"HOW ARE YOU and the baby?"
Napatalon si Serena nang marinig ang boses ni Caleb sa likuran niya. Hindi niya namalayan na nakarating na pala ito. Nanibago rin siya dahil sa buong araw ay siya lang at ang ligaw na tuta ang nasa bahay. Natawagan na niya ang asawa tungkol sa pagkawala ng mga kasambahay. Nalaman niyang ito ang may pakana ng lahat noon at pati na rin ang pagkakaroon ng tuta sa bahay...
"Paano kung hindi ako naggising agad? Paano kung may mga nabasag o nasira ang tuta sa mga gamit sa bahay?" Pagkompronta niya sa asawa sa telepono. Tinawagan niya ito para malinawan sa mga nangyayari. Kaya niyang mabuhay ng wala ang mga kasambahay. Nag-aalala lang siya sa mga ito at sa sake na rin ng bahay. Naiwan siyang walang kaalam-alam sa nangyari.
"Hindi naman ganoon kahalaga ang mga gamit na 'yan. Mas mahalaga na maging maayos ka."
Napalunok si Serena. "Nagdala ka ng tuta sa bahay para maging maayos ako? Ipaliwanag mo sa akin iyon."
"Takot ka na mag-alaga ng sanggol. Takot ka sa responsibilidad. Kagabi ay napulot ko ang tuta na 'yan at naisip kita. Taking care of a dog is like taking care of a child. Gusto kong harapin mo ang takot mo..."
Natigilan si Serena. Napatingin siya sa tuta. Naisip rin pala ni Caleb ang iniisip niya kanina.
"I want you to face your fears, wife. I know you'll take care of the puppy just like you'll take care our future children. Have a nice day..." Nagpaalam na si Caleb.
Hindi tumawag sa kanya si Caleb maghapon. Hindi na rin naman siya umulit. Parang wala na siyang oras. Naging abala siya buong maghapon dahil sa tuta. Napaka-likot kasi nito.
Napabuntong-hininga si Serena. "The whole house is a mess!"
Tumingin si Caleb sa paligid. "Hindi naman, ah."
Inirapan ni Serena ang asawa. "Siyempre, naglinis rin ako. Hindi ko matiis na madumi ang bahay. Naka-limang tae lang naman siya sa loob ng bahay ngayong araw. Isa pa, paano kung maapakan ng tuta ang tae niya? Edi paliliguan ko na naman siya. Ayaw niya ng tubig. Hindi ko naman siya gustong itali at ikulong. Dogs should not be treated like that."
Ngumisi si Caleb. "Mukhang kilalang-kilala mo na siya."
"Pasaway siya. Nginatngat niya ang dalawang floor mat. Naikuwento sa akin ni Manang noon na galing Europe pa raw ang mga iyon." Nailagay ni Serena ang kamay sa noo. "At hindi lang iyon. Naghukay siya sa may garden nang sandaling iniwan ko siya para maligo. Tumalsik ang mga lupa sa swimming pool na bagong palit lang ng tubig. Napakakulit niya. Attention-seeker siya."
"She sounds like you then," nakangising wika ni Caleb.
Bumuntong-hininga si Serena. Ang tuta ang karma niya sa mga kalokohan niya. At kahit naroroon na si Caleb ay hindi pa rin tapos ang kakulitan ng tuta. Dahil sandaling nawala ang tingin sa tuta ay hindi niya napansin na nagpunta pala ito sa magazine rack. Nakita na lang niyang nasa bibig na ng tuta ang photobook niya ng Super Junior.
Hinabol ni Serena ang tuta. Pero pinairal pa rin nito ang kakulitan. Ayaw nitong ibigay sa kanya ang photobook.
"Oh, shit! That's my favorite, Pao-pao!"
Nang makuha ni Serena ang photobook ay huli na ang lahat. May sira na iyon. Nainis siya. Pinaka-ingat-ingatan pa naman niya iyon. Limited edition iyon. Binili rin iyon ni Caleb para sa kanya. "Bad dog. Mommy is cross with you,"
Humalukipkip at sumimangot si Serena sa harap ng aso. Nagpapaawang tumingin ang tuta sa kanya. Natunaw ang puso niya.
"'Wag mo akong tignan ng ganyan. Galit talaga ako." Pinilit na pinanaig ni Serena ang galit. But then, the puppy is adorably cute. Mahirap magalit.
"You are not." Natatawang wika ni Caleb. Niyakap siya nito mula sa likuran. "I like your progress. And I like the name you named him. It's cute."
Inirapan ni Serena ang asawa. "Muntik ko na siyang tawaging Caleb. You're both annoying."
"Or maybe, you both adore us..." Ngumiti si Caleb. Kinindatan siya nito. Muntik na tuloy siyang mapa-oo.
Doon na napansin ng tuta si Caleb. Nilapitan nito ang asawa niya. Umikot-ikot ito sa lalaki.
"Sounds like he recognized his daddy. Hello baby Pao-pao. Kumusta ang araw mo?" Binuhat ni Caleb ang tuta. Dinilaan nito ang pisngi ng asawa. Parang naging invisible na tuloy siya. Napunta na lang ang atensyon ni Caleb kay Pao-Pao. At ganoon rin naman si Pao-Pao kay Caleb. Naglaro na ang "mag-ama" niya.
Nasa dalawa lang ang atensyon ni Serena. Nakakatuwang tignan ang mga ito, lalo na ang kanyang asawa. Natunaw ang puso niya habang nakikita niya na masayang nakikipaglaro ito sa tuta. Maganda ang ningning ng mga mata nito.
Napaisip si Serena. Paano pa kaya kung sanggol na ang nilalaro ni Caleb? Hindi na siguro mawawala ang ngiti sa mukha nito. Nararamdaman niyang magiging isang mabuting ama ito.
Na-guilty si Serena. Dahil sa kanya ay hindi mararamdaman ni Caleb kung paano maging totoong ama. Hindi niya maibibigay ang bagay na gusto nito---isang anak at masayang pamilya. Naging malaki ang impact sa kanya ng kasalanan niya sa bunsong kapatid.
Naging mahalaga na si Serena kay Caleb. Pakiramdam niya ay mahal na rin niya ito. Napakadali lang na gawin noon. Napakabait at inalagaan talaga siya nito. He was almost perfect.
Pero kung mahal na niya si Caleb, bakit hindi niya maggawang ibigay ang gusto nito? Mas mahal pa rin niya ang sarili niya. Hindi niya kayang magsakripisyo para sa asawa.
Mali itong nararamdaman ni Serena. Mali rin ang kanyang ginagawa. Hindi siya deserved ni Caleb, lalo na ang naibibigay niya rito. Dapat ay palayain na niya ito. Pero sa isipin na hindi na naman niya ito makakasama at makikita ay parang pinapatay na rin ang puso niya.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...