Chapter 9 (patay!)

393 15 0
                                    

Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3

Haaay, ang sarap ng tulog ko. Hahaha kinapa ko yung katabi ko pero wala sya. Kaya dinilat ko yung mata ko. Nalungkot tuloy ako, gusto ko kasi pag gising ko sya una makikita ko.

"Good morning baby" napatingin ako bigla sa pintuan. Ayun si kuya may dalang pagkain. Napangiti ako ng wala sa oras. Hihi

"Morning kuya, ano yan? Breakfast in bed?" ang sweet naman haha lumapit si kuya sakin at hinalikan ako sa noo. Napapansin ko lang ha, palagi nya hinahalikan yung noo ko. Anong meron don? Haha

"yup, let's eat here. Then we will go back na" ayy uuwi na kami. Nabitin ako

"okay" napansin yata ni kuya na nalungkot ako.

"baby, it's okay. Marami pa naman weekends eh" hmm sa bagay. Haha

Then after naming kumain, naligo na ako. Paglabas ko nakita ko si kuya nagliligpit na. Kaya tinulungan ko siya.

Mga bandang alas 9 umalis na kami at nakita ko naman yung babae habang papunta sa kotse. Titig na titig talaga sya sakin. Hay! Baka may kamukha ako . Kaya ganyan yung babae.

Nakatulog ako sa biyahe.

Paggising ko nandito na kami sa tapat ng bahay namin, pero di parin lumalabas si kuya.

"nandito na pala tayo, bat di mo ako ginising kuya? " tanong ko sa kanya. Sya nakatingin lang sakin. Na conscious tuloy ako

"hinintay ko lang na maggising ka ng kusa" tas lumabas na. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Habang naglalakad nakita namin sila mommy nasa garden.

"baby! Come here! " nagkatinginan kami ni kuya. Lumapit nalang ako sa kanila.

"morning mmy, ddy" bati ko sa kanila and kissed their cheeks.

"how's batangas baby? "tanong ni daddy.
Anong ginagawa nila dito?

"okay lang daddy, ang ganda don" daddy chucled.

"by the way, anong ginagawa nyo dito? Mmy? " takang tanong ko sa kanila.

"ah, wala lang, hinihintay lang kayo. " sagot ni mommy at nakatingin parin ako sa kanila.

"kumain na kayo? " biglang tanong ni mommy. Change topic eh.

" oo mmy" tas tumayo sila bigla at pumasok sa bahay. Weird.

Naiwan naman si emily na may kakaibang tingin.

"so, nag confessed ba sya sayo? " excited niyang tanong sa akin. anong nag confess? Si kuya? Baliw talaga to si emily.

"hindi, bat naman sya mag coconfess aber? Baliw to" bigla nalang syang tumawa, may saltik siguro to ngayon.

"ang hina pala ni kuya, by the way, hooy mica Stephanie, sabihin mo nga sakin kung anong nangyari nung friday ? " tas nakadilat naman yung mata nya ngayon. Tss

"Pinagsasabi mo jan? " takang tanong ko. friday?

"si Van, may nangyari sa inyo nooo? Di na kasi pumasok si Van pagkatapos kanyang buhatin at IKAW NAMAN! pagtinatanong kita, umiiwas ka at namumula yung pisngi mo? " litanya pa niya.

Omygod! Naalala ko na naman. Emily naman eeeh.

"oh yaaan, namumula ka na naman. Ano ba talagang nangyari? " kuryosong tanong niya huhu sasabihin ko ba? Aish! Bahala na nga.

"k-kasi... A-ano " nauutal kong sabi nahihiya akoooo diko masabi. Huhu

"Anooo? Bilis! " di makapag hintay niyang tanong. atat lang?

"a-ano... H-hinalikan n-nya ako. " nakayuko lang ako habang sinasabi yan.

"OMYGOOOOOOD! HINALIKAN KA NYAAA?!! " sigaw niya. ang ingay naman nitong emily. Baka marinig kami ni kuya eeh.

"tumahimik ka nga! Kailangang sumigaw?" Naiilang kong saway sa kanya huhu

"hihi seerry, kinikilig kasi akoooo. Goosh! Haba ng hair mo haaa, may kuya kana may Van kapa, saan ka pa? " naiinggit niyang sambit baliw. Natawa nalang din ako sa kanya.

"oooy! Kinikilig syaaaaa! "sabay sundot sa tagiliran ko. Luuh! Di kaya.

"anong kinikilig? Di aah" tumawa lang ang bruha, pero bigla nalang syang tumahimik at yumuko. Anyari?

"sinong humalik sayo? " patay. Si kuya.
Dahan dahan akong humarap sa kanya. Huhu galit na galit yung mata nya. Emily naman kasi eeeh.

"a-ah, hehehe w-wala kuya, m-mali kalang ng n-nadinig. D-diba emily? " pinandilatan ko sya ng mata. Makisama ka! Kasalanan mo to!

"huh? Ah eeh, o-oo kuya hehe" parang natatae na ewan si emily.

"tss. Don't fool me. Narinig ko lahat ng pinag usapan nyo. " cold niyang sabi at bigla nalang umalis. Huhu nagalit ata.

"emily kasi eh! Yan tuloy nagalit si kuya" paano ko sya kakausapin? Nahihiya ako.

"tss, sorry na" habang nag pa puppy eyes. Heh!

Spell patay? A. K. O
HUHUHU

@nanaxoxo1312

Amnesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon