Huling Hirit

7 1 0
                                    




"And they live happily ever after.."

Nagpalakpakan naman ang mga paslit na tahimik na nakikinig sa natapos ng kwento. Mapapansing ang isa dito ay isang batang lalaki na nasa pitong taong gulang.  Katamtaman lamang ang kulay ng balat nito. Sa tabi nito ay isang batang babae na nasa limang taong gulang. Meron itong maputing kulay ng balat at mapupungay na pilikmata na nagpapatingkad ng ganda ng kanyang mga mata. At ang pinakamaliit na nasa tabi nito ay isang batang babae na nasa tatlong taong gulang, napakalakas ng palakpak nito na para bang wiling wili siya sakanyang napakinggan. Kelapad lapad din ng ngiti sa labi nito.


"Mommy, tapos na po ba yung kwento ni Ms. Romantico?". Tanong ng batang nasa limang taong gulang. Habang kinakalabit pa nito ang kanyang ina.

"Yes baby, doon na nagtatapos ang kwento ni Ms. Romantico dahil nahanap niya na ang forever, knight in shining armor slash prince charming niya".  Rinig naman sa buong kwarto ang hagikgikan ng mga batang paslit na ito.

"Mommy, gusto ko din pong makakilala ng isang Ms. Romantico, kahit di kagandahan meron naman mabuting kalooban". Sabat naman ng lalaking nasa pitong taong gulang.

"Napakatalino mo talagang bata nak, mana ka sakin! At tyaka oo naman mahahanap mo din ang taong para sa iyo, sa tamang panahon". Hinaplos pa nito ang buhok ng batang lalaki sa harap niya.



"Mommy I'm sleepy na po". Malambing na sabi ng pinakabata sa tatlo. Sunod sunod naman ng humiga ang tatlo kaya naman inayos na ng kanilang ina ang higaan ng mga ito. Bago tuluyang lumabas ng kwarto, hinalikan muna sila ng kanilang ina isa isa sa kanilang noo.












Nagmuni muni muna ang kanilang ina habang hinihintay nito ang kanyang asawa. Gabe na rin kasi at wala pa ito. Sa isip ng nito,marahil nag overtime na naman ito sakanyang trabaho. Habang umiinom ng paborito niyang gatas, narinig na nitong may kumatok sa kanilang pintuan kaya naman dali dali itong tumayo para pagbuksan ng pinto ang kanyang asawa.

"Hi bebeko!". Bati ng lalaki sa kanyang misis habang yakap yakap ito.

"Tulog na ang mga bata?". Tanong nito sa naiiritang mukha ng asawa. Sa tagal na nilang nagsasama, yun pa rin ang tawag sakanya ng kanyang mister na siya talagang kinaiinisan niya.

"Oo kanina pa. Kumain kana ba?". Hinayaan muna nitong magtanggal ng sapatos ang kanyang asawa saka sana magtutungo na sa kusina para maghanda ng makakain.

"Kumain na ko shama". Pahabol na sabe nito.

"Gatas gusto mo?". Alok nito sakanyang asawa. Umiling naman ang lalaki

"Hindi na kailangan, makakatulog naman na ko agad sa pagod". Sabe nito saka humikab tanda na pagod na talaga ito. At antok na antok na.

"Sige na umakyat kana sa taas para makatulog kana agad". Sumunod naman ang lalaki saka tuluyan ng pumanhik sa kanilang kwarto. Pagod na din ang babae kaya nilock niya na ang pinto at sumunod sa kanyang mister upang makatulog na din.








"Bebeko, sa weekend naisipan kong mag out of town tutal , wala naman akong pasok tyaka para makapagbakasyon na din yung nga bata". Banggit nito habang nasa kalagitnaan sila ng pag aalmusal. Nagkikislapan naman ang nga mata ng mga bata dahil sa narinig nila mula sa kanilang ama.

"Talaga daddy? Magbabakasyon po tayo? Yeheeyy!" . tuwang tuwang sabe ng pinakabata sa tatlo. Bakas sa mukha nila ang pagkatuwa dahil bagot na bagot na din sila sa kanilang bahay. Bakasyon kasi ngayon at wala ng pasok ang mga bata kaya naman lagi lang sila nasa loob ng kanilang bahay.

"Mukhang wala naman na kong magagawa, excited na yung mga anak mo". Apruba ng kanilang ina na siya namang mas lalong ikinatuwa ng mga bata.

Tuwang tuwa ang mga bata sa kanilang narinig kaya naman nagsimula ng magsuggest ang mga ito sa mga lugar na gusto nilang puntahan. Ang isa'y gusto sa isang amusement park. Samantalang ang isa nama'y gusto kumain, maglaro at magpicnic nalang. At ang isa nama'y gusto magbakasyon sa beach. Matagal pa nagdiskusyon ang magpapamilya sa lugar na nais nila pagbakasyunan, pero sa huli nauwi din sila sa pagbabakasyon sa beach. Sakto naman kasi at bakasyon ngayon,mainit ang panahon, pagdispensa pa ng isa.

Di rin nagtagal at dumating na ang weekend. Nagising ng maaga ang mga bata dahil sa tuwa at excitement. Nagsimula naden ayusin ng mag asawa ang mga kailangan nilang dalhin.

"Jam, naayos mo naba lahat ng gamit mo? Yung mga kapatid mo, tapos naba mag ayos?". Abala nito sa unico ijo ng mag asawa. Mukhang handang handa na ang mga gamit nito kaya naman sinimulan niya na din asikasuhin ang mga nakababata niyang kapatid.

"Shama! Kids! Tara na! Aalis na tayo". Tawag nito sa mag iina. Isa isa ng naglabasan ang mga ito dala dala ang mga gamit nila. Ng matapos at nagsimula na silang umalis papunta sa isang resort sa Palawan. Dito kasi nakakita ng magandang resort si Jaypee kaya naman dito na nila napagpasyahan magbakasyon. Malayo layo ang Palawan kaya namn kanya kanya sila ng ginagawa para di mabored sa byahe. Ang mag asawa'y nagkkwentuhan patungkol sa resort na pupuntahan nila, gayundin ang mga magagandang lugar na pwedeng puntahan doon. Ang mga bata nama'y may kanya kanyang hawak ng tablet at naglalaro ng games dito.

Sa katagalan ng byahe, hapon na ng makarating ang mag anak sa Palawan. Napakaganda dito at napakaganda din ng simoy ng hangin. Tuwang tuwa ang mga bata kaya naman dumiretso na din sila sa hotel na pagpapahingahan nila, at para makaligo na den. Inayos na din ng mag asawa ang mga dapat asikasuhin.





Dala na din ng pagod ng tatlong paslit, nakatulog na din ito kaagad dahil na din sa haba ng byahe. Sa sobrang excited kasi, hindi na nakatulog sa kotse. Pagtapos asikasuhin ang mga anak, naglibot muna si Shama sa room nila. Pansin nitong wala ang kanyang asawa, marahil bumaba ito at nagpahangin isip isip niya. Kaya naman bumaba na din ito para maenjoy ang napakasarap ng simoy ng hangin sa labas.














Medyo madilim na ang paligid at hindi na kasinliwanag ng dati. Marahil ay papagabi na kasi. Sa di kalayuan, sa dako ng pampang nakita niya si Jaypee na nakatanaw sa papalubog na araw. Nilapitan niya ito at nakatanaw na din sa magandang tanawing tinitignan ng kanyang asawa.











"Napakaganda dito Jayps". Sabe nito habang nakatanaw pa din sa napakagandang sunset na nasa harapan nila.








"Kanina, busy ako sa pag aasikaso ng pagsstay natin dito. Pero ng makita ko yan, bigla nalang ako napahinto sa ganda nito". Nanatili naman sa pakikinig ang kanyang asawa.

"Dun ko narealized na ang araw na yan ay parang buhay nating dalawa. Ang paglubog na iyan ay sumisimbolo sa mga pagsubok na kinaharap at kakaharapin pa nating dalawa, ni hindi ako makapaniwalang nakaabot tayo sa punto ng buhay nating ito. Na makakasama ko yung babaeng mahal ko, at magkaron ng pamilya kasama mo. Ilang beses tayong sinubok ng tadhana. Na para bang ayaw talaga tayong pagtagpuin dalawa, pero sa kabila ng lahat ng iyon, nakaya natin. Sumikat, sumibol ang bagong tayo. Na matatag na at may paninindigan na sa isat isa. Ang pagsikat ng araw ay simbolo ng katagumpayan natin sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumaan sa atin." Humarap ito sa kanyang asawa saka hinawakan ang mga kamay nito,

"Hindi ako perpektong tao Shama. Pero nangangako ako na sasamahan kita sa pagsikat hanggang sa paglubog ng buhay mo na para bang araw. Kasama mo ako, hindi kita iiwan. Dahil ikaw ang noong Ms. Romantico ko, na Mrs. Devilla ko na ngayon. Mahal na mahal kita.."











Tuluyan ng naluha si Shama sa sinabe nito sakanya. Punong puno ng pagmamahal ang puso niya ngayon. Ang pag ibig na dating hinihiling niya lang ngayon, ay nasasakanya na na magtatagal pang habang panahon..









THE END.

The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon