chapter 14 (kuya)

397 10 0
                                    

Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3

Van lester's POV

Naglalakad ako, balak ko kasing pumunta sa mall. Kaya lang napatingin ako sa bahay kubo. Eto na naman yung feeling na tinatawag ako. Diko namalayan, papalapit na pala ako sa bahay kubo.

Pagbukas ko ...
ANONG GINAGAWA NYA DITO?!
Umiiyak sya, bakit?

Pinaalis ko sya, ewan ko kung bakit pero kanina habang umiiyak sya nasasaktan ako at the same time, may galit sa kanya.

Naalala ko pa ang sinabi ng kuya nya sakin nong na hospital siya.

"Van" kuya ni mica

"bakit po? " may galang pa din naman ako.

"layuan mo si mica" maotoridad nyang sabi sakin. Bakit ko naman lalayuan ang taong gusto ko? Oo gusto ko si mica, ewan. Pero unang kita ko pa lang sa kanya. Iba na pakiramdam ko. Pakiramdam ko matagal na kaming magkilala.

"bakit ko naman sya lalayuan? "

"ito tandaan mo, sa oras na umaaligid aligid ka sa kapatid ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. " tinatakot ba ako ng lalaking to?

"paumanhin, pero hindi ko lala--"

"may bunso kang kapatid diba? " paano nya nalaman?!

"kapag di mo ako susundin, mapapahamak ang kapatid mo. " at umalis na.

Psh! Kala naman nya na matatakot ako sa kanya.

Pero mukhang tinotoo talaga nya. Napahamak ang kapatid ko, buti nalang di malala. Kaya kahit labag sa loob ko. Iniwasan ko si mica. Sorry mica.

Pero nung nakita ko sya dito sa bahay kubo umiiyak, di ko alam pero imbes na mag alala, nagagalit ako. Kaya pinaalis ko sya. Aaaiish! Ano bang nang yayari?

Mica's POV

pauwi na ako, pero di parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Parang sirang plakang nanumbalik yung salitang binitawan nya.

"Mica" napatingin ako kay kuya. Nasa bahay na pala ako.

I kissed his cheek and umakyat na.

Katatapos ko lang maligo. Ito ako nakahiga lang sa kama. Aaish! Di ako makatulog. Nagpa gulong gulong na ako dito.

"penny for your thoughts? " napatingin ako sa pinto. Si kuya pala.

"ah, wala. Di lang ako makatulog kuya. " habang nakatingin sa kisame.

"kaya hindi nakakatulog ang isang tao, it's either, may nag iisip sayo or marami kang iniisip. " ganon ba yun?

Napabuntong hininga ako.

"alam mo mica, you can share it with me. Kuya mo ako, kaya okay lang kung magsasabi ka. " tama sya, kuya ko sya kaya bakit nasasaktan ako kapag sinasabi nya na kuya ko sya. Hay

"I know, don't worry kuya, I'm okay. Ako pa" sabi ko na parang okay lang talaga ang lahat kahit di naman.

"okay, sleep na ha? Goodnight " then kissed my forehead.

Alam ko na kung sino ang tatanungin ko para nalinawan ang isip at puso ko.

Pag gising ko, naligo agad ako. Hay! May pasok na naman, at di na naman ako papansinin ni van.

"tara na emily" di kasi kami mahahatid ni kuya, kaya maglalakad lang kami. Maaga pa naman.

Naweweirduhan ako kay emily. Patingin tingin kasi sa paligid parang may tinataguan or ano.

"hoy! "

"h-huh? " tignan mo to.

"ano bang problema? "

"ah, w-wala ano kaba. Ha ha ha. Taraaa, takbo tayo para di tayo malate. " anong!? Aaish! Di ko na sya napigilan, kinuha kamay ko at tumakbo na.

@nanaxoxo1312

Amnesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon