Chapter 19

5 2 0
                                    

Jaypee

"Sir, on the way na daw po yung bride. Magpprepare na po kami sa labas". Sabe sa akin ng wedding coordinator namin. Tumango nalang ako bilang pagtugon ko dito. Ewan ko ba , kagabe pa ko ganito. Ni halos hindi nga ko nakatulog sa sobrang kaba at excitement. Ilang oras nalang at makikita ko na ulit si Shama. At hindi lang basta makikita, kundi magiging asawa ko na din siya.

Everything is ready. Nandito kami ngayon sa isang garden located dito sa Tagaytay. Gusto kasi ni Shama ng garden wedding at may magandang klima ang venue ng kasal namin. Narito na din ang mga bisita, majority nito ay family members naming dalawa. Ang iilan naman ay kaibigan, katrabaho namin parehas. Nagsisimula na ding maghanda ang mga bridesmaid at groomsmen. Nakahilera na sila base sa posisyon na binigay sakanila ng coordinator. Nandoon na din ang mga ninang at ninong. Lahat ng tao ay nakasuot ng white at sky blue dahil ito ang motif na naisipan naming dalawa. Sa gilid ng aisle ay nakahilera ang bunton ng mga sunflowers. Nais kasi ni Shama na makakita ng marami nito kaya ito ang pinalagay ko. Puno ng sunflowers ang paligid, maski ang upuan ng mga bisita at merong ganito. Pati ang mga bridesmaid ay may sunflower sa kanilang mga ulo. Nais kong maging masaya si Shama mamaya kapag nakita niya lahat ng mga ito. May arko din akong pinalagay sa dulo ng aisle na dadaanan ni Shama pagdating niya mamaya. All set na, siya nalang ang kulang. Parang sa bawat pagpatak ng oras, mas palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.






"Sir! Sir! Nandiyan na daw po ang bride". Patakbong sabe sa akin ng coordinator.







This is it. This is really iz it




















Shama

Nakakaloka ang driver na naghatid sakin kanina! Alam niya naman palang mattraffic siya sa daan na yun dun pa talaga dumaan! Sabotahe din e. Nalate tuloy kami. Konti na nga lang ay babatukan ko na sana siya. Aba! Aware naman siya na kasal mo ngayon may pa shortcut kuno pang nalalaman! Mas natagalan tuloy kami!

Paglabas ng kotse, naramdaman ko na naman ang kaba na kanina ko pa nararamdaman. Napalitan lang ito saglit ng inis dahil kay kuyang driver. Pansin kong nandito na lahat ng bisita at dahil sa kashungahan ni kuyang driver, nalate kami kaya ako nalang ang hinihintay. Gigil talaga ko nun! Babawasan ko sahod non!




Sumenyas na ang wedding coordinator namin. May mga nag alalay na din sa akin dahil baka madapa ako sa gown na suot ko ngayon. Nakita kong nagsimula na din maglakad sa gitna ang mga ninong/ninang, abay etc.



Pagbukas ng harang, nagsimula ng magkaroon ng usok sa paligid. Aba may pausok si mayor! Ginalingan talaga ni kumag! At ng unti unti na kong lumakad, nagsimula na din magplay yung kantang napili ko na maging wedding song namin.














(Playing Tagpuan by Moira)

'Di ,di ko inakalang, darating din sa akin
Nang ako'y nanalangin kay Bathala, naubusan ng bakit

Di ko inakalang makikilala pa kita Jaypee. Noon nakafocus lang ako sa feelings ko para kay Justin. Laging ako nagtatanong na bakit hindi niya ko mapansin pansin? Bakit ang hirap na itago itong feelings  ko sakanya? Bakit hindi pwedeng maging kami? Bakit siya pa yung nagustuhan ko? Bakit ang bestfriend ko pa?


Bakit  umalis ng walang sabi
Bakit 'di siya lumaban kahit konti,
Bakit 'di maitama ang tadhana?


Pero sa lahat ng bakit ko noon, pangamba ko noon, at takot ko noon, dumating ka. Dumating ka na akala ko magiging panggulo ka lang sa buhay ko. Na akala ko iinisin at bbuwisitin mo lang ako. Dumating at pumasok ka sa buhay ko ng sobrang bilis. Dumating ka sa 'di ko inaasahang panahon, at dumating ka sa di ko inaasahang pagkakataon.




Nang makita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan,





Akala ko tuluyan ka ng mawawala sakin jaypee. Akala ko tuluyan na muling mawawala yung taong mahal ko. Pero sa mga problemang sumubok sa ating dalawa, nanatili tayong matatag. At di nagpatinag sa mga bagyong ito.Diko halos akalain na aabot ako sa punto ng buhay ko ng ganto. Na ngayon kaharap ko na ang taong mamahalin ko at makakasama ko sa buong buhay ko dito sa mundo.





Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan,
At tumigil ang mundo, ng ako'y ituro mo

Hindi ako kasing ganda, kasing perpekto at masasabe talagang bagay para sayo Jaypee. Hindi ako girlfriend material lalo na ang wife material. Pero sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko, kahinaan ko, imperfections ko, nanatili ka. At ako paden ang pinili mo. Hindi lang pinili para mahalin, pero pinili mo na makakasama mo, hanggang sa tumanda na tayo.



Siya ang panalangin ko..



Nakita kong nagiiyakan na ang ilan naming bisita. Gandang ganda siguro sakin, charot! Haha. Kahit ako naman naluluha na. Magsuot ka ba naman ng pagkahaba haba at pagkabigat bigat na gown sino di maiiyak diba? Tapos sabayan pa ng pangmalakasang hangin dito sa Tagaytay.

Nakahawak na sa kaliwang bahagi ng kamay ko si Lola. Ihahatid nya nako ngayon sa kinaroroonan ni Jaypee sa harap. Habang dahan dahan naming tinatahak ni Lola ang daan, nakatingin lang ako kay Jaypee. Pansin ko ang mga namumuong luha sa mga mata nito, ngunit kasabay nito ang napakagandang ngiting nakaguhit sa mga labi niya. Ilang saglit pa'y inilahad ko na ang kamay ko kay Jaypee at humarap na kami sa Pastor na nasa harap namin ngayon. Nanatili lamang kami nasa ganoong posisyon ng magsimula na ang seremonyas ng kasal.


























"Shama Cepeda, tinatanggap mo ba si Jaypee Devilla na maging asawa't kabiyak ng iyong puso magpakailanman?". Tanong ng Pastor sa akin.

"Opo Pastor" . Sagot ko habang nakatitig at nakahawak ang mga kamay ko kay Jaypee.

"Jaypee Devilla, tinatanggap mo ba si Shama Cepeda bilang asawa't kabiyak ng iyong puso magpakailanman?"

"Opo Pastor". Sagot naman nito. Bakas sa mukha ni Jaypee ang saya. Miski ako'y masayang masaya para sa amin ngayon.

"Sa kapangyarihang ibinigay sa akin, kayo ngayo'y binabasbasan ko bilang ganap na na mag asawa".

Rinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Finally, masasabe ko na talagang misis ako. At ang lalaking nasa harap ko ngayon, ay ang lalaking pinili ko at paulit ulit kong pipiliin makasama sa buong buhay ko.



Sinimulan ng tanggalin ni Jaypee ang takip sa harap ng mukha ko. Nilingon pa nito ang mga kaibigan niya at ngumiti sakanila ng nakakaloko. Tignan mo itong tukmol na 'to, nakuha pang magloko.

Sa di kalayuan at sa di rin inaasahang pagkakataon, nakita ko muli ang babaeng antagal tagal ng di nagpapakita sa akin. Kita ko din ang ngiti nito habang nakatanaw sa amin sa malayo. Lubos akong nagpapasalamat dahil nakilala ko si fairy. Kundi dahil sakanya, hindi ko makikilala at makikita ang tunay na pag ibig ko. Kahit pa lokaret at matabil ang dila ng isang yun, love ko na den siya.








Kasabay ng pagkawala ni fairy ay ang muling pagbalik ng tingin sakin ni Jaypee. Nagtataka akong tinignan nito,marahil ay napansin niyang balisa ako. Pero nginitian ko naman siya para sabihing okay lang ako.



































Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyare, ng  sa oras na iyon, naramdaman ko ang unang halik sa akin,  ng unang pag ibig ko.

















A:N : Next, Last chapter na po! Salamat sa walang sawang pagsuporta :))

The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon