Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3Mica's POV
Parehas pala kami ni Van. Pero sabi ni mommy ako lang daw ang nasa kotse noong time na yun. Ang gulo naman!
Ring ring! (Bell's ring)
Lunch na pala. Di ko namalayan.
"tara na"emily. Kaya tumayo na ako. Habang naglalakad, may nararamdaman akong nag mamasid samin. Nilibot ko ang mata ko at tama nga ako. May isang lalaking nakatingin sakin. Nakita nyang nakatingin ako sa kanya kaya tumakbo sya. Sino yun?
"oy! " napatingin ako kay emily
"okay ka lang? Sinong tinitingnan mo? " tiningnan nya rin yung tiningnan ko kanina.
"ah, wala. Tara" nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nasa canteen kami ni emily ng bigla nalang nagsisigawan ang mga estupidyante ay estudyante pala haha. Napatingin kami sa entrance at well. Si mr. Monster lang naman haha namiss ko syang tawaging mr. Monster eh.
Kailan pa naging sikat yang halimaw na yan? Pero parang wala lang sa kanya. Psh! Hambog!
"baka mapatay mo sa tingin si van ha? " tumawa si emily. Baliw!
"psh! Kailan pa naging sikat yan? " naiirita ako sa mga estupidyante eh. Ah bahala sila. Stupid sila hahahah.
"last week, foundation day. Wala tayo kasi nasa cebu tayo. And sa nakalap kung impormasyon. Sumali si van sa banda at sya ang vocalist. Nanalo sila pagkatapos non. Ayun sikat na sya. " maganda pala boses nito? Baka naman dahil gwapo ,oo gwapo nalang. Kaya nanalo yan. Baka nga boses palaka eh. Psh
"ay etooo. Ipapakita ko sayo yung video nung foundation day. Infairness mica, ganda ng boses. " whatever.
Pinanuod ko nalang at tumuntong pa nga lang grabe na makatili yung mga babae. Grabe! Ikaw na gwapo.
Habang kumakanta sya. Natulala ako sa boses nya. Babawiin ko na yung sinabi kung boses palaka. Graveeee! Ang ganda ng boses. Nakakainlo--- wala. Ang lamig, habang kumakanta, nakatingin sya sakin. Malamang mica, nanunuod ka lang sa video. Psh! Sige pilosopohin mo pa sarili mo mica.
Kaya naman pala, totoong maganda ang boses nitong halimaw nato. Hay! Saan ba sya hindi magaling?
Van Lester's POV
pinagmamasdan ko lang sina mica. May pinapanuod ata sila. Iniisip ko parin kasi yung tinanong nya sakin. Bat nya natanong?
Oo, naaksidente ako. Nahulog daw yung sinasakyan kung sasakyan. Pero ang sabi nila, tumalon daw ako bago mahulog ang sasakyan. Tinanong ko kung may kasama ba ako pero di naman nila sinabi saking meron, at di rin sinabing wala.
Kaya nga minsan naglalakad ako may bigla nalang nanghahampas sa balikat ko. Di ko naman kilala. Pero sabi nila mga kaibigan ko daw noon. Hay! Naiinis na nga ako kung bakit pa kasi nag ka amnesia pa ako?
"Van" tumingin ako kay mica. Parang kabute to, pasulpot sulpot lang kahit saan.
"oh? " nanunuod lang ako sa kanila ha? Tas napunta na sa harapan ko.
"yung kaninang tinanong ko, may kasama ka ba nung naaksidente ka? " bat ba tinatanong nitong babaeng ito?
"bakit ba?! " nabigla ata sya nang sigawan ko sya. Sorry. Di ko naman sinasadya
"s-sorry, di ko sinasadyang sigawan ka" napatingin ako sa paligid. Nakatingin na pala silang lahat samin. Aiish! Naman!
"bat ka nagtatanong? 5 years ago pa yun. At di pa kita kilala non" malumanay kong sabi sa kanya. Binalewala ko yung nakatingin samin.
"a-ah, pano ba to? " bulong nya sa sarili nya. Pero dinig ko naman.
"k-kasi.. Ano... Haay! " nababaliw na tong kaharap ko. Naiinis na ako haa
"alam mo, Stephanie kung wala kang balak sabihin yan. Wag nalang. Okay? " tumayo na ako at lumakad.
Nasa corridor na ako ng biglang sumigaw si... Mica? Kilala ko yung boses na yun eh. Nilingon ko at tama nga, si mica nga.
"hmm? " hinihingal pa sya. Sino bang maysabing tumakbo sya?
"sasabihin ko na! Hoo! Kapagod! "reklamo nya. Tiningnan ko lang sya.
"naaksidente din kasi ako. 5years ago na ang nakakalipas---" hinintay ko kung magsasalita pa sya pero di na. Naaksidente sya? Tumingin ako sa kanya pero di na sya nakatingin sakin. Tiningnan ko kung sinong tiningnan nya. At nakita kong nakatingin sya sa lalaking nakahood. Bakit? Anong meron sa lalaking yun?
"oy! " kalabit ko sa kanya.
"a-ah ha-ha wala. Wag mo nalang pansinin sinabi ko ha? Byee! " pero di naman nakatingin sakin. At umalis na. Ahsjckfmffl! Ginulo ko nalang ang buhok ko. Ka imbyerna.
Someone's POV
Nasa school nila ako. Nakatingin kay sapphire na kausap ngayon ang ex nyang gago. Hmmm. Ano? Kayo na ba ulit? Ngumiti ako sa kanya ng nakakatakot ng tumingin sya sa gawi ko. Pati yung ex nyang gago tumingin din sakin. May sinabi pa sya sa ex nya at tumakbo na. Sinundan ko sya.
Di sya nakatingin sa dinaan nya kaya binagga ko sya.
"hala! Sorry po. Di ko sinasa--" naputol ang sasabihin nya nang makita nya ako. Ngumisi ako. Namiss ko tong pagmumukhang ito.
"beware bitch. Cause your death is approaching " and nginitian ko sya ng nakakatakot. At umalis na
just wait sapphire. Just wait!
Mica's POV
Di ako makagalaw ppagkatapos sabihin nung lalaki .
Beware bitch, cause your death is approaching
parang sirang plaka pabalik balik yung sinabi nya sa utak ko.
Kinabahan ako bigla. Natatakot na tuloy akong umuwi.
Pero sino yung lalaki?
@nanaxoxo1312
BINABASA MO ANG
Amnesia
RomanceCOMPLETED All rights reserved 2018 Mica Stephanie Stanfield. Isang babaeng maganda, mabait, mayaman, nasa kanya na ang lahat, complete family. May protective na kuya. Maraming manliligaw, pero ni isa wala pang sinasagot. Kasi ika nga nya "di pa duma...