Tuwang tuwa sa kakalamon ng binili kong ice cream ang isang 'to habang pumipikit pikit pa na kala mo ay nasa isang tv commercial sya. Minsa'y titingin pa ito saglit sa akin saka ngingiti. Aaminin kong masayang masaya ako. Masaya akong nakikita ko syang ganyan ngayon. Masaya akong nakakausap ko uli sya at muli kong naririnig ang boses nya. Kitang kita ko din kung gano sya kasaya. Panigurado akong tuwang tuwa 'to sa kaloob looban nya dahil nauto nya ko sa kalokohan nya kanina.
Flashback
"Sino ka!?". Tanong nito ng punong puno ng pagtataka. Unti unti na kong kinakabahan at natatakot sa nangyayare ngayon.
"J-jayps". Utal kong tawag muli sa pangalan nya. Dahan dahan at mabibigat na hakbang ang ginawa ko papalapit sa kanya. Nang makalapit na ko ay akma ko na sanang hahawakan ang kamay nya ng iiwas nya ito sa akin.
"Miss? Ano ba? Sino kaba? Naligaw ka ata ng room, Lumabas kana nga!" . Sigaw nito sa akin. Unti unti ng bumibigat ang mga mata ko. Kasabay na malakas na pagtibok ng puso ko. Bakit ganito? May mali ba sa potion? Ganun ba kalala yung pagkakabagok ng ulo niya kaya di nya na ko kilala? Teka. Siguro may mali sa pagkakagawa ni fairy kaya ganto! Tama! Kailangan ko syang kausapin! Sasabihin ko sa kanyang gising na si jaypee pero nabura na ko sa isipan nito.
Hindi kaya may side effect yung potion?
O kaya may kapalit?
Pero.. wala naman nabanggit sakin si fairy e.
"T-teka lang jayps ah. Babalikan kita". Sabe ko dito. Tumalikod na din ako at akmang aalis na
"Magdamag kitang hinintay tapos aalis kalang agad? Oh shocks. Ganun ba ko kagaling umarte?". Sambit neto. Nakita ko naman ang nakangising kumag paglingon ko.
"Hug me bebe ko. I miss you". Pahabol pa nito. Nakakasuya ng sobra ang isang 'to. Nakataas pa ang mga kamay niya na kala mo naman ay papatulan ko talaga.
Tinignan ko lang sya sa ganoong posisyon with matching taas kilay na on fleek kaya nanahimik ang loko. Kala nya ata nakikipagbiruan ako.
"Okay kana?". Sarkastiko kong tanong dito ng nakataas pa din ang kilay. "Mukha ba kong nakikipagbiruan ha?". Mas mataas na ang tono ko sa oras na 'to. Kung alam lang niya lahat ng pinagdaanan ko para lang magising sya ulit at maging okay siya baka di na makaimik pa ang isang 'to.
Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya. Yan matakot ka tama yan jaypee.
"Sorry". Nakayukong sabe nito. Mistulan syang bata sa inaasal niya. Kala mo batang nakabasag ng pinggan na paiyak na e.
Pinipigilan ko lang ang tawa ko kasi muka talaga syang ewan.
Hahaha tiklop pala si kumag.
"Tingin mo may magagawa pa yang sorry mo?". Pagtataray kong muli. Tumalikod din ako onti dahil baka mahalata niyang natatawa na talaga ko. Aba pinagtripan nya ko e, mas pagttripan ko siya!
Humakbang uli ako ng mas malapit sa pinto na kunware magwwalk out para winner ang acting skills.
"I love you"
Sabe nito na nagpahinto naman sa akin.
"Sorry na kasi". Pahabol pa nito. Ramdam ko ding tumayo na siya mula sa pagkakahiga at balak pa atang lapitan ako.
Lumingon na ako saka tumakbo papalapit sakanya at saka niyakap ang lalaking kumag na ito. Jusmeyo namiss ko talaga siya ng sobra. Kahit pa alog ang utak ng isang 'to miss na miss ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
AventuraAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!