WAHHHHHHHHHHHHHHHHH!
"Napanganga kana sa sobrang gulat gurl, gandang ganda lang?". Pinahid pa nito ang gilid ng labi ko. And finally she's back. Mukhang nandito na siya dahil tapos ko na yung misyon.
"Na sa akin na lahat fairy". Sabe ko ng nakatayo at nakapagpag na ko ng damit. Isa isa ko na din ibinigay sa kanya yung mga nakuha kong sangkap.
"Magaling little forehead. Hindi nga ko nagkamali. Kaya mo nga.." wala sa sariling sabi nito.
"Pano yan fairy? Sino gagawa nyan?". Tanong ko sa kanya. E kasi wala namn akong powers para mabuo yung mga sangkap na yan. Tyaka drained na utak ko kakaisip.
"Don't worry, dahil maganda ako, ako na gagawa nito". Sabay ngiti sa akin ng pagkatamis tamis. Yung parang magkakadiabetes ka sa tamis ganun. Hindi nalang ako nagreklamo sa mga sinasabe nya dahil baka ako na naman ang mapagtripan nito asarin.
"Babalik na tayo". Muling sabe nito. Lumapit sya sa akin hanggang sa magkaharapan na kaming dalawa at tyaka muling hinawakan ang mga kamay ko.
Maya maya di'y nabalutan na naman kami ng napakasinag na liwanag.
Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa apartment na kami. Pang malupitan talaga to si fairy e. Nagteteleport. Humiwalay na ko sa kanya ng maramdaman kong hindi na ko masyadong nahihilo pa.
"Oh pano shama, babalik na muna ko sa mundo namin para gawin ko 'to". Pamamaalam nito. Akma na sana itong aalis ng hawakan ko ito sa braso para pigilan
"Teka fairy..". Huminto naman sya at humarap sa akin. "Hmmm.. ano kasi.. teka pano ko ba sasabihin..". Medyo nahihiya kong sabe. Di ko kasi alam kung pano ko sisimulan. At di ko akalaing mahihiya pa pala ko sa fairy na 'to.
"Shama, ang panget mo gumanap, bilisan mo na at aalis na ko". Iritadong sabe nito. Itong nilalang na 'to napakaaarte at sungit talaga.
"Ah, gusto ko lang sanang humingi ng sorry sayo fairy, sa lahat lahat. Alam kong mali na sinumbatan kita noon at nagalit ako sayo dahil sa nangyare kay jaypee. Alam ko namang tinulungan mo lang ako sa makasarili kong hiling. Pero kahit pa nasigawan na kita, tinulungan mo pa den ako. Alam kong labas na 'to sa trabaho mo. Hindi mo na problema yung gamot o yung potion na makakapaggising sakanya , pero ginawa mo paden lahat para tulungan ako. Sa totoo lang, naasar talaga ako noon sa ugali mo. Yung dila mo kasi ansarap tapyasan. Tas napakasungit at arte mo pa. Pero habang patagal ng patagal, mas nakikita ko yung tunay na ikaw. At napakabuti mo fairy, kaya maraming salamat sayo".
Nakita ko naman ang matipid na pagngiti ni fairy sa mga sinabe ko. Kahit minsanan ko lang 'to makita, masarap pa den sa pakiramdam na makita yung sinseridad at kabutihan nya.
"Lahat ng ito ay bunga ng pag ibig mo shama. Sabihin na nating mali ang naging simula mo, kung saan naging makasarili ka dahil sa pagibig na ito. Pero dahil din sa pag ibig na ito nakita mo ang totoo. Ang tama. At nasubok ang katatagan mo para lamang ipaglaban ang pag ibig na pinanghahawakan mo. Nakita ko kung pano mo ginawa lahat shama. At lubos akong natutuwa sa katatagan at katapangan na ipinamalas mo. Mukhang swerte talaga si jaypee sayo".
Ewan ko ba pero natouch ako sa sinabe ni fairy. At di ko namamalayang nakayakap na pala ako ng tuluyan sa kanya. Kundi dahil sa tulong nya, di ko magagawa lahat ng ito. Kundi dahil sa kanya, hindi magkakaron ng thrill ang buhay ko. At kundi dahil sa kanya, hindi ko makikita yung tunay na pag ibig ko.
"So much drama shama ah". Sambit nito ng nasa kalagitnaan pa din kami ng yakapan. Unti unti naman akong humiwalay sa kanya dahil alam kong naaalibadbaran na sya sa akin. Maarte kasi 'to
"Sige na little forehead, gagawin ko na 'to. Nang makasama mo na ang bebe mo". Sabay kindat sa akin bago sya tuluyang mawala.
Pagod na pagod talaga ko sa lahat ng nangyare. Napakahaba ng naging paglalakbay ko. Kaya naman naisipan ko nalang muna matulog para may energy ako bukas.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti unti akong dumilat at tumayo. Chineck konna din ang oras at napansin kong maaga pa. Kaya naman nag ayos na ako at naghanda na sa pagpasok. Matagal tagal din ako nawala. Baka nga wala nakong trabaho pagdating ko sa office.
Matiwasay naman akong nakarating sa office. Pagpasok na pagpasok ko palang, namataan ko na ang lahat na busy. Parang walang pinagbago ang office. Dinadaan daanan lang nila ako at magssorry kung mababangga man. Natauhan naman ako ng kawayan ako ni jus. Dumiretso na ko sa working place ko.
"Goodmorning bakla". Bati sa akin ng lokaret kong kaibigan.
"Goodmorning shamz". Bati naman sakin ni jus.
Ay? Kailangan sabay? . Itong dalawang to..
"Bes, may bago ba? Antagal kong nawala e, nagalit ba si boss? Mawawalan naba ko ng trabaho?" . Sunod sunod kong tanong. Kita ko naman sa mukha ni jus na takang taka ito.
"Nyare sayo bes! Anong may nagbago? Anong mawawalan ng trabaho? Eh pumasok ka naman kahapon ah! Buang to". Tatawa tawa nitong sabe.
Teka? Antagal kong nawala ah. Antagal ko sa mundong yun tas halos ilang oras lang ang lumipas?
Nakahinto yung oras habang wala ka shama, bopis.
Rinig ko sa kawalan. Teka?boses ni fairy yun ah? Aba kinakausap nya na ko gamit ang isip? Hanep.
Kaya naman pala. Nakahinto pala ang oras so para normal lang ang lahat.
Nagsimula na ko magtrabaho dahil mahal na mahal ko ang office na ito. Kala ko talaga mapapatalsik na ko e. Buti nalang at nandyan si fairy. Tama nga sya, matalino talaga syang fairy.
Paglipas ng ilang oras ay naisipan ko ng umuwi. Binilisan ko talaga ang pagttrabaho ko dahil bibisitahin ko si jaypee sa ospital. Miss na miss ko na kasi talaga sya.
Bumyahe na ko ng pagkabilis bilis at ilang oras lang ay nakarating na ako sa ospital. Naisipan ko na ding mag elevator para mabilis. Habang patungo ako sa room ni jaypee, di ko alam pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako ng di ko alam kung bakit. Baka nga siguro naeexcite lang ako or what.
Dalawang rooms nalang at kanya na.
Nang nasa tapat na ako neto, huminga muna ako ng malalim. Inhale, exhale. Gusto ko na sana tumakbo papasok ng room nya pero kinakabahan kasi talaga ko. Nanginginig din ang mga kamay ko.
Kahit pa kabado ay unti unti ko ng pinihit ang door knob nito. Pagkabukas ng pinto, napako ako sa kinatatayuan ko ng makita kong..
"J-jaypee?".
"Sino ka!?".
Tanong nito sa akin..
Kitang kita ko ang pagtataka sa buong mukha nito.
At sa pagkakataong yun...
Mas lalo akong napuno ng kaba at takot...
BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
PertualanganAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!