"JUST a while, Juancho. Paki-bukas ng bintana," utos ni Caleb sa driver niya. Katatapos lang nilang mag-lunch sa isang restaurant at paalis na sana nang maagaw ng isang babae ang kanyang pansin. Nasa loob na sila ng kotse. Napakunot ang noo niya nang makita mula roon ang isang magandang babae. Buhat-buhat nito ang isang madungis na sanggol.
Nakilala na ni Caleb ang sanggol. Nakita na rin niya ito kanina sa parking lot ng restaurant habang kumakain. Umiiyak ito. Pilit itong pinapatahan ng isang batang babae na sa tantiya niya ay nasa pito hanggang siyam na taong gulang. Kapatid siguro nito ang sanggol. Naawa siya sa mga ito. Pero kagaya ng ibang nakakita sa magkapatid, pinabayaan lang niya ang mga ito.
Pero iba ang babaeng ito. Parang wala itong pakialam kung marumihan man ang magandang nitong damit dahil sa pagbubuhat sa madungis na sanggol. Nilalaro rin nito iyon. Napakaganda ng ngiti ng babae, halatang bukal sa loob ang ginagawa. Tumahan na rin ngayon ang sanggol at ngumingiti na rin. And he had a feeling it's because of that woman.
May humaplos na mainit na kamay sa puso ni Caleb. Ito ang unang beses na nakakita siya ng ganoon sa personal. Hindi niya kilala ang babae pero sa nakitang eksena ay kaya na niya itong i-judge. Napakabait nito para gawin iyon sa mga bata na halos wala namang pumapansin.
"Unbelievable," maya-maya ay komento ng personal assistant ni Caleb na si Ram. Katabi niya ito sa kotse. Mukhang nagka-interes rin ito sa tinitignan niya.
"Oo nga. But isn't that great? May mga tao pa rin talaga na willing tumulong sa mga mahihirap..."
"Oo, pero coming from Serena Villanueva?" Napailing-iling si Ram. "Really unbelievable,"
"Serena Villanueva? Kilala mo ang babae?"
Tumango ang personal assistant. "Anak siya ni Sergio Villanueva, the owner of SV Electronics,"
Napahawak sa baba si Caleb. Kilala niya ang tinutukoy ng personal assistant. Kalaban niya si Sergio Villanueva sa negosyo. Pero kahit competitor ay hindi na ito threat sa kanya. Alam niyang bumabagsak na ang kompanya nito.
Ang Caltronics---ang electronics company na pagmamay-ari ni Caleb ang tinuturong dahilan kung bakit bumabagsak na ang SV Electronics. Natalo ng kompanya niya ang kompanya ng matanda. But everything was played fair. Sadyang mas maganda lang ang produkto at naging marketing strategy nila kaya nangunguna na ngayon ang kanyang kompanya.
Pero kahit kilala ni Caleb si Sergio ay hindi niya kailanman nakita ang anak nito. Kapag nakikita niya ang matanda ay palagi lang itong mag-isa. Hindi ito nagdadala ng dates sa mga party kung saan niya ito madalas na nakakahalubilo. Balita niya, matagal na raw na patay ang asawa nito. Hindi niya alam na may anak pala ito.
"Anong iniisip mo, Caleb?" Matanda ng sampung taon si Ram kay Caleb kaya first-name basis na lang sila kahit empleyado niya ito. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa kanya kaya malapit na sila sa isa't isa.
"I think I'm interested..." Napatango-tango si Caleb. Sa tingin niya, ang babae ang hinahanap niya.
"Interesado saan?"
"Alam mo naman na bukod sa trabaho ay may isa pa akong pinagkakaabalahan, Ram."
Kumunot ang noo ni Ram. "Naghahanap ka rin ng asawa. Gusto mo ng bumuo ng sarili mong pamilya. Pero hindi ko makita kung ano ang kinalaman ni Serena Villanueva sa lahat ng ito."
Nginitian ni Caleb ang personal assistant. "I think I am also interested in having a purchased wife. At si Serena ang napipisil kong perfect choice."
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...