Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3Mica's POV
nagising ako sa sinag ng araw. Nilibot ko ang paningin ko, oo nga pala nasa suite kami. Naalala ko na naman yung kahapon. Ano ba talaga ang problema nilang dalawa? Palipat lipat kami ng hotel. Yan tuloy di ako naka enjoy sa vacation.
Knock! Knock!
Napatingin ako sa pinto, si kuya at emily pala.
"ahm, mica kain na tayo? Diba mamasyal pa tayo? " naiinis pa rin ako sa kanila pero nung sinabi ni emily na mamasyal kami, nawala bigla ang inis ko. Waah!
"okaay, taraaa. Ay wait maliligo muna ako haha" nabigla yata sila sa reaksyon ko pero bahala sila 😂
Pagkatapos maligo lumabas na ako. At nilantakan na ang mga pagkain na nasa lapag.
"oh, hinay hinay lang mica" emily.
"hahaha sorry, excited lang mamasyal" sabi ko. Waaaah! Excited na talaga ako.
Ang dami naming ginawa kanina. Nag jetski, island hopping, at higit sa lahat ang pinaka paborito ko. Ang snorkeling! Ang sayaaaa.
Naka upo ako sa tabing dagat, tanaw na tanaw ko ang sunset. Hay! Napaka ganda talaga ng tanawin ngayon. Si emily may binili pa.
"sapphire? " napatingin ako sa lalaking tumabi sakin. Sapphire? Na naman?
"pardon? " tumingin ako sa kanya. Ah ito yung lalaking kasama ni sapphire daw.
"you're sapphire. " hindi yun question, statement yun.
"as far as I know, si sapphire yung babaeng kasama mo kanina ryt? " pero bigla nalang syang tumawa. Anyari? May saltik ata to.
"pffft... Sorry pero kasi.. Hindi sya si sapphire. Yung babae? Si Nadine Flores yun. Current girlfriend ni Van. And you, you are SAPPHIRE BLUE FERNANDEZ. Ex girlfriend ni Van. " hindi nag sink in yung sinabi nya sakin. Ako? Ex girlfriend ni Van? Seryoso? Hahahaha nag bibiro ata tong lalaki eh.
"pfft.. Hahaha s-sorry pero ako? Ex girlfriend ni van? Pfft.. Eh ngayon ko nga lang nakilala yun eh. " baliw ata tong lalaki nato eh. Napatingin ako sa kanya. Seryoso na ang mukha nya. Yung totoo? Ex girlfriend ba talaga ako ni van? Pero bakit di ko alam?
"totoo ang sinabi ko. " seryoso parin yung mukha nya. Kinabahan ako.
Hindi, h-hindi pwedeng maging ex ko sya. At ano? A-ako? Si sapphire?"h-hindi ako naniniwala sayo" umiwas ako ng tingin. Tumingin nalang ako sa sunset.
"sa maniwala ka sa h--" naputol na lang ang sasabihin nya ng may biglang sumigaw.
"MICA!! " napatingin ako kay... Si emily lang pala. Tumakbo sya papunta dito at kinakabahan na ewan yung mukha nya.
"wag kang maniwala sa sinasabi ng lalaking ito. Tara na mica" ngayon ko lang nakitang seryoso si emily.
Naging busy ako sa pag iisip sa nangyari kanina. Hindi ko namalayan nasa suite na pala kami.
"teka emily" Pinatigil ko sya. Naguguluhan talaga ako eh.
"ano? " di parin sya mapakali.
"totoo ba yung sinabi ng lalaki kanina? " tumingin ako sa mata nya .
"hindi" pero di naman nakatingin sa akin.
Hindi ako naniniwala sa kanya, pero di rin ako naniniwala sa lalaki. Oo, siguro pero nagdududa pa rin ako.
Pumasok na kami sa suite. Nakita ko si kuya parang balisa. Tiningnan ko si kuya at emily. Pa balik balik ang tingin ko sa kanila. Kahapon ko pa nahahalata na may tinatago sila. Yung lalaki kanina, nakita ko rin yun sa dating hotel na pinuntahan namin. Ano ba talaga? Hindi naman ako tanga!
"kuya, sabihin mo nga sakin ang totoo" tumingin ako kay kuya. Pero sya di makatingin sakin.
"KUYA! " sigaw ko sa kanya. Naiinis na ako. Bakit ba ayaw nyang tumingin sakin.
"kuya, sino si sapphire blue Fernandez? " serysoso kung tanong sa kanya. Pero parang walang narinig si kuya. Aaiish! Ginulo ko ang buhok ko. Na fufrustrate na ako.
"ah, sige eto nalang. Ako ba si sapphire? " napatingin si kuya sakin. Oh diba?
"m-mica" yan lang sasabihin nya?
"ano? Sagutin mo ako! Sino yung lalaki kanina? Bat nya sinabing ako si sapphire? Sabihin mo sakin ang totoo kuya! " wala na, wala na akong kontrol sa galit ko. Ang ayoko sa lahat yung nagsisinungaling eh.
"m-mica.. Please. Makinig ka m-muna" maluha luhang sagot nya. Ano? so Totoo? Pero paano?
Nash Ivan's POV
Aiish! Paano ko ba sasabihin to? Tumingin ako kay mica at wala itong reaksyon walang emosyon ang mukha nya. Di ko alam kung ano ang iniisip nya.
"KUYA! AKO BA SI SAPPHIRE!!? "sigaw nya pero yung mga mata nya walang emosyon.
"O-oo" yumuko ako.
Tumingin ako kay mica at nakita kung humihikbi na sya kaya nilapitan ko pero..
"wag! Please wag ka munang lumapit. B-bibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag kung bakit. Pero sa ngayon, w-wag m-muna please lang. " nasasaktan akong nakikitang umiiyak ngayon ang mahal ko.
tas umalis sya. Aiish! Hindi ko mapigilang maluha.
@nanaxoxo1312
BINABASA MO ANG
Amnesia
RomanceCOMPLETED All rights reserved 2018 Mica Stephanie Stanfield. Isang babaeng maganda, mabait, mayaman, nasa kanya na ang lahat, complete family. May protective na kuya. Maraming manliligaw, pero ni isa wala pang sinasagot. Kasi ika nga nya "di pa duma...