Chapter 2

18 4 3
                                    

Buti nalang at nagising ako ng maaga aga ngayon. Bawing bawi ako sa tulog kaya daig ko pa nakaenervon sa hyper ko ngayon. "Good vibes, good vibes". Paulit ulit kong sabe sa sarili ko. Di ko alam pero parang this day is something special.

Di nako nag aksaya ng oras and pumasok na ko sa BXE. Masaya kong binati ng bebe ko. Oh kay gandang umaga nga naman kung gantong gwapong nilalang ang sasalubong sayo. Nakooo mashado pang maaga para lumandi shama. Kalma.

"Good morning my pretty besfriend". Sabay kindat ng bebe ko. Psh, pacute masyado tong isang to.

"Goodmorning bebe-este bes! Ganda ng gising ah?". "Oo shamz, kasingganda ni jho- este kasing ganda mo". Para kong natataeng ewan dito dahil sinabe ng lalaking to. Jusko justin, dont seduce me! Kalma nerve cells lumalandi ka na naman!

"Tse! Dyan ka na nga". Sabe ko nalang para di halatang mahihimatay nako sa kilig. Hihi.

Mabilis ko ng ginawa lahat ng trabaho ko. Calls, papers, edit and kung ano ano pa. Ewan ko ba pero parang hindi lang basta pagsagot ng tawag ang trabaho ko dito. Nagpaalam na din ako sa bebe ko na mauuna na ko umuwi. Dito kasi sa office, pag natapos mo na lahat ng pinapagawa sayo pwede ka ng umuwi. Madalas lang talaga nagpapahuli ako lumabas kasi gusto kong sabay kami ni jus. Shempre para u know. Hihi. Pero ngayon, labag man sa kalooban ko, kailangan ko nang mauna dahil maggrocery ako. Wala na den kasi akong stocks sa apartment. Ayoko naman ho magutom nuh.

Nagdrive nako papuntang grocery store. Laging maliit na cart lang ang kinukuha ko kasi hindi naman ako magastos pagdating sa pera. Inuuna ko yung mga kailangan lang talaga. Binubudget ko din kasi yung sweldo ko dahil every week nagpapadala ako kayla lola. Alam nyo naman, matanda na.

Dahil mejo nakompleto ko na yung bibilhin ko, pumunta nako sa section kung san nakahilera yung nga box ng fresh milk. Mahilig talaga ko uminom nito lalo na every night pampalakas at pampatibay ng buto! Djk. Shempre kailangan ko to para kahit papano magkaron naman ako ng lakas. Palagi ko kasing nakakaligtaan kumain tas minsan pag gabe nahihirapan ako matutulog kaya lumalaklak ako nito. Ng makita ko na yung favorite brand ko nung gatas, tumingkayad na ko para abutin to. Pero pakingtape lang, kahit anong tingkayad at talon ko diko maabot! Naiinis nako. Bat ba kasi ang pandak kong nilalang!?

"Need help?". Narinig kong sabe ng lalaking nasa likod ko. Dahan dahan ko siyang nilingon dahil desperada na talaga ko makuha yung box. Paglingon ko, nakita ko si cupid- este, wait? Artista ba to? Di aio sure kung celebrity ba to o kung ano e. Base sa physical and figures nya muka syang celebrity. Gulo gulo ang buhok nya pero ang hot nya tignan. Tinignan ko sya slowly mula ulo.. Pababa sa kanyang dibdib na halata mong nagwwork out sa laki nito.. Hanggang talampakan. Kulang nalang ata maglaway ako dito dahil Gosh, muka syang greek god.

"Miss?" Pag uulit nito kaya naman natauhan na ko. Jusko nagkakasala ako kay justin. Dapat sya lang ang pinupuri ko pagdating sa kagwapuhan.

"Ah, oo sorry. Diko kasi maabot yung box" . sabe ko nalang na mejo kinakabahan dahil baka nahalata nyang pinagpapantasyahan ko sya.

"Oh, okay. This one?". Tinuro nya yung box at napatango nalang ako. The moment na inabot nya yung box, nakita ko na naman ho ang mala greek god nyang muscles. jusko Lord, patawarin nyo po ako. Napakabango din po ng nilalang na nasa harap ko.

"Ah, miss .. Eto na". Sabe nito na napansing  nakatulala na naman ako.

"Salamat.. ? " pagsagot ko na may halong pagtanong kung anong pangalan nya.

"Jayps, jayps nalang". Sabe nya na may kasamang tipid na ngiti.

Tumango na lang ako at umiba na ng daan. Dumiretso nako sa counter para bayaran lahat ng pinamili ko.

Gabi na din ng makauwi ako sa apartment. Nasa 3rd floor pa ito. Hirap na hirap pa kong maglakad dahil ambigat ng dala dala kong paperbags. Malapit na ko sa room ko ng mapansin kong may lalaking papasok sa harap ng room ko. Weird? Matagal ng walang tumitira jan e. Kaya kala ko may sumpa sa room na yan.

"Hey". Sabe ko Out of curiosity at tuwa na den na sa wakas may kapitbahay nako. Unti unti akong nilingon ng lalaki. Infairness, gwapo ang likod nito. Hihi

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Coincidence o-

"Are you staking me?!" . sambit ko ng walang intro intro.

"What?". Sabe naman netong poging to. For sure stalker sya. Duh? Simula grocery store hanggang dito sa apartment ko nandon sya? Ganun naba talaga ko kaganda?

"Oh wait, excuse me miss ha? Im not stalking you. Dito talaga ko nakatira" . pagdadahilan ng echoserong to. Kunware pa. Psh.

"Well for sure, nagddeny kalang. And for your information taken na ko. So stop stalking me dahil wala kang pag asa kahit gwapo ka pa!". Assuming na kung assuming pero halata naman kasi talaga nuh!. Papasok na sana ko sa room ko ng magsalita pa  uli ang kupal

"Your crazy, but cute". Ngingiti ngiti nitong sabe saka tuluyang pumasok sa kwarto nya.

Halos mapako naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga salitang binitawan nya. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.... Pusanggala, kinikilig ba ko?

Ilang oras na ang lumipas pero nabbother pade ako sa asungot na yun. Kainis! May pa "your crazy, but cute" pang nalalaman! Kala nya naman naapektuhan nya ko! Tsk..

Okay fine! Kinilig nga ata ko pero slight lang. Bat bat kasi ampogi nya?

"Erase! Erase!". Sorry justin bebe ko. Hindi ako nagtataksil sayo. Yung asungot na yon ang gumugulo sakin. "Haay jus, kung sana kasi tayo nalang edi sana di na ganto". Malungkot na sambit ko sa kawalan.

Napagod na talaga ko ng tuluyan kaya naisipan ko na mag ayos ng sarili at uminom ng gatas para makatulog na. Maya maya din naramdaman kong unti unti ng bumibigat ang talukap ng mata ko. Hanggang sa dumilim na ang paligid.




"Psht! Oy noo! Oy pandak! napakahirap naman gisingin ng duwendeng to! HOY! Gumising ka jan, di mo kinaganda yang pagtulog mo bwiset na to!

Nanaginip ba ko? Sino ba kasi yang maaingay na yan, ansakit magsalita ha.

Unti unti kong minulat ang mata ko pata makita kung sino mang bruhildang nagsisisigaw sa kwarto ko.





WAHHHHHHHHHHH! "SINO KA?"

Author's Note: New character ahead! Keep on reading guys ;)




The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon