"Shamz". Tawag sakin ni jus kaya naman napalingon ako. Niyakap nya agad ako na para bang antagal tagal naming hindi nagkita.
" Oh bes, ano yung sasabihin mo?" Direktang tanong ko. Ayoko na ng paligoy ligoy. Para kasing, naexcite ako bigla? Weird.
" Shamz, kaibigan naman kita diba? Hihingi sana ko ng tulong sayo"
"Anything, basta wag ilegal ha?". Nakuha ko pa talagang magbiro sa sitwasyong to.
"Shamz, tutal magkaibigan naman kayo ni jho.. Ah e.. ano kasi.. magpapatulong sana ko manligaw sakanya.."
So ang lokaret pala ang bumihag sa mahal kong to. Iba den talaga ang karisma ni bruha.
" Ah yun ba? .. O-oo naman, yun lang pala e" sabe ko. Alam kong dapat nasasaktan ako ngayon. O dapat naiiyak na ko ngayon, pero wala, wala kong maramdaman na kahit anong sakit.
Tinitigan ko sa mata si jus, tinignan ko ang mga matang yun na minahal ko. Nanatili lamang ako nakatitig sakanya..
"Siya na nga" sambit ko sa kawalan. Halatang nagtataka yung itsura ni jus. Pero ngayon alam ko na, alam ko na yung sagot sa tanong ko.
" Salamat sa lahat jus, asahan mo suportado kita sakanya" sabay kindat ko sa lalaking nasa harapan ko. Niyakap ko pa sya sa huling sandali bago ako tuluyang magpaalam umalis.
Hindi na sya ang tinitibok ng puso ko. Wala ng sakit dahil may tao nang nagpahilom nito. Akala ko magiging mahirap para sakin tanggapin yung totoo, pero hindi.. hindi dahil dumating sya. Alam kong mali, alam kong proyekto lang to ng love potion. Pero bahala na. Kailangan ko ng ipaglaban ang taong mahal ko sa oras na to.
"Jayps? Nasan ka? Pwede ba tayong magkita" sabi ko habang nakikipagtulakan sa mga tao sa kalsada. Alam ko na ngayon. Alam ko ng si jayps talaga ang mahal ko. At ngayon handa nakong harapin ang katotohanan. At handa na ko lumaban kahit pa tadhana ang aming kalaban.
Puno ng ilaw ang kalsada. Nasa dulo na ko ng tawiran ng makita ko sa kabila si jayps. Tinawag ko sya at agad nya din naman akong nakita. Naka stop pa ang ilaw
Last 5 sec..
4..
Sinenyasan ko si jayps na hintayin lang ako dahil tatawid ako dun. Nakatingin sa sakin na para bang gustong gusto nya na ko lapitan.
3..
Nakangiti lang sya sakin, oh Lord ang mga ngiti nya.. nakakagaan sa pakiramdam
2..
Naghanda sa paglalakad si jayps. Bahala na, miss na miss ata ko ng taong to.
1...
Kasabay ng pagtawid nya sa gitna ng kalsada, ay sya ring pagharurot ng mabilis ng truck..
Napako ako sa kinatatayuan ko..
Tanging sigawan lang ng tao ang narinig ko...
Lord, wag naman po please..
A.N: mas short pa sa short update! Para nakakabitin :>
BINABASA MO ANG
The Adventure of Ms. Romantico
PertualanganAno nga ba ang kayang gawin ng isang Ms. Romantico para lamang sa pag ibig? Samahan natin sya sa kanyang paglalakbay patungo sa kanyang Road to Forever!