Chapter 17

9 2 0
                                    


Jaypee

Patuloy lang kami sa pagkkwentuhan ni kumareng shemini. Kung ano ano na nga ang kinwento nito sakin. Miski talambuhay niya nabanggit niya na. Pero yung pinakahuli niyang kinwento ang lubos na ikinagulat ko. Tungkol kay shama. Simula nung binigyan niya ito ng potion para sa kaibigan niya. Ngayon alam ko na kung sino yung kinahuhumalingan niya. Nalaman ko din na aksidente ko palang nainom yung potion na yun. Na sa kasamaang palad, wala namang epekto sakin. Nalaman ko ding yung pala ang dahilan ng  pagkaka aksidente ko. At yung misyon, yung sakripisyong ginawa ni shama para sakin. Lahat. Hindi ko akalaing magagawa niya yun para sakin. Kinikilig nga ko sa tuwing naiisip ko ulit. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang sumabak sa isang misyon lara lang magising ako ulit. Napakabuti talaga ni shama. Mas lalo akong naiinlove sakanya. Hihi

"Para kang tanga sa part na yan". Mataray na sabe ng babaeng  nasa harap ko. Napansin niya sigurong nakangiti't  kinikilig kilig pa ako dito habang  iniisip ko si shama bebe ko. Namimiss ko na talaga siya. Hayss

"Oh pano? Aalis na ko ah? Tapos na ang misyon ko sa inyong dalawa, batid kong tunay ang pagmamahal niyo sa isat isa". Pamamaalam ni fairy sa akin.

"Salamat sa lahat fairy". Yun na lamang ang nasabe ko. Ngumiti na lamang ito saka bigla nang nawala.

Mag isa nalang ako ngayon dito. Naalala ko na naman si shama. Nasan na kaya yon? Bat di niya pa ko binibisita?

Ay.. oo nga pala.. di niya pa alam na gising na ko. Nako! Sigurado, panalo yung reaksyon nun mamaya! Kaya dapat galingan ko. Hahaha

End of flashback

Pansin kong hindi ganon kakumportable si shama sa mga kinekwento nya sakin. Kilala ko siya. Para bang ingat na ingat siya sanmga salitang binibitawan niya. Marahil yung tungkol ito dun sa potion. Sa lahat nang nangyare. Maiintindihan ko kung ililihim 'to ni Shama sa akin. Alam ko naman na lahat ng ito ay para din sa akin. Masasabi ko talagang espesyal si Shama sakin. Napakabuti ng puso niya. At maswerte ako dahil ako ang minahal niya.


















Shama

Ilang linggo na din ang lumipas at nakalabas na si jaypee sa ospital. Nagulat pa nga ang doctor sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. Ang akala nilang lahat ay hindi na magigising pa si Jaypee. Sabe pa nito ay isang milagro ang nangyare sakanya.

Dahil nandito na den ako sa apartment ko at wala naman akong pasok ngayon, naisipan ko munang maglinis dahil mukha ng kuta ng mga witches 'tong apartment ko. May mga sapot na!jusmeyo. 

Kiskis dito, punas doon. Habang palong palo ako sa pagpapagpag ng mga gamit dito sa apartment ko, narinig ko naman may kumatok sa pinto. Nagulat pa nga ako dahil sa pagkakatanda ko, wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

Tinabi ko muna yung mga gamit ko saka lumapit sa pinto at binuksan ito.

"Magandang umaga bebeko!". Bati ng gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon. Ano na namang nakain ng taong 'to at nanggugulo na naman!? Kung kailan naman ang hagard hagard ko na saka pa susulpot ang isang 'to.

Sa gulat, hiya at inis ko. Nasara ko ng malakas ang pinto. Jusko naman kasi Jaypee! Pwede bang mag ayos muna!? Wrong timing ka lagi e!

"Shama!". Tawag nito habang kumakatok katok pa sa pinto ko. "Shama may problema ba? Uy! Buksan mo nga 'to". Paulit ulit na tawag at katok nito.

"Ahh.. Ehh.. Jayps.. ano kasi.."

"Ano shama?  Okay kalang ba?". Bakas na sa tono nito ang pag aalala.

"Ahh.. okay lang ako jayps! Ano kasi... ahh.. makalat dito sa loob! Tama! Yun nga.. Makalat pa kasi dito mamaya ka nalang bumisita". Nauutal utal kong sabi. Nako po sana naman maniwala siya. Ayoko talaga humarap sakanya na nanlilimahid ang pawis at di pa naliligo. Malala talaga ang itsura ko ngayon. Well alam ko naman na mahal ako ni jaypee pero gusto ko lang na maging presentable sa harapan niya.

The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon