Halos mahulog ako sa kama sa gulat ng makita ang nilalang na nasa harapan ko. sabay pa kaming napa "WAHHHHHH" sa gulat.
"Sino ka!? .... Ano ka?" Takot na takot kong sabe. Hindi normal na tao ang nasa harapan ko! Diyos na mahabagin minumulto ba ko?!
Katatamtaman lamang ang tangkad nito, maganda ang hugis ng kanyang muka na may mga palamuting nakalagay dito. Kumikinang din sya na para bang may led lights sa buong katawan nya. At wait? Tama ba tong nakikita ko? May.....
pakpak sya?
"Shaks! Ang chaka mo pala talaga! Bat ba kasi sayo pa ko napunta!" Iritadong sabe ng babaeng to. Kulang pa pala ang description ko sakanya. MAPANLAIT den sya.
"Sakit mo magsalita ah! Sino kaba? Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?sunod sunod kong tanong
Shookt!magnanakaw ka noh?! Na naka .. costume?" Nagtatakang sambit ko.
"Bruha! Ganto kaganda magnanakaw!? Kundi ka ba naman tanga." Sabay flip ng hair nyang kumikinang din.
"O edi ikaw na! Teka , Sino ka nga kasi!?"
"Okay fine ! fine!.. I formally introduce myself to you". Sabay ngiti nito sakin. Baliw ata to,
"From now on, I will be your prettiest, sexiest, and smartest fairy goddess mother!"
"Fairy- what!?".
"Hahahahahhahah".
Diko alam kung nagjjoke ba tong babaeng to o sya na mismo yung joke! Fairy goddess mother? Wala namang nag eexist na ganun.
"Alam mo miss, diko alam kung anong sininghot mo pero isa lang ang sigurado ko..
.
.
.Matotokhang kana!". Hagalpak na ang tawa ko. Pero unti unti din itong naglaho ng marealized kong nakatingin lang sya sakin ng seryoso na para bang sa aming dalawa, ako ang nagbibiro.
"Tapos kana?" . Seryosong tanong nito.
"honestly shama, hindi ko rin naman gustong mapunta sayo, kung umarte ka parang ikaw pa ang dehado. At hindi ako nagjjoke. Yung muka mo joke pero ako, itong pagkafairy ko ay pawang katotohanan lamang".
Nagulat ako sa inaasal ng fairy - o kung anumang nilalang to! At naguguluhan na din ako sakanya.
"So ... totoo ka nga?, pero bakit ka nandito? Naguguluhan nako!". Gulong gulo na talaga ko. Bigla nalang may susulpot na ganito sa harap ko. E sa fairytale lang naman sila nageexist!
"Nandito ko para tulungan ka shama". Sambit nito. Kanina lang ang taray taray nya, ngayon kala mo kung sinong mabait na. Bipolar ata to e
"Tulungan saan?"
BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AventuraAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!