Chapter 30(The REAL Monster)

362 12 0
                                    

Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3

Frank Dalton's POV (Zack's Father)

Nandito ako sa kwarto ni Sapphire. Pinaalis ko muna si Zack. Tiningnan ko ang mata nya. Parehong pareho talaga sila ng mata ng mama nya. Namuo na naman ang galit ko nang maalala ko ang mama nya.

"bakit nyo ba to ginagawa? " tanong ni sapphire. Good question hija

"bakit? Dahil ito lang ang paraan para masaktan ang ina mo" mapait kong sabi. Nabigla sya ng sabihin ko na ang ina nya ang dahilan.

"nagulat kaba hija? " ngiting nakakaloko sa kanya. Dapat lang.

"sinong ina ang tinutukoy mo? " medyo naguluhan ako sa tanong nya. Ah may ibang kumupkop pala kay sapphire.

"sino? Ang magaling mong ina na si Leah Ana Fernandez lang naman hija" nagulat sya. Malamang! Hhaha

"a-anong kasalanan ni mama sayo?" nauutal na sabi nya.

Naalala ko na naman ang nakaraan namin ni leah.

Inimbitahan ako ng aking kaibigan na si Pablo sa isang fiesta.

Sabi nya magpa pogi daw ako dahil maraming magagandang dalaga daw ang naroon. Kaya sinunod ko ang sinabi nya.

"Franky boy! Buti naman at dumating ka" sabay akbay ni Pablo sakin.

"maraming magagandang dilag sa loob. Dali ipapakilala kita" sabay hatak sakin sa loob ng bahay.

Pagtungtong ko sa bahay. Ay namangha agad ako sa kagandahang dala nito. Halatang mayaman ang nakatira dahil sa mga nagkikintabang mga gamit dito sa bahay.

Napatingin ako sa mga dilag na nasa harapan na namin.

"mga binibini, nais ko sanang ipakilala sa inyo ang matalik kong kaibigan na si Frank Dalton" pakilala ng aking kaibigan sa mga magagandang dilag.

"magandang gabi sa inyo mga binibini" sabay halik ng mga kamay nila.

"ito nga pala si Maria" sabay turo sa babaeng maputi at may kataasan.
Ngumiti ako at yumuko.

Amnesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon