"Kaliwa... kanan.... o gitna?" Kasalukuyan akong nalilito at kinakabahan dahil baka magkamali ako sa pagpili. Isang beses lang ang binigay na chance sakin ng diwatang to. Kaya di ko dapat sayangin. At baka habang buhay na ko makulong sa mundong 'to.
Flashback
"Kung yan ang nais mo. Magsimula na tayo taga lupa. Tignan naten kung hanggang saan aabot yang pag ibig na pinanghahawakan mo...."
Wika ng diwatang nasa harap ko. Kinabahan ako sa mga sinabe nya. Seryosong seryoso kasi ito at diretsong diretso ang tingin sakin. Parang pinapatay na ko nito sa mga titig nya.
"Handa na po ako mahal na diwata". Sabe ko ng puno ng paggalang
Nagtipon tipon muna sa isang sulok ang mga diwatang kasama nito at saka mulung bumalik sa kinaroroonan ko. Maya maya di'y nilahad nila ang kanilang mga kamao na nakayukom sa harapan ko.
"Isa sa amin ang may hawak ng bulaklak ng kinakailangan mo. Ang kailangan mo lamang gawin ay mamili kung sino sa amin ang may hawak niyon. Isang beses ka lamang maaring pumili taga lupa.. at kung di mo man mapagtagumpayan ang pagpili, nararapat ka lamang hatulan ng kaparusahan.. at yun ay mananatili kana sa mundong ito at di na muli pang makakabalik sa mundong pinanggalingan mo".
Isang chance lang... kapalit ay habang buhay na pagkakakulong sa mundong ito.. maari akong hindi makabalik sa mundo ko pag nagkamali ako sa pagpili..
Kailangan ko magconcentrate. Hindi dapat ako magpadala sa kaba at takot.
End of flashback
"Nakapili ka naba taga lupa?" Tanong ng isa sa akin.
"Kaliwa, nasa kaliwa ang bulaklak". Sagot ko. Pansin ko namang napangiti ang diwatang nagtanong sa akin saka napatingin sa katabi nyang parang nang aasar pa.
"Sigurado ka naba dyan? Paalala nito muli. Isang pagkakataon lang ito taga lupa. Hindi kana muli makauulit pa". Sagot nito sa akin.
Ewan! Naguguluhan na ko! Nakakastress naman to!
Unti unti nya na itong binubuksan
"Teka! Wait lang. Sa gitna! Nasa gitna yung bulaklak" pagpigil ko sa kanya. Ewan ko pero pakiramdam ko nasa gitna talaga.
Gulat naman napatingin sa akin ang pinakamatandang diwata na may hawak nito. Blanko lang ang reaksyon niya kaya mas lalong nagiging intense ang sitwasyon.
Hindi ako 100% sure pero bahala na.
"Siguro ka naba taga lupa?" Tanong nito sakin. Sa seryoso ng mukha nya parang gusto ko na magback out.
Pero hindi! No shama! Kailangan mo magpakatatag. Magtiwala! Lavarn!
"Oo. Siguro na ako". Paninigurado ko.
Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Halos lahat kami ay nakatingin na ngayon sa mga kamay nya. Para kong mauubusan ng hininga sa pagsubok na to. Marahil pahirap na nga ng pahirap ang kahaharapin ko.
Dahan dahan nya na ito binubuksan. Kasabay nang dahan dahang pagpatak ng pawis sa mga noo ko dahil sa sobrang kaba. Ayoko maiwan sa mundong to! Gusto ko pa makita si jaypee!

BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AdventureAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!