Ansarap sa pakiramdam na nakuha ko na yung unang sangkap. Para bang onting kembot nalang matatapos ko na 'tong misyon ko. Para bang napakaaliwalas na sa pakiramdam. Nawala na lahat ng pangamba, takot at kaba ko dahil napuno na ko ng pag asa ngayon. Sa kalagitnaan ng paglalakad at pagmumuni muni ko. Nakakita ako ng napakagandang bulaklak sa lupa. Kundi ako nagkakamali, gumamela ang isang to. Dahil sa tuwa , nilagay ko ito sa gilid ng tenga ko. Napakaganda ng paligid. Puno ng bulaklak. At napakaganda din ng mga halaman at puno. May mga paro paro ding nagliliparan sa paligid. At-O-m-a-y
Nasan ako!? Teka! Kanina nasa mala haunted na gubat ako ah! Bat angganda na dito? Bakit puno na ng bulaklak. Para bang nasa isang malaking hardin ako. Napakaganda dito. Para kong nasa isang fairytale movie. Pano ko napunta dito!? Pano-
"Aray!". Ouch. Ansakit nun ah! Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng kung ano sa balikat ko na muntikan ko ng ikatumba. Nubanaman kasi shama! Ang clumsy mo mashado e! May nabangga ka tuloy!
Teka...
"T A O ?! Tao ka? Totoo ka?!" Di makapaniwalang sabe ng babaeng nasa harap ko ngayon. Kinapa kapa nya pa ko na para bang security guard sa mall. Maganda ang isang ito. Mass matangkad ito sa akin at maputi din ang balat nito. Ang kanyang buhok ay kayumanggi ang kulay. At sigurado din akong ..tao nga ang isang to! Pero .... anong ginagawa nya dito?
"Ahh.. oo? Tao ka din naman e! At napakaganda mo pa". Natutulala ako sa ganda nya. At ang mukha nya, napakaamo talaga. "Ibig sabihin may kasama nakong normal sa lugar nato!". Tuwang tuwa kong tugon na onti nalang mapapatalon na yata ko sa tuwa. Dahil sa wakas, may kauri na din ako!
Ngumiti sya ng pagkatamis tamis sa akin.
"Tama ka, ako nga pala si jenny. Tao din ako. Panigurado akong may misyon ka kaya ka nandito tama ba?"
Diretsong sabe at Tanong nito sakin. Pati ang pananalita nya ay napakahinhin.
Ang perfect naman neto.
"Ahh oo. Buti na nga lang at nandito ka. Mukang naliligaw na kasi ako. Kanina lang nasa isang parang haunted na gubat ako tas pagtapos ko makaharap yung mga witches bigla nalang ako napunta sa lugar na to. Ahh.. Ehh.. Hinahanap ko kasi yung lugar ng mga diwata e. ..Ahmmm.. alam mo ba kung saan?".
Pansin ko naman na nakikinig syang mabuti sakin. Maya maya di'y napansin ko ang bahagya nyang pagngiti.
"Malapit kana sa hinahanap mo. Halika sasamahan kita sa lugar nila". Sabe nito sabay hawak sa kamay ko. Napakabait naman ng isang to. Di lang sya maganda sa panlabas, maganda din sya sa panloob.
Sa wakas, nakakilala na din ako ng mabuting nilalang. Yung malayo sa ugali ni fairy. Thank You Lord!
"Talaga?" Paninigurado ko. Medyo nakakahiya din naman kasi. Kakakilala palang namin, baka nakakaabala pa ko sakanya.
"Ahh, oo naman noh. Tutulungan kita" sabay ngiti muli nito sa akin ng pagkatamis tamis. Ambait nya talaga. Mukhang magiging magkaibigan kami ng isang to.
"Ahh jenny? Malayo paba?". Tanong ko sa babaeng nasa tabi ko ngayon. Pansin ko kasi ang pananahimik nya. Kanina naman okay pa sya kausap. Nagkwento pa sya sakin na nandito din pala sya dahil sa isang misyon. Kailangan din nya ng sangkap para sa jowa nya. Na napasailalim naman ng itim na mahika. May nagkagusto daw na kung anong nilalang dito. At nagalit itong nilalang na ito ng lubos kay jenny dahil naging sila nung jowa nya. Kaya ngayon, may kung anong ginawa yung nagkakagusto sa jowa nya at tulad ni jaypee, hindi na ito nagigising. Nasa ospital din daw ito ngayon.

BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AdventureAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!