Wala kong naririnig na kahit ano. Ni hindi din ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinalilibutan sya ng mga tao. Unti unti kong ginalaw ang mga paa ko papalapit sa katawan ng nasa sementadong kalasada. May mga sugat at dugo din ang balat nya. Hindi ko alam ang gagawen ko at napahagulgol nalang ako sa nakikita ko ngayon
"Parang awa nyo na! Humingi kayo ng tulong" hirap na hirap kong sabe habang hinahaplos ang mukha ni jaypee. Sa bawat paghaplos ko dito ay tila ka kinukurot ang puso ko. Diko akalaing mangyayare to. Dapat masaya lang kami ngayon e. Dapat okay na lahat pero bakit ba napaka kontrabida ng tadhana?
"D-dont cry shama please.. dont cry" . Hiral na hirap na sambit nito at hinawakan ang mga pisngi ko. Hindi ko mapagilan ang pag iyak dahil sa nakikita ko ngayon. Dahil sa paghihirap na nararanasan ng taong mahal ko ngayon.
"Shh.. please" . Pagpapatahan nito sakin. Nakatingin lang ako sakanya at di ako nagsasalita. Gusto ko marinig ang mga boses nya. Yun lang ang gusto marinig ng mga tenga ko ngayon. Bahagya itong ngumiti habang hawak pa den ang mga pisngi ko, at nakatingin sa akin ng diretso
"S-Sobrang ganda talaga ng mga mata mo shama, k-kahit nung simula palang nabihag na ko ng mga yan.." sambit nito. Diko na alam kung ano ang sinasabe nya. At tanging iniisip ko lang e kailangan ko syang itakbo sa ospital.
Maya maya din ay dumating na ang ambulansya. Nakapikit na ito na kung titignan ay para lang syang mahimbing na natutulog. Pero , eto ko ngayon, nasa isang tabe hunahagulgol dahil hindi ko na alam ang gagawen. Nang makarating kami sa ospital, agad nila inasikaso si jayps. Napagpasyahan na suruin itong mabuti dahil hibdi daw basta basta ang natamo nya sa aksidente. Kinakabahan kada lalabas ang doctor o kahit nurse man lang sa mga pwede nilang sabihin.
Nasa isang room na si jayps at napagpasyahan ko na syang dalawin. Papasok palang ako, grabe na ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa bawat paghakbang ko ay nasasaktan ako. Ayoko makitang ganun ang kalagayan nya. Hindo ko paden matanggap ang kinahinatnan naming dalawa. Pagpasok ko , nakita ko ang jayps na walang kabuhay buhay. Napakaraming nakakabit sakanya na kung ano ano. Kailangan ko din mag hospital suit dahil mashado na etong sensitibo para sakanya. Unti unting pumapatak ang luha ko. Alam kong ayaw nyang nakikita akong umiiyak, pero diko mapigilan. Diko mautusan yung luha kong wag muna bumagsak.
Ma'am, didiretsuhin ko na po kayo. Hindi po maganda ang kondisyon ng pasyente. Masyado pong malala ang nangyare sakanya, lalo na po sa bandang ulo nya na syang nakaapekto ng sobra sa katawan nya. Hindi po namin alam kung kailan sya gigising.. or worst.. wag naman sana.. may posibilidad pong tuluyan lang syang maging coma at di na magising pa.."
Naalala ko na naman yung sinabe ng doctor kanina. Hindi ko alam pero halo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.
Inis, galit, awa, takot na baka mawala sakin si jayps. Diko pa nasasabe sakanyang mahal ko sya. Di pa kami nagiging masaya. Dipa kami nagiging totoo sa isat isa. Bakit ba kasi kung kailan malapit na maging okay ang lahat, saka pa nangyare to?!. Magnet ba talaga ko ng kamalasan?
Pinagmamasdan ko lamang sya. Pagod na den ako pero di ako susuko. Napagpasyahan ko munang umuwi dahil kukuha ko ng gamit sa apartment. Baka dito na kasi talaga ko magpalipas ng gabi.
"Hi little forehead, tagal mo naman dumating! kanina pa ko nandito".
Pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto, sya na agad ang sumalubong sakin.
Oh great, ang nilalang na to. Kasalanan nya lahat ng to. Bakit nagpakita pa sya, hindi sya dapat nandito!
"Anong ginagawa mo dito?!". Iritable kong tanong. Nagpakita pa sya. Nakakainis. Lahat ng to kagagawan nya.
"G na g ate gurl? Easy lang, namiss lang naman kita e". ngiti pa ng isang to. Naalibadbaran ako sa presensya nya.
"Lumayas ka". Madiin kong sabi. Ayoko na sya makita. Ayoko na maalala kung pano nagsimula lahat at kung pano umabot sa ganto ang lahat.
"Aba teka shama, parang diko gusto ang tabas ng dila mo ngayon ah? Meron kaba?".
"Wala kong pake! Umalis kana!". Hindi ba makaintindi ang isang to? Naturingang fairy walang pakiramdam!?
"Ano bang problema mo shama? Bat nagkakaganyan ka?. Naiinis nya ding sagot. Sya pa ang may gana sigawan ako? Gosh. Sya may kasalanan ng lahat ng kamalasan sa buhay ko.
"Ikaw! Ikaw yung problema ko!. Kung bakit ba kasi dumating ka pa! Nagkagulo gulo na tuloy yung buhay ko!" . Naiiyak na ko sa inis. Halo halong emosyon na ang nasa akin ngayon. Hindi ko na kinakaya.
"Ay we?! Wow ha? Shama! Just wow! Kasalanan ko? As far as i know tinulungan pa kita para sa ikasasaya mo! Tinulungan kitang magkagusto sayo yung pinagpapantasyahan mong kaibigan, tas ako pa ngayon!? Mygosh shama wala kang utang na loob!". Galit na galit na ito at dinuduro pa ko. Pinamumula nya talaga sakin lahat ng natulong nya? At kung gaano ako katanga?
"Yes, ofcourse isusumbat mo yan! Oo fairy nakatulong ka, hindi lang para magkagusto sakin yung taong akala ko mahal ko, pero para makilala ko yung taong totoong mahal ko", tuluyan na kong naiyak. Naalala ko na naman kung pano kami nagsimula ni jayps. "Pero fairy bakit ganto!? Bakit kailangan maging ganto pa? Bakit mawawala pa sakin si jayps? Ayaw ba talaga ng tadhana na sumaya ko?"
Patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Gulat naman ang reaksyon ni fairy,minsan ko ng nabanggit si jayps sakanya. Kaya naman nagulat siguro sya dahil nagbago na ang ihip ng hangin ngayon. Wala na kong pake kay jus dahil napunta na lahat kay jayps yung atensyon at pagmamahal ko.
"A-anong ibig mong sabihing ..m-mawawala?" Parang kinakabahang sambit nito.
"Naaksidente si jayps fairy. Di ko na alam ang gagawen ko. Aamin na sana ko sakanya na gusto ko sya. Na mahal ko sya. Na kahit pa wala syang nararamdaman para sakin, ipaglalaban ko paden yung nararamdaman ko. Ngayon na ko tataya. Gagawen ko lahat para samin, pero bakit naman ganun? Bakit nagkaganto pa". Nahihirapan na ko magsalita. Patuloy lang na nakatitig si fairy sakin.
sa muka ni fairy ngayon, muka syang nagtataka. At nag iisip na para bang may inaalala..
" Shama, nakinig ka bang mabuti sakin nung binigay ko sayo yung magic potion?" Tanong nito.
"Oo, kailangan ipainom ko ito sa taong wala talagang pagmamahal o kung anuman nararamdaman para sakin, dahil kapag napainom ko to sa taong may pagmamahal na para sakin, may kapalit itong kapahamakan" . Paguulit ko ng sinabe nya sa akin noon
"Gaano ka nakasisigurado na walang g-gusto sayo yung j-jayps?"
Napaisip ako sa tanong nya. Kailan ko lang nakilala si jayps. Naging mabait sya sakin simula palang..
"Oh, nandito ka na pala. Here". Sabay abot sakin ng tasa.
"Gatas?" Gulat kong tanong
"Hmm.. mahilig ka jan diba?". Nag aalangang tanong nito
"Ahh.. oo.. ikaw den?" Namamangha kong tanong.
"Hmm.. Oo.. dahil sayo"...
Sa pagkakatanda ko hindi ko nakwento sakanya na mahilig ako sa gatas..
Pero agad nakaagaw ng atensyon ko ang bouquet ng rose na nasa lamesa ko. Naguguluhan kong tinignan ang card na nakasiksik dito at binasa ang nakalagay dito.
From: Bear brand
At kaya din ba bear brand ang codename nya dahil din dito?
Authors' Note: Adventure... Soon..
"S-Sobrang ganda talaga ng mga mata mo shama, k-kahit nung simula palang nabihag na ko ng mga yan.."
N-no.. hindi... D-dont tell me...
"Matagal ng may gusto sakin si jaypee?"

BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AventuraAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!