Chapter 5

13 3 0
                                    

"Nagsisimula na.. kumakalat na.. no! Hindi huhu". Nagsisimula na syang magbago. Anaknang tinapa naman kasi? Bat ba kasi ang shunga shunga kong tao? Nasalo ko na ata lahat ng kamalasan sa mundo.

Hindi paden ako mapalagay sa sitwasyon ko ngayon. Natatakot ako makita yung asungot na yon. Mamaya magbigay na naman sya ng kung ano. Nung isang gabe binigyan nya ko ng cupcakes. Tas kagabe naman nagbigay sya ng ulam. Naparami daw kasi yung naluto nya kaya binigyan nya nadaw ako. Dahil mabuting kapitbahay naman daw ako. Juskopo. Nagsisimula na talaga sya maging mabait. Di naman ako makahindi sa binibigay nya kasi baka mag isip sya ng kung ano sakin.. tyaka inaamin ko.. masarap den talaga sya magluto. Pero jusme! Ni halos buong araw lang ako dito sa loob ng room ko. Diko makuhang lumabas dahil kinakabahan ako. Mamaya makasalubong ko pa yun!

Pero ngayon kailangan ko na talaga lumabas.. baka mawalan ako ng trabaho pag di ako pumasok. Kahit pa kabado kailangan ko kumayod. Kailangan ko pumasok. Dahan dahan ako naglakad palapit sa pintuan. Huminga muna ko ng malalim at saka pinikit ang mata ko. Dahan dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ito. Nasa ganung posisyon lang ako ng unti unti kong binuksan ang mga mata ko..













WAHHHHHHHHHHHHHHH!

"K-kanina ka pa jan? " tanong ko kay asungot na nakatitig lang sakin ng diretso. Maya maya den ay ngumiti ito at nagsimula ng buksan ang pinto ng room nya.

"Crazy as ever". Sambit neto bago tuluyang pumasok sa kwarto nya. Jusmiyo marimar naman oh. Kung sino naman yung ayaw mong makita, yun pa yung sulpot ng sulpot sa paligid mo.

Mabilis nako naglakad at sumakay sa kotse ko.

Nakarating ako ng matiwasay sa office. Sa wakas,no stress zone naden. Naglakad na ko ng mabilis at pumunta sa working station ko.

Pero agad nakaagaw ng atensyon ko ang bouquet ng rose na nasa lamesa ko. Naguguluhan kong tinignan ang card na nakasiksik dito at binasa ang nakalagay dito.





From: Bear brand

Yun lang yung nalalagay sa card. Bear brand? Kailan pa ko nagkaron ng admirer na taong gatas?

But in all fairness, maganda ang mga bulaklak na to. First time ko lang makatanggap ng boquet na ganto. Napaganda at napakaromatic ng feeling.










Kung sino ka man,you really made my day...














Mabilis na kong natapos sa mga ginagawa ko. Muli ko na naman sinulyapan ang mga bulaklak sa gilid ko. Napakaganda talaga nila. Sino kaya si bearbrand?




Habang nagiinat ng katawan , naghanda na ko ng kakainin ko for dinner. Mabilis ko na den itong natapos at maya maya din ay naghanda na ko sa pagtulog.





Puno ng ilaw ang paligid, kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Kumakaway sya sakin at tinitignan nya ko na para bang gustong gusto nya kong lapitan. Palapit na sya sakin ngunit kasabay ng pagtawid nya ay ang pagharurot ng mabilis ng truck. Biglang dumilim ang buong paligid.


Nagising ako ng pawis na pawis at may malakas na kabog sa dibdib dahil sa panaginip ko. Ewan ko ba pero parang kinilabutan ako sa panaginip kong yun.

Kinabukasan, hindi maganda ang panahon. Sunod sunod na kulog at kidlat ang sumalubong sa umaga ko. Malakas den ang buhos ng ulan. Nangangatog akong naglakad at naghanda para sa pagpasok ko sa opisina. Kung sana e katulad lang ng dati ang sitwasyon, na kapag malakas ang ulan, o kahit pa may kaunting ambon lang.. suspended na agad ang pasok. Pero iba na ngayon, hindi na nga pala ko estudyante. Mukang estudyante oo. Kailangan ko na palang kumayod umulan bumagyo para kumita at magkaron ng sariling pera. Paniguradong madulas ang kalsada ngayon. Hindi pa man din ako sanay mag drive pag ganun.



"Neighbor!". Narinig kong tawag nang lalaking nasa likod ko ngayon kaya naman napahinto ako sa paglalakad ko. Eto na naman sya. Kung anong iwas ko, eto namang sulpot ng lalaking to.

" hmm?". Pagtugon ko.

"Ahh.. papasok ka sa work ngayon diba? sabay kana sakin may pupuntahan din kasi ako, e sakto were on the same way. Idadaan nalang kita". jusme.. nagiging mabuti na naman ho sya Lord.

" Ahh nako hindi na, kaya ko naman magdrive", bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita uli ito.

"Ah- Sayang sa gasolina kung magddrive ka pa.. pag sumabay ka sakin mas makakatipid ka". Habol pa nito. Ang kulit ng lahi, di nya ba gets na ayaw ko sumabay sakanya?!

"May pera ko pambayad" sabe ko na may kasamang ngiti na naiinis na. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto ng kotse at papasok na sana ko ng magsalita na naman ang asungot.



"Shama p-please? .. Hindi kasi safe yung daan ngayon.. nag aalala lang ako"





Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang tanging alam ko lang ay dahil sa mga salitang yun.. nag alburoto bigla ang puso ko.




Tahimik lang ako nakamasid sa bintana ng kotse habang ang isa naman ay diretso lang ang tingin sa daan. Diko alam kung bat ba ko pumayag na sumakay dito. Ang hulung naalala ko lang ay otomatikong gumalaw ang paa ko ng naglakad sya papunta dito sa kotse nya, habang ako tong tulala. Ang awkward talaga. Walang nagsasalita, ni halos di naden ako makahinga.


"May coffee sa likod, nagbreakfast kana ba?" Pambabasag nito sa nakakabinging katahimikan.

"Yah". Tipid kong sagot. Bat ba bigla nalang lumayo yung office namen? Parang isang taon nako nandito. Gustong gusto ko na bumaba.

Di ko namamalayang nandito na kami sa BXE. Kaya agad agad akong nag ayos at akmang tatanggalin ang seat belt ng mapagtanto kong sira ata ang isang to.

"Let me". Sambit ni jayps nang unti unting palapit sa akin. Halos manlaki ang mata ko at di nako makahinga ng maayos. Ilang beses ko na napanood yung gantong scenario e. Iba pala talaga pag nasa aktwal na sitwasyon kana. Wooh.

Nasa harapan ko na sya ngayon. Saglit kong pinagmasdan ang muka ng lalaking to. Napakagwapo nya talaga. Kung diko lang alam na hindi to artista, baka nagpa autograph at nagpapicture nako dati. At napakabango din ng pabango nya. Hindi masakit sa ilong.

Nagulat ako ng tumingin din sya sakin. Nahalata nya siguro na nakatitig ako sakanya. Gusto kong iiwas ang mga mata ko pero para bang kinausap ito ng mga mata nya na tumitig lang ito sakanya. Nanatili kami sa ganung posisyon. Jusme Lord. Napakaganda po ng mata nya. Hindi nya inaalis ang titig nya sakin na para bang kinakabisado nya ang bawat parte ng muka ko.

"Your pretty as ever". Sabe nito

Sobrang lapit namen sa isat isa. Pero mamya maya di'y umiwas na sya ng titig at tuluyan ng tinanggal at seatbelt ko. Buti naman at naramdaman nyang di na ko kumportable sa posisyon namin. Sa pagkakatanda ko nilalamig ako kanina, bat parang ang init na?

Nagmamadali na kong bumaba. Pero napahawak nalang ako sa ulo ko ng maalala kong wala nga pala kong dalang payong. E kailangan ko pang lakarin yung entrance ng office namen. Bat ba nagkakanda malas malas ako ngayon!?
Hays. Bahala na!lulusob na ko sa ulan. Tuluyan na kong lumabas ng kotse ng mapansin kong lumabas din ang asungot at lumapit sakin. Itinaas nya ang suot nyang jacket at ipinandong ito sa mga ulo namen. Kung titignan , para syang nakaakbay sakin. Patakbo kaming nagtungo sa tapat ng entrance kung saan hindi na kami mababasa ng ulan.

"Salamat ah? Tignan mo nabasa ka pa tuloy!". Kasi naman to, mashadong pa good shot e.

Pinagpag ko ng bahagya ang basa nyang buhok ngunit agad din akong natigilan ng mapansin kong titig na titig sya sa ginawa ko.

" ahhh.. sige pasok na ko sa loob.. ingat ka ah?" Sabe ko ng hindi na hinintay ang sagot nya.























Don't get too close shama.. 
Baka nakakalimutan mo...
Proyekto lang yan ng love potion..

The Adventure of Ms. RomanticoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon