Chapter 6

10 3 0
                                    

Diko alam kung bakit nagkanda gulo gulo na ang buhay ko. Simula nung aksidenteng nainom ni jayps yung potion, naging magnet na ko ng kamalasan. Kasalukuyan akong nangangapa ngayon sa dilim dahil nawalan lang naman ng kuryente tong apartment ko. Nagka short circuit ata. Ewan! Basta ang alam ko, ako lang ang walang kuryente samin. Nakakaurat diba. Hindi ako makapagluto dahil electric stove lang anh meron ako. Di din ako makakilos ng maayos dahil nga anh dilim. Ayoko sa madilim jusmiyo.

Kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko dahil wala na den talaga kong choice. Tutal mejo close naman na din kami... mejo lang! , lulunukin ko na yung pride ko. Kundi naman kailangang kailangan e hindi ko gagawen to e. Pero wala, nagugutom nako at natatakot ako mag isa sa kwarto! Saglit lang naman to. Tinawagan konna den yung mag aayos nung kuryente kaya onting tiis lang.







"Tok tok tok" . Sunod sunod kong katok hanggang sa tumambad sa harap ko ang lalaking asungot na to. Oo sya nga. Wala na kong ibang mahihingan ng tulong dahil sya lang naman ang MEJO close kong kapitbahay. Kaya makikituloy muna ko panandalian dito.

Gulat man , pero tinanggap nya naman ako ng buong puso. Kakatapos lang namen maghapunan at nanood muna kami ng movie. Sa pagkakataong to, mas nakilala ko si jayps. Sinabe nya ding Jaypee ang totoong pangalan nya. Nagkwento din sya tungkol sa buhay nya. Makikita mo ding sa kabila ng seryoso nyang muka, ay isang masayahing tao na puro biro-yeah speaking of biro, mga corny nyang jokes na matatawa ka nalang talaga sa sobrang kacornyhan. Minsan nga ay binabara ko na sya pero tinatawanan lang ako ng loko. Nalaman ko ding mahilig sa old movies ang isang to. Isa sa mga pinanood namin ay yung A Walk to Remember. Nakakatuwa lang na may pagka romantiko pala ang asungot na to. Kabisado nya na kasi ang ibang linya.

Sa kalagitnaan ng panood , naisipan kong kumuha muna ng tubig dahil nabibilaukan na ko sa popcorn na kinakain ko. Nawala den bigla si kupal kaya dumiretso na ko sa kusina para maghanap ng maiinom.

"Oh, nandito ka na pala. Here". Sabay abot sakin ng tasa.

"Gatas?" Gulat kong tanong

"Hmm.. mahilig ka jan diba?". Nag aalangang tanong nito

"Ahh.. oo.. ikaw den?" Namamangha kong tanong.

"Hmm.. Oo.. dahil sayo"...

*kriinggg*

"Ay teka lang jayps ah, tumatawag na yung mag aayos nung kuryente"
















"Oh ansabe?". Tanong nito ng bumalik ako sa sala nya.

"Bukas pa daw yung balik ng mag aayos e, nasa bakasyon pa daw kasi"

"Ahh ganun ba? ah sige dun ka nalang sa kwarto ko matulog.

Nagulat ako sa sinabe ni kupal at pakiramdam ko nag init ang buong pisngi ko dahil don.

Tatanungin ko na sana si jayps kung san sya matutulog dahil kinakabahan talaga ko sa thought na sa iisang kama kami matutulog pero nakita kong naglabas sya ng unan at kumot at inilagay ito sa sala nya.





Naawa naman ako bigla. Sya yung may ari ng bahay pero sya pa tong parang bisita.

"Asungot-este jayps, sigurado kaba talagang jan ka matutulog? " . Tanong ko. Nakakawa naman kasi talaga ang isang to. Halatang mahihirapan sya matulog sa sofa dahil mas mahaba ang paa nya kesa dito. Napakalaki pa namang tao nito.

"Bat? Gusto mo tabi tayo?" Ngingiti ngiting sabe nito. kupal talaga

"Tse! Sige jan kana,mas maganda nga ata kung sa labas ka pa!" Sabay talikod sa asungot na to. Kapal ng muka pagnanasaan pa ko.

Madaling araw na pero dipa den ako makatulog. Anlamig kasi sobra at nangangatog na ko ng sobra. Kamusta na kaya si kupal sa labas? Panigurado nilalamig na den yun.









Nag aalala na talaga ko kaya naman lumabas nako para icheck ang asungot. Tignan mo tong taong to. Para syang sardinas sa itsura nya ngayon. Hirap na hirap syang pagkasyahin ang sarili nya sa sofa.

Dahan dahan ko syang nilapitan at tinignan ang maamo nyang mukha. Grabe talagang nilalang to. Aminado akong mas gwapo sya kesa kay jus. Wala syang pimples, blackheads o kahit pores man lang. Minsan naiisip ko kung retokado ba to o ano e.

Biglang gumalaw si jayps at unti unting minulat ang mata nito. Nanatili lamang syang nakatingin sakin na tila ba sinusulit nya ang bawat oras na nakatingin kami sa isat isa.

"Lumipat kana don, mukha kang sardinas sa itsura mo". Sambit ko na nasa ganung posisyon paden. Ngumiti lamang ito saka nagsalita.

"Sigurado ka? Okay lang?"

"Just be good at magiging okay tayong dalawa". Tumayo nako at bumalik na sa kwarto.



Naglagay ako ng division sa gitna namin , ako sa kaliwa at sya sa kanan. Walang nagsasalita, tanging patak ng ulan lang ang maririnig mong ingay sa paligid.

Tumagilid na ako, patalikod sa gawi nya dahil gusto ko na ding makatulog. Inaantok na ko





Maya maya di'y naramdaman ko ang braso nya sa bewang ko. Nakayakap lang sya sakin na parang bata.

















Diko alam pero sa pagkakataong iyon, hinayaan ko lang syang makalagpas sa harang na ginawa ko para sa aming dalawa..















Sa mga sumunod na araw mas naging malapit kami sa isat isa ni jayps. Madalas nya nako ihatid sundo sa office namin. Aaminin kong masaya ako sa tuwing magkasama kami.  Isang beses, pumunta sya sa apartment ko. Nang may dalang bulaklak. Boquet of roses. Kapareho ng binigay sa akin noon sa office. Nagtataka kong tinanggap iyon at nang mabasa ko ang card na nakaipit doon, napag alaman kong sya pala si bear brand. Sya pala yung taong gatas na nagpapadala sakin. Sobrang saya ko ng gabing iyon. Inayos ko ng mabuti yung boquet at inilagay ito sa isang vase.

Maya maya din nagvibrate yung phone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni jus. Ilang araw na din kami di nakakapagsabay dahil madalas si jayps ang kasama ko






"Usap tayo bukas shamz -jusbebeko".

Yeah hindi nya pa natutuloy yung sasabihin nya sana sakin. Bukas, bukas ko na malalaman kung sino ang maswerteng babae na nagpaibig sa bestfriend ko..

The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon