Chapter 34(saved)

414 15 1
                                    

Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment, and spread <3

Zack's POV

N-noooo...

"PAPAAAAAA! " tumakbo kaagad ako kay papa.

May tama sya ng baril.

"P-pa... " naiiyak kong sabi. Kahit naman may kasalanan sya, masakit padin makita sya sa ganitong kalagayan.

"I.... I-i'm.. S-s.. So.. rr.. y.... A-a.. na.. k" nahihirapan nyang sabi.

Niyakap ko nang mahigpit si papa. Napatawad na kita pa. Kahit masakit, pinapatawad na kita dahil yun ang dapat. Hindi ako gagaya mo na nagtatanim ng galit sa puso.

Napatingin ako kay sapphire na binababa na ni Van.

Ngumiti sya sakin, yung ngiting okay lang yan. Nandito ako para sayo.

Ngumiti ako pabalik.

Sapphire's POV

akala ko katapusan na namin kanina. Nung sinabi ni mama na wala syang pinipili tinutok ni tito frank yung baril sa kanya. Pero bago pa nya barilin si mama.

May bumaril na sa kanya. Nagulat kami. At para akong nabunutan nang tinik nang makita si van ang bumaril.

Ligtas na kami.

Salamat, salamat Sayo dahil hindi mo kami pinabayaan.

Binaba ako ni Van. Pagkababa ko dumiretso ako kay mama at niyakap sya.

"I miss you ma" hinigpitan pa ni mama ang yakap sakin.

"I miss you too dear.. " naiiyak na sabi ni mama.

Kumalas ako sa yakap ni mama. May kailangan pa akong gawin.

Pumunta ako kay nadine, na ngayon ay tulala.

Nabalik lang sya sa reyalidad nang sampalin ko sya ng ubod ng lakas. Nangigigil ako sa kanya.

Sasampalin ko pa sana sya pero bigla nyang tinutok ang baril sakin.

Shit. Nakalimutan kong may hawak pala syang baril.

"Anong akala mo? Ligtas kana? Pwes! Nagkakamali ka! Hindi ka na makalalabas ng buhay dito sapphire. " at tumawa ng malakas

"Anong naging kasalanan ko sayo? " tanong ko sa kanya. Kasi wala akong naalala na may kasalanan ako sa kanya.

"Inagaw mo ang lahat sakin! Na sa sayo lahat ang atensyon ng tao! Ako!? Wala! Walang nagmamahal sakin dahil sayo! Una si zack, akin sya pero inagaw mo! Pangalawa si Van! Inaagaw mo lahat ng nagmamahal sakin! " natulala ako sa sinabi nya. Dahil don? Na iinsicure sya sakin.

Binibigyan nya nang antensyon yung mga taong kahit kailan ay hindi sya mamahalin. At nilalayo nya yung mga taong totoong nagmamahal sa kanya.

Si kuya erik, mahal ni kuya si nadine, pero bulag ata o kaya manhid si nadine dahil di nya nahalata. Naka tuon kasi ang pansin nya sa iba.

"Hindi yan totoo" giit ko sa kanya.

"HAHAHAHAAH! Anong hindi totoo? Totoo yun! Kaya bago pa mawalan ulit ako nang minamahal, papatayin na kita"

Bang!

Bang!

Bang!

Ang bilis ng pangyayari. Akala ko patay na ako. Pero hindi.

Zack.

Niyakap ko sya. Noooo! Sinalo nya ang bala na dapat  ay para sakin.

"I.. Love... You" bulong nya sakin.

Amnesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon