr. Kupido sakanyay dead na dead ako
wag mo ng tagalan ang paghihirap ng puso ko..

Ilang saglit nalang, magiging tayo na jus..

WATDA!?

Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking nasa harap ko habang hawak hawak nito ang water bottle ni justin

"T-teka... P-pano... Ininom mo ba yung laman nyan!?" Kinakabahan kong tanong. Anlakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba. No.. no.. hindi pwedeng sya yung makainom nun. Hindi pwede!

"Ahh.. oo? Nagpaalam naman ako sayo e, tumango ka naman kaya ininom ko na"

Halos matumba ko sa gulat ng makumpirma kong nainom nya nga yung tubig ni jus na may potion. Hindi pwede to! Hindi ko na alam ang gagawen ko, ni wala ng salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Ansarap pala ng tubig na to by the way. Parang may flavor, san ka nagoorder ng tubig? Dun na den sana ko magoorder tutal magkatapat lang naman yung room naten sa apartment. Para isahang deliver nalang".

Sunod sunod na sabe ng asungot na to. Kung bat naman kasi bigla bigla nalang sumusulpot to kung san san. At ngayon nainom nya pa yung potion. Kung minamalas ka nga naman oh.

" Ah  , sa bundok ko pa nakuha yung tubig nayan kaya ganyan.. hehe" pagdadahilan ko nalang. Jusko po mamaya dumadaloy na sa dugo nya yung potion. Omy.

"Ah sige alis na ko ah? May pupuntahan pa kasi ako e. Babye". Jusmiyo naloloka nako. Kailangan to malaman ni fairy!

Di ko na nagawang magpaalam pa kay jus dahil sa pagmamadali ko. Kailangan ko na talaga makausap si fairy dahil sa nangyare. Baka may magawa pa sya. Aligaga akong pumasok sa kwarto ko.

"Fairy? Fairy! Magpakita ka naman oh! Kailangan ko ng tulong mo!"

sigaw ako ng sigaw na parang ewan dito pero wala kong fairy na nakita

"Pinaka sexy, matalino at maganda kong fairy! Please naman oh magpakita ka naman!"

Bigla nalang ako nagulat ng lumitaw ang bruha sa harap ko. Kailangan talaga may halong pang uuto para mapalabas sya? Psh.

"What!? Ang ingay ingay mo. Sakit mo sa tengang pandak ka." Eto na naman sya. Kung di ko lang talaga kailangan to , diko na hihilinging lumabas pa to sa lungga nya.

"Bakit pa sa tuwing nagpapakita ka may panlalait na kasama!? " napairap nalang ako. Minsan nga nagtataka ko kung bat naging fairy to. Dati pangarap kong maging fairy kahit one time lang , pero nung nakilala ko to. Nagbago na isip ko.

"Pero ayoko makipag away sayo, fairy kailangan ko ng tulong mo! Yung potion kasi.."

"Ano? Hindi gumana? Alam mo shama, di nako magtataka. Baka wala talagang pag asa na may tao pang magkagusto sayo"

Aba talagang . May pahabol pang lait ang isang to.

"No. Hindi fairy! Yung potion.. iba yung nakainom! Hindi ko napainom kay jus. Aksidente yung nangyare"

"Ay shunga" wika nito.

"Oo alam ko! Shunga na kung shunga pero anong gagawen ko? Pano na yung lalaking yun? Mamaya kumakalat na utak nya yung potion! juskopo"

"Problema mo nayan". Walang kagana ganang sagot nito

"Ano!? Fairy tatawagin ba kita kung alam ko yung gagawen!? Diko alam kung ano gagawen ko jusme! Pano kung guluhin ako ng lalaking yun? Si jus? Pano sya? Pano na yung lablayp ko?"

"Like what I said, problema mo nayan. Shama, tinulungan na kita para mapa ibig yang bestfriend mo, kasi yun naman talaga yung gusto mo diba? Ngayon, diko na problema kung pinanganak kang shunga. Babush"

Bigla nalang nawala ng parang bula si fairy sa paningin ko. Lokong yun di man lang ako tinulungan.

Im in trouble.

Natigil ako sa pagiisip ng may kumatok sa pintuan ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung sino ito..





"Ahmm..h- hi kapitbahay? Ahh..Nagbake kasi ako ng cupcakes.. baka lang gusto mo..?"
















Lord. Eto na po ba ang karma ko?
















The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon