Eto na yon. Wala ng atrasan to. Inhale. Exhale. Nakahanda na ko sa mga pwede mangyare. Nakahanda na din lahat ng gamit ko. Pagkain,tubig,damit,Unan,kumot,kulambo,shampoo,sabon,toothpaste,tootbrus- teka? Bat parang magbabakasyon ako sa mga dala ko? Haist bahala na nga. Lahat naman to importante.Antagal naman ni fairy, kanina pa ko naghihintay sakanya pero ni anino nya diko pa nakikita. Nasan na naman kaya yon? Lalo tuloy ako kinakabahan. Ni hindi ko din alam papunta sa mundo ng mga kaibigan nya. May mapa kaya? Nako. Baka mga sakit sa ulo din yung mga prenyses nyang yon! Kung sya pa nga lang di ko na kinakaya, doble't tripleng version nya pa kaya?
"Handa ka naba shama?". Biglang sambit ng nasa likod ko.
"Ay bruhildang fairy! Jusmiyo! Bat ba kasi bigla bigla ka nalang sumusulpot!". Aatakihin pa ko sa puso dahil sa isang to e. Kung di ako iinisin sa matabil nyang dila. Papatayin nya naman ako sa gulat.
"Kanina pa ko nandito. Opz? Sorry
.
.
.
.
.M A N H I D ka nga pala".
At talagang inemphasized pa ho niya ang salitang "manhid". Kita nyo? Anlakas mang asar diba? Umagang umaga.
"Tse! Umagang umaga fairy ah tantanan mo ko". Kainis to. Walang pinipiling oras sa pang aasar.
"Pero teka nga fairy, alam mo sa tagal na nateng nagkikita at nag uusap, ni minsan di mo pa nabanggit sakin yung pangalan mo. May pangalan kaba?". Curious lang ako. E kasi naman sa tuwing nag uusap kami fairy lang din tawag ko sa kanya. E fairy nga sya. Parang ampangit lang pakinggan. I want to be formal naman noh. Ang isang to lang naman ang balahura
"Pag nalaman mo pangalan ko, mapapanganga ka nalang bigla". Nagtataka ko naman syang tinignan. Anodaw?
"Ha? Bat naman?". Tanong ko
"Yung pangalan ko kasi parang ako.. nasobrahan sa ganda". Taas noo nyang sabe. Ina amihan na naman ako sa hangin ng isang to. Ngayon pinagsisihan ko na kung bat ko pa tinanong
"Hangin ever talaga" napairap nalang ako. "Pero ano nga? para naman mas pormal yung tawag ko sayo
"Shemini". Sambit nito. What?! Anodaw?!
"Ha?"
"Shemini shama. Spell ko pa? Ewan ko ba sayo! Diko alam kung bat nilikha ka pa, kabadtrip ka" iritadong sabe nito.
"Pffttt! Shemini!? Hahahhahha seryoso ba? Nice name fairy! Ikaw na ikaw nga yung pangalan mo!pang out of this world!"
Di ko na napigilang matawa dahil laptrep talaga! I mean oo aaminin ko maganda to si fairy pero. Jusmiyo ang baho ng pangalan!
"Happy? Ganyan ka ba magandahan shama? Well sige, I'll take that as a compliment"
Buang haha.
"Oh sya lesgaw na, humawak ka na sa kamay ko"
Kahit natatawa pa ay sinunod ko nalang ang sinabe ni fairy .. shemini. Haha.
Pagkahawak ko sa mga kamay nito, tinignan ko muna si fairy at hindi ko mabasa ang iniisip nito. Marahil natatakot din sya para sakin. Kahit naman ganto to, alam kong may kabutihan den naman ang puso nito.
"Handa kana?" Tanong nito sa huling pagkakataon. Tango na lamang ang sinagot ko
Maya maya di'y napuno na ng liwanag ang paligid.
Mejo nahihilo pa ko sa mga nangyare. Napapikit ako sa sobrang liwanag kanina at pagdilat ko, nasa ibang mundo na ko. Wala na si fairy. Ako nalang mag isa dito. Iniwan pa ata ko. Para kong nasa isang gubat na haunted na. Napapalibutan ito ng matataas at malalaking puno pero walang mga dahon ang mga ito. Mga patay at walang buhay ang mga halamang narito. Actually ang creepy talaga. At ang kalangitan.. yung kulay nito ay parang yung kulay pag nagbabadya ang ulan. Makulimlim. Kaya hindi ganoon kaliwanag sa paligid.
Para kong nasa kawalan. Ni hindi ko alam ang daan o kung ano man ang gagawen. Eto kasing si fairy bigla biglang nawawala! Wala man lang binigay na instructions tyaka mapa! Pinahirapan pa ko.
Dahil sa kabagutan, nagsimula na kong maglakad lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Mahaba haba na den ang nilalakbay ko pero parang di natatapos?. Ano bang gubat to? Naglakad lang ako ng naglakad. Pansin ko ding walang kung anumang hayop dito. Ni ibon wala. Ang creepy talaga.
Dahil sa iisang setting lang ang nakikita ng mga mata ko which is mga tuyong puno, feeling ko tuloy paulit ulit lang yung dinadaanan ko. Nangangalay na den ang mga paa ko kakalakad. Aba di naman ako nainform na ganto kalayo ang lalakbayin ko! Ni hindi ko nga alam kung tama ba yung daan na nilalakad ko.
(Bwhahaha... bwhahahha.. bwahahaha...)
Wait..
Guni guni ko lang ba yon? O ano? Omaygad nababaliw na ba ko?! Nakakarinig na ko ng kung ano ano dahil mag isa lang ako sa gubat na to!?
Jusmiyo. Oh no! Kinikilabutan na ko.
(Bwahahhahaha... bwahahhahahh)
Nag eecho ito sa buong kagubatan.
Mga.. tawa? Nagtatawanan? Tama ba yung rinig ko?
Pero imposible.. mag isa lang naman ako sa gubat na to.
"Bwahahahahahahhaha".
Anaknangtupa! Palakas na ng palakas yung tawa ah? Kinakabahan nako. Baka may mumu pa dito!
"Kamusta mga beshy... matagal tagal na din tayong walang nabibiktima..."
WHAT!? BIKTIMA? OH LORD. ano na naman ho ito?
A.N: And let the adventure begin! ;)

BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AdventureAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!