Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3Diamond's POV
"anak, let's go? " napatingin ako kay mama. Kahit nakangiti ito, alam kong nangungulila pa rin sya kay ate sapphire.
"tara na po" at naglakad na kami papuntang kotse.
Pagdating sa bahay. Sumalubong samin ang cute na cute kong bunsong kapatid.
"atteee" kinarga ko si baby raven.
2 years old na si baby raven. Simula nang dumating sya sa buhay namin. Kahit papano ay napunan nito ang pangungulila namin kay ate.
Muntik na nga makunan si mama nung pinagbubuntis nya pa si baby raven.
Palaging umiiyak. Umiinom gabi gabi. Buti nalang narealize nya na mali ang ginagawa nya.
Pinakarga ko muna si baby raven sa yaya nya.
Pumasok ako sa kwarto ni ate. Namiss ko na talaga sya.
Walang pinagbago ang kwarto ni ate. Ayaw ni mama na galawin miski isa sa mga gamit nya. Dahil alam ni mama na balang araw uuwi si ate samin.
Oo, hindi kami naniniwala na patay na sya. Lalo na sa mga nagdaang araw.
May nagsabi samin na nakita daw niya si ate sapphire kasama si kuya van.
Una nagulat kami, dahil sa pagkakaalam namin. May girlfriend na si kuya van at yun ay si ate nadine.Umupo ako sa kama ni ate. Kinuha ko ang nag iisang picture namin sa kwarto nya.
Naalala ko pa kung paano ko napapayag na mag picture kaming dalawa.
"ateeee! Sige na! Mag picture na tayo. Kahit isa lang. Please! " with matching puppy eyes pa. Pero inirapan lang ako nito.
Aiish! Nilibot ko ang paningin ko. Nasa amusement park kami. Kaming dalawa lang. Habang nililibot may nakita akong siguradong aayawan ni ate.
Ting! Tama!
"ate jan ka muna ha? " at hindi ko na hinintay ang sagot nya. Tinawag pa ako nito pero tumakbo na ako.
"hi kuya van! " oo si kuya Van ang tinutukoy ko hahaha. Ayaw nila sa isat isa. Ewan ko ba kay ate. Gwapo naman si kuya pero ayaw pa din nya.
"oh, hi diamond. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? " napatingin tingin sya sa paligid.
"hihi si ate sapphire kuya. " nawala ang ngiti nito.
"eh asan ate mo? " tinuro ko yung naka upong babae sa bench.
BINABASA MO ANG
Amnesia
Lãng mạnCOMPLETED All rights reserved 2018 Mica Stephanie Stanfield. Isang babaeng maganda, mabait, mayaman, nasa kanya na ang lahat, complete family. May protective na kuya. Maraming manliligaw, pero ni isa wala pang sinasagot. Kasi ika nga nya "di pa duma...