Chapter 9

7 4 0
                                    


N-no.. I-mposible. Sino ba naman ako para magustuhan nya? Nakilala ko lang sya sa grocery store tas biglang yun. Bigla ko nalang syang naging kapitbahay, asungot in my life na bigla biglang sumusulpot sa paligid ko, the Mr. Nice guy na laging nandyan para pasayahin ako. And unfortunately, the guy na masasabi kong.. mahal ko.

"Sa tingin ko ganun na nga shama". Sambit ng fairy na to. Kaya ba lagi syang nandyan simula palang nung una? Ibig sabihin hindi epekto ng potion yung kabaitan nya sakin, at lahat ng pinakita nya sakin nung mga nakaraan? Lahat yun totoo?

"Pero fairy.. b-bakit ngayon pa?.. bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon kung kailan huli na?". Nasasaktan na naman ako. Lagi nalang ba late ang pagkakataon? Lagi nalang ba panandaliang saya ang mararanasan ko sa buhay?



"Alam mo kung bakit shama? Sa iba kasi nakatingin yang mga mata mo , kaya hindi mo makita yung taong totoong nagmamahal sayo. Busy kang patunayan, magpapansin at gawin ang lahat sa taong kahit kailan di ka naman magawang mahalin. Samantalang may iba, na nandyan na sa harap mo, lagi mo ng nakakasama pero ni hindi mo makita kita yung halaga. Para bang inaabot mo yung isang bagay na gustong gusto mo pero di mo namamalayan na nasa tabi mo lang pala yung para talaga sayo".

Gusto ko sanang pumalakpak dahil sa saglt na narinig ko pero wag nalang. Baka yumabang na naman ang isang to. Pinili lo na lamang manahimik. At mag isip isip. Kung tutuusin, tama naman si fairy e. Masyado kong nagpakabaliw kay justin ng hindi ko namamalayan na nagbibigay na pala ng effort sakin si jaypee. Ang manhid ko. Ang bulag ko. Mas pinili kong magbingi bingihan at magbulagbulagaan kaya eto ako ngayon. Di ko na naamin kay jaypee ang lahat. Nasayang na naman ang pagkakataon ko. Teka? Nasayang nga ba?



"Fairy! Alam kong may magagawa ka! Tulungan mo naman ako oh! Please? Alam kong matutulungan mo ko para mawala na yung kaparusahan kay jaypee. para maging masaya na kami!please fairy". Pagmamakaawa ko. Alam kong sya lang ang makakatulong sakin sa panahong to. At sa pagkakataong to, gagawin ko na ang lahat para bumalik sakin si jaypee.


"Gustuhin ko man shama, pero miski ako hindi ko alam ang gagawin. Kaya kong magpaibig pero hanggang dun lang ang maiibigay ko. Sorry".


Unti unti na kong nawawalan ng pag asa pero hindi. Mas magiging matatag na ko ngayon. Hindi na ko makakapayag na may masayang na naman na pagkakataon. At may mawala na naman sakin ngayon.

"Fairy please tulungan moko. Alam kong may paraan pa. Gagawin ko ang lahat. Lahat lahat para lang gumaling si jaypee". Paninigurado ko.

Napansin kong napaisip ng mabuti si fairy. Napapadasal na den ako na sana nga may paraan pa. Gagawin ko lahat. Kahit ano pa yan.




"Teka shama! Alam ko na!". Sambit nito na para bang nakaisip sya ng magandang ideya. Mamaya ko na sya lalaitin kailangan ko muna marinig kung anong paraan ang naisip nya. Mamaya magbago pa isip neto

"Wala akong maiitutulong sayo, pero may mga kaibigan ako. Matutulungan ka nila. Walang gamot sa mundo namin na makakagising sa jowa mo dahil ang gamot na ito ay may mga kakaibang sangkap. at sinsabe ko sayo shama. Mahirap makuha ang mga iyon"

Muli akong nabuhayan ng marinig ko ito kay fairy. May paraan pa. May pag asa pa

"Gagawen ko lahat! Kahit ano pa yan gagawin ko! Magising lang uli si jaypee at makasama ko lang uli sya". Paninigurado ko dito. Sa mga oras na ito, wala kong nararamdaman na kahit anong takot. Dahil ang nasa isip ko lang ngayon e kailangan kong maligtas si jaypee. Kailangan nyang magising. Kailangan nyang makalaya sa parusa ng mahikang yon.


"Batid kong sigurado kana. Makinig ka ng mabuti shama". Seryoso na ang boses nito. Alam kong gusto talaga tumulong ni fairy at ngayon lang ako nagpapasalamat na nandito sya sa harapan ko. At nararamdaman ko ang presensya nya.







"Kailangan mong malagpasan ang mga kakaibang nilalang sa mundo namin. Kailangan mong makuha sa kanila ang mga sangkap at maibigay ito sa akin sa lalong madaling panahon". panimula nito.

"Kailangan mong masagot ang tusong tanong ng tatlong magkakapatid na mangkukulam. Hindi basta basta ang mga ito. Dahil may itim silang kapangyarihan. isang pagkakamali mo lamang, maari kang mamatay. Kaya shama kailangan mong mag ingat". Bakas sa tono ng pananalita nito, na talagang nag aalala sya

"Pangalawa. Ang lugar ng mga diwata. Ang mga diwatang may mapanlinlang na ganda. Mag ingat ka sakanila dahil matatalino silang nilalang. Hindi mo sila mauutakan. Hwag na hwag kang magpapadala sa gandang taglay nila dahil marami na ang napahamak dito.

"At ang panghuli, ang tribong Pakakganurna. Ito ang pinakahuli sa lahat. Kailangan mo silang matalo sa isang labanan. Hindi sila basta basta dahil nagtataglay sila ng kakaibang lakas".



Im totally dead. Hindi pala magiging madali ang paglalakbay kong to. Pero hindi. Kaya mo yan shama. Kayanin mo. Para to kay jaypee. Para to sa love story nyo.


"Malinaw na fairy. Salamat sa tulong mo."




"Maghanda kana shama. Babalik ako bukas para sunduin ka". Paalala nito bago pa umalis.


Kinakabahan ako pero kakayanin ko. Ganto ba talaga pag inlove? Gagawin lahat para sa taong mahal nila?























Kahit buhay pa ang kapalit?

The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon