Chapter 22 (mysterious guy)

319 15 0
                                    

Amnesia
A/N: don't forget to vote, comment and spread <3

Tulala lang ako habang naglalakad. Hindi parin matanggal sa isip ko yung nangyari kanina. Sino yun? Baka naman may nagawa akong kasalanan noon na hindi ko maalala. Malamang may amnesia ka kaya. Psh!

Beeeeep beeeep!!!

Nabigla ako, nasa gitna na pala ako ng kalsada. Di ako makakilos, ano? Katapusan ko na ba?

Beeeeeeeeeep!!

Pinikit ko nalang ang mata ko. Kung ito ang magiging katapus----

Araay! May tumulak sakin. Aaaish! Ang sakit. Huhu pagtingin ko sa van pala. Ang sama ng tingin sakin.

"HOY! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA! WAG DITO! BWESIT! " napatingin ako sa driver. Galit na galit. Hehe sorry. Nag peace sign nalang ako sa kanya. Naramdaman ko na may masamang nakatingin sakin. Si Van pala. Hehe. Di nga ako mamamatay sa aksidente, mamamatay naman ako sa sama ng tingin nitong kasama ko.

"MAGPAPAKAMATAY KABA?! ANONG PUMASOK SA ISIP MO AT NAGLAKAD KA SA GITNA NG KALSADA? " kung makasigaw naman to. Pero totoo, natakot talaga ako. Gosh! Yan kasi, kakaisip don sa lalaki, muntik na tuloy akong matuluyan.

"s-sorry, may iniisip lang. Diko namalayan naglalakad na pala ako sa gitna. " nakayuko kung sabi. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Hoo! Huminga ako ng malalim. Pero pinigilan ko ang hininga ko ng bigla akong yakapin ni Van. Mas lalo tuloy lumakas ang tibok ng puso ko! Aish! Bakit baaa?!

"alam mo bang natakot ako? Wag muna ulit gagawin yun" malumanay na sagot nya. Pero ang lakas ng impact noon sakin. Bakit van? Bakit?

"sorry, di ko na uulitin pa" at niyakap ko din sya pabalik. Bakit napaka pamilyar nitong nararamdaman ko?

Bigla nalang sya bumitaw at umiwas ng tingin.

"tara na, ihahatid kita" tingnan moto. Ang moody moody. Kanina lang napaka--aish! Ewan ko sayo!

Naglakad nalang ako. Sya nasa likuran ko. Ewan ko ba kung bakit nanjan sya. Huminto ako diko alam na di pala sya nakatingin sa dinadaanan nya kaya nabangga sya sa bandang likuran ko.

"bat ka huminto? " tss

"bat di ka nakatingin? " balik tanong ko sa kanya.

Kaya sumabay nalang sya sa paglalakad sakin. Yan yan dapat. Para syang body guard pag nasa likod ko sya eh.

"sino yung lalaki kanina? " pag oopen nya ng topic. Psh! Isa pa yang pinoproblema ko eh.

"di ko alam. Natatakot nga ako sa kanya eh." totoo. Wala naman akong balik sabihin sa kanya yung sinabi ng lalaki sakin. Pero shit! Baka naman pakana yun ng lalaki kanina? Sabi nya my death is approaching na daw. Aaiish! Nagulo ko nalang ako buhok ko.

"a penny for your thoughts? " ayokong sabihin sa kanya.

"ah iniisip ko lang kung sino yun. " totoo naman.

"alam mo, matagal ko na syang nakikitang umaaligid sayo. At pag tumitingin sya sakin. Ngumingiti sya ng nakakatakot at aalis. " napahinto ako. Ibig sabihin, matagal ng nanganganib ang buhay ko? Sino ka ba talaga?

"okay ka lang? " tumingin ako kay Van. Nakikita kong nagaalala sya sakin. Umiwas ako ng tingin. the thoughts that Van was my ex makes me shiver.

"o-oo" nandito na pala kami sa bahay. Diko namalayan.

"salamat sa paghatid" ngiti ko sa kanya. Ngumiti din sya at umalis na.

Pag bukas ko nakita ko si kuya nakatingin sakin ng masama.

Gulp!

Patay! Nakita nya ba si Van?

"I thought you're gonna stay away from him? " malamig na tanong sakin. Umiwas ako ng tingin. Di ko kaya nakakatakot

"a-ahm. N-niligtas n-nya lang ako kanina k-kuya kaya hinatid na r-rin nya ako dito. " nauutal kong sagot. Huhu

"bakit? Anong nangyari? " nag alala nyang tanong. Kanina lang galit ngayon naman hay! Nako

"muntik na kasi akong... M-masagasaan. " nanlaki ang mata nya.

"ANO? " pumikit ako. Ang lakas kasi kung makasigaw

"k-kasalanan ko naman kuya. Di kasi ako nakatingin sa daan. " sinagot ko nalang sya kung ano talaga ang nangyari.

Bigla nya lang akong binatukan.
Aray ko po! Ang sakit.
Hinihimas ko ang batok ko at tiningnan sya ng masama.

"aray naman kuya eh" masama padin ang tingin ko sa kanya. Kung maka batok to

"tama lang yan, ikaw kasi bat ka naglalakad? Pwede ka naman tumawag sakin o di kaya blah blah blah blah" di ko na pinagtuunan ng pansin dahil napako ang tingin ko sa gilid ng bahay namin. Yung lalaki! Pati ba naman dito? Yan na naman yung ngiti nyang nakakatakot. Kinikilabutan ako.

"nakikinig kaba? " napatingin ako kay kuya. Nakalimutan ko, nagsasalita pala to

"sinong tinitingnan mo? " pagtingin ko doon. Wala na yung lalaki. Nilibot ko ang paningin ko pero wala na. Natatakot na ako. Alam nya kung nasan bahay ko.

"aish! Halika na nga! " bigla na lang nya akong hinatak. Bat ang hilig hilig nyong manghatak ha?

"oh ate, okay ka lang? " si Nathan. Si kuya ayun nasa sala.

"oo" at niyakap sya. Namiss ko tong bunso namin

"ateeeee" reklamo nya. Haha ang cute cute talaga nito.

"aashteeee mashakit" haha tinigilan ko ng ang pisngi nya.

"sorry bunso. Namiss lang kita" at niyakap sya ulit. Nanggigigil ako.

"mica, tigilan mo na yang kapatid mo" napatingin ako kay daddy. Hehe

"opo" at binitawan na sya. Nakapout lang si Nathan .

"halika baby tulungan mo ko. Mag mo movie mara tayo ngayon. " na excite ako. Minsan lang kasi namin to ginagawa

Gumagawa kami ng popcorn habang sila kuya nag aarange sa sala.

Tiningnan ko si mommy. Gusto ko sana itanong yung lalaki kanina. Baka kasi kilala nya.

"bakit baby? " sasabihin ko ba?

"mommy kasi... Kanina may lalaki sa school namin at may sinabi syang.. A-ano" napatingin ako sa bintana. Malapit kasi yung bintana sa kinatatayuan namin. Nanlambot ang tuhod ko sa nakita ko. Yung lalaki! Ginagawa nyang baril ang kamay nya at tinututok kay mommy. At ngumiti na naman. Ayoko naaa! Sino ka ba talaga haaa?!!

"ano baby? " di ata napansin ni mommy.

"ah wala my. Sabi nya lang na maganda daw ako hehe" sinabi ko pero nakatingin parin sa lalaki.

"sino bang tinitingnan mo jan? " tumingin din si mommy pero gaya kanina. Nawala na naman yung lalaki.

Ting!

"wala" sabi ko nalang.

Luto na ang popcorn. Dumiretso na kami sa sala at nanuod


@nanaxoxo1312

Amnesia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon