Chapter 18

6 2 0
                                    

Shama


"Maam, ang ganda ganda niyo po!". Masiglang bati sa akin ng nag aassist samin dito na nirecommend sakin ni jaypee na bilihan ng wedding gown. Damang dama ko naman ang pag ikot, pag palo ng mahaba kong buhok at pag aura ko sa salamin na nasa harap ko ngayon.

"Jho? Ano? Tingin mo eto nalang?". Tanong ko kay Jhoanna na kasama ko ngayon. Tignan mo 'tong bruhang to, simula kanina wala ng ibang ginawa kundi magpipipindot sa phone niya. Wala din kwenta kasama.

"Oo, maganda, kunin mo na yan bakla". Sabe nito ng hindi man lang ako tinitignan. Aba ano 'to?! May pangatlo siyang mata? Kung wala lang ibang tao dito kanina ko pa 'to binato!


"E bruha ka pala e! Di mo pa nga nakikita makasabe ka ng maganda!". Sigaw ko dito. Pano ba naman kasi, kaya ko nga siya sinama dito para may katulong ako mamili tapos puro pindot lang ginawa niya. Walang silbi!

Sa pagkakataong yon tinignan na den ako ng bruha sa wakas. Saka bumalik uli sa cellphone niya. Onti nalang talaga ipapalamon ko na yan sakanya.

"Maganda nga kasi". Sabe pa nito. Okay fine! Eto nalang jusmeyo, nakakahiya na den sa mga tao dito at papalit palit ang suot ko. Di kasi ako makapagdecide ng mabuti.

Inayos na ng mga nag assist sakin ang order ko saka ineschedule kung kailan nila ito iddeliver sa bahay. Simula ng naging fianće ko na si jaypee, naging busy na kami pareho. Parang sa araw araw may nakasched samin na meeting. Pero imbes na magreklamo at mapagod, excitement lang ang nararamdaman ko. Naeexcite ako dahil onting kembot nalang magiging misis na ko. At maikakasal na ko sa taong mahal ko.



At ang magaling kong kaibigan tutok pa den sa phone niya. Kung alam ko lang na palamunin lang 'to sa lakad namin edi sana di ko nalang siya sinama. Out of curiosity, sinilip ko kung ano pinagkakaabalahan nito

"Aha! Kaya naman pala kanina ka pa tutok na tutok sa phone mo dahil may kaharutan ka! Sino yan ha!?". Halos mahulog naman nito ang phone niya sa gulat. Mapanghusga ko din siyang tinignan para makonsensya ang bruha at sabihin sakin kung sino yung pinagkakaabalahan niya. May kutob naman na ko kung sino ito, pero gusto kong sakanya mismo manggaling para makita ko din yung reaksyon niya.





"Ahh.. ehh.." nauutal na sabe nito. Nakikita ko ding namamawis na ang noo niya sa kaba. Para siyang ewan sa itsura nya ngayon. Parang natate na ano.


"Ihh.. Ohh.. Uhh?. Pagtutuloy ko pa para maasar at kabahan siya lalo.



"Si ano.. justin kasi shamz.. ano..". Para talagang buang.  Haha, kalokang 'to! Kala mo teenager na aamin sa magulang kung kabahan e.




"May pag asa ba?". Diretsong tanong ko dito na siya namang kinagulat niya. Saglit pa itong napatulala sakin na ewan ko ba, parang natatakot na ewan ang babaeng 'to, ngunit ilang saglit pa'y nakita ko ang pasimpleng pagtango niya.

"Edi go! Aarte paba? Minsan kong pinagpantasyahan yan". Maarte pero makahulugan kong sabe. Actually, masayang masaya ko para sa kanilang dalawa. Masaya ko dahil alam kong natagpuan nila parehas ang tamang tao para talaga sakanila. Di ko lubos akalain na magiging ganito pala ang set up naming tatlo. Pano nalang kung di dumating si jaypee diba? Edi third wheel pa ko!

"Salamat shamz. Masaya din ako para sayo". ngiting sabe nito sa akin. Napakasarap ng pakiramdam kapag nakikita mong maayos na ang lahat. Na hindi lang sarili mo o ikaw mismo ang masaya, kundi pati na den ang mga taong nasa paligid mo.

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Jho ng tuluyan na din kami magkahiwalay ng landas. Umuwi na ko dahil sobrang sakit at pagod na ng katawan ko. Hindi din kami nagkikita ni jaypee ngayon dahil alam nyo na.. pamahiin. Nung una nga ayaw pa niya pumayag, pero sa huli sumuko din siya sakin. Nasa tapat na ko ng pinto ng apartment ko ng mapansin kong bukas ito. Medyo kinabahan naman ako dahil mamaya may kung ano na nangyare sa loob. Sa pagkakantanda ko din, wala naman akong inaasahang bisita?

















"Maganda kong apo!". Bati sakin ng matandang kulubot na ang balat at halos kaparehas lamang ng aking taas. Antagal ko siyang hindi nakita, at miss na miss ko na talaga siya. Patakbo ngunit maingat itong lumapit sa akin para yakapin ako.

"Lolaa koo". Naiiyak kong sabe. Si lola Maria ay nanay ni mama. Simula nung mawala sila mama, Si lola nalang yung naging pamilya ko, at di ko din inaasahan na dadalaw siya sakin ngayon. Nakakataba naman  ng puso.



"Namiss kita apo, teka parang nangangayayat ka ata? at apo parang mas lumiit ka lalo". Humiwalay na ito sa pagkakayakap sakin saka kinapa kapa pa ang katawan at ulo ko.

Si lola naman, pinamumukha pa talaga sakin e.


"Ahh medyo pagod lang po lola, at stress na din dahil nag aasikaso po ako ng kasal ko". Paliwanang ko na lamang dito.


"Naku apo, nabalitaan ko nga yan kaya napaluwas ako ng maynila. Para naman may kasama ka sa paghahanda mo".

Ugghh , napaksweet talaga ni lola ko. Kaya love na love ko 'to e. At mukhang tama nga siya, kailangan ko talaga ng katulong dahil yung kaibigan ko, busy sa sarili niyang lovelife.

"Sige po lola, kain po muna tayo? Mukhang pagod po kayo. Magluluto lang po ako saglit".

Sumunod naman si lola at umupo muna sa maliit kong sofa dito sa apartment. Nagluto na din ako ng makakain naming dalawa. Isa isa ko din kinwento kay lola lahat ng nangyare, kung paano kami nagkakilala ni jaypee. Nung una nga ay hindi pa lubos makapaniwala ito dahil masyado daw puno ng mahika ang nangyare sa akin. Nagpapasalamat nalang daw siya at walang nangyareng masama, at ngayon ikakasal pa kami ng taong mahal ko.

Kinagabiha'y nakatulog na din agad si lola dahil sa pagod nito. Matanda na den talaga kasi siya kaya hindi din maganda ang polusyon at init dito sa maynila para sa kalusugan ni lola. Bago naman ako tuluyang matulog, naisipan ko namang kamustahin muna si jaypee. Paniguradong pagod din ito, baka nga tulog at nagpapahinga na.


"Jayps? Still up?"

Naghintay pa ko ng ilang oras bago nagvibrate ng tuluyan ang phone ko

"Patulog na po bebeko, pagod lang talaga. Goodnight, I love you".

Sagot nito sa akin. Mukhang pagod na pagod nga talaga siya kaya di ko na siya iistorbohin. Namimiss ko na din kasi talaga si jaypee, ilang linggo na kaming ganto. Sa call and text lang nag uusap. Nung mga unang linggo nakakasama ko pa siya para mag organize ng mga kailangan para sa wedding namin. Pero nung mga sumunod na linggo mas naging busy na kami pareho kaya napilitan na siyang sumunod sa gusto kong wag muna kami magsama madalas.

Tinabi ko na ang phone ko at maya maya di'y binalot na ng dilim ang buong paligid ko.




























































"Apo? Gising na, at dadating na maya maya ang mag aayos sayo".

Rinig kong sabe ni lola. Si lola talaga, mas excited pa kesa sa bride. Unti unti ko ng minulat ang mata ko at bumungad sakin ang napakagandang sikat ng araw. Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ilang oras nalang at magiging Ms. Devilla na ako. Ilang saglit nalang ay makakasama ko na ang lalaking pinakamamahal ko na ihaharap ko sa altar at pangangakuan ko ng walang hanggang pag ibig. Ito na ang araw kung saan ang noong Ms. Romantico lang, ay nahanap na ngayon ang lalaking tunay na nagpatibok at totoong nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal..
















A.N: 2 more chapters nalang! Stay tuned guys :)





The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon