Ano nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kamusta mga beshy? matagal tagal na din tayong walang nabibiktima". Wika ng babaeng may mahabang buhok na itim na itim. Kasing itim ng kanyang mahabang damit at ng kanyang mga labi. Kasama nito ang kanyang dalawang kapatid na kapwa nya mangkukulam. Kasalukuyan silang nasa isang kweba kung saan sila naglalagi magkakapatid. Malayo, madilim at liblib na ang lugar na ito dahil umiiwas ang tatlo sa mga tao. Kinatatakutan, kinagagalitan kasi ang mga ito dahil sa itim na kapangyarihang taglay ng tatlo. May mangilan ngilang lumalapit dito para gumanti sa mga kinagagalitan nila o kaya nama'y kung may makainisan o mapagtripan ang magkakapatid, ginagamitan nila ito ng kanilang itim na mahika. Kaya naman hindi nakapagtatakang iniiwasan sila ng ibang nilalang sa mundong ito.
"Oo nga sis, nabbored nako sa kwebang to. Nakakaumay na yung pagmumuka ninyong dalawa!". Bagot na bagot namang sagot ng isa.
"Manahimik nga kayo! Ang iingay ninyo. At ikaw bruha wag ka maginarte di ka maganda!" . Sigaw ng isa pa sa mga ito. Ito ang pinakamatanda sa tatlo. Abala ito sa pagtitimpla at paghahalo ng kung ano ano sa mga boteng nakahilera sa paligid ng kweba.
"Teka, sisters.. naririnig nyo ba yon?!". Tanong ng isa sa mga ito".
"Di ko lang naririnig bruha, naamoy ko din... amoy... TAO". Sabay ngisi ng babae. Marahil naintindihan na agad ito ng kanyang mga kapatid kayat dahan dahan silang humakbang papalapit sa bukana ng kweba..
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHH".
Nabalot ng sigaw sa buong kweba. Naglakihan ang mga mata ng mga ito.
"Sis , yung araw!! Lumalapit satin!". Sigaw ng isa sa mga ito. Habang nakatakip pa sa kanyang mga mata na para bang silaw na silaw sa kanyang nakikita.
"Oo nga beshy! Sinusundo naba tayo ng liwanag!?". Takot na sambit ng isa habang nakatakip din sa kanyang mga mata na para bang takot na takot.
"Bruha! Ang lapad! Ano ba yan?". Sabe ng pinakamatanda sakanila. Unti unting tinignan ng tatlo ang taong nasa harapan nila.
Shama
"Wow ha? Mejo masakit kayo magsalita. At kayo pa talaga yung nagulat? Diba dapat ako kasi ako yung tao at normal dito?". Napairap nalang ako. Mukang sila na nga yung hinahanap ko. Lahat ata ng tropa ni fairy kaugali nya e. Masakit magsalita. Squad goals
"Ay tao pala... teka!? Sino ka? Bat ka nandito?! Bat ka nasa mundo namin? Pano ka nakapasok dito!? Bakit ganyan ka? B-"
"Hep hep! Bago mo pa ko malait uli magpapakilala muna ko. Ako si shama at sigurado kong kayo nga ang mga witches na hinahanap ko".