21. Revelation

17K 392 14
                                    

NAHIHIRAPAN si Caleb na makitang sinisira ni Serena ang sarili. At dumagdag pa sa paghihirap niya ang katotohanan na siya ang may kasalanan ng lahat ng iyon.

Hindi naging maingat si Caleb. Maaari naman na nasira ang condom nang maihagis niya at hindi habang inaangkin niya si Serena. Pero ang posibilidad na puwede pa rin niyang mabuntis ito ay malaki ang impact sa asawa...

"Hindi ako puwedeng magkaanak! God, ayaw kong magkaanak!" Umiiyak ng wika ni Serena. Pakiramdam niya, ano mang oras ay maglulupasay na ito. Natataranta ito.

Pinakalma ni Caleb ang asawa. Niyakap niya ito. "Hush. There's just a little chance na---"

"Pero may chance pa rin!" Sinuntok ni Serena ang dibdib niya. "Niloko mo ako! Ang sabi mo ay ikaw ang bahala sa lahat! You should take care of it!"

"Serena..."

"Hindi puwedeng mangyari sa akin ito. Hindi ako puwedeng maging ina. Hindi ko kakayanin ang responsibilidad noon."

"It's okay. Nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Kasama mo naman ako sa responsibilidad---"

"Hindi mo ako naiintindihan."

Hinalikan ni Caleb ang noo ng asawa sa kabila ng pagpupumiglas nito. "Naiintindihan kita. Bata ka pa kaya mahihirapan ka na harapin iyon. And you are a millennial. Most of you are spoon-fed. Hindi kayo ganoong kasanay sa responsibility. But I trust you, Selena. I know you'll be a wonderful mother."

"Hindi. I'd be a total nutcase. Maraming puwedeng masamang mangyari sa isang bata. Hindi ko kaya ang responsibilidad na mag-alaga noon. What if he or she got sick because of me? What if an accident happen?" Nanginginig na si Serena sa takot.

Tuluyan ng kumawala si Serena sa bisig ni Caleb.

Simula nang araw na iyon ay inilayo na ni Serena ang sarili kay Caleb. Ayaw na nitong magpakita sa kanya. Umaalis ito ng bahay ng walang paalam. Hindi rin niya makontrol ito.

Dahil nakokonsensya ay hindi na lang pinigilan ni Caleb si Serena. Pero hindi ibig sabihin noon ay pinabayaan na talaga niya ito. Naka-track pa rin sa kanya ang cell phone ng asawa. Bukod roon, pinapasundan niya rin ito ng palihim sa isang body guard para masigurado ang lagay nito. Ngayong araw naman ay siya mismo ang sumunod rito.

Nami-miss na ni Caleb ang dating asawa. Pero sa ngayon ay hanggang ganoon lang ang magagawa niya. Naniniwala siya na kailangan pa nito ng oras. Nasaktan niya ito.

So far, ang pinakamasama na nakita ni Caleb kay Serena ay ang pag-iinom nito. Ngayong araw ay ganoon rin ang nangyari. Nakita niya kung paano ito lumabas sa bar. Mapula ang mukha nito. Mahahalata na marami itong ininom. Sumakay ito ng taxi pagkalabas. Pinasundan niya ang taxi sa driver niya.

Hindi sa bahay pina-diretso ni Serena ang taxi. But the place was familiar. Iyon ang lugar kung saan niya unang nakita si Serena.

Bumaba si Serena ng taxi. Pumunta ito sa pamilyar rin na spot. Naroroon pa rin ang dalawang bata na tinulungan nito.

Napababa si Caleb sa sasakyan niya. Hinintay niya ang gagawin ni Serena. Pero hindi ito lumapit sa mga bata. Nakatingin lang ito sa mga iyon.

Napansin ng bata si Serena. Hawak-hawak nito ang sanggol na binuhat ni Serena noon. Nagliwanag ang mukha nito. "Ate, ikaw iyong tumulong sa akin na patahanin si Charlie!"

Tinitigan lang ni Serena ang bata. Nagkakawag naman ang sanggol. Mukhang nakilala rin nito si Serena.

Pero nanatili na walang reaksyon si Serena. Nagsimula ng umiyak ang sanggol.

"Ate, tulungan mo naman ako---"

Naningkit ang mata ni Serena. "Malaki ka na. Kapatid mo 'yan. Responsibilidad mo na alagaan 'yan!"

Ikinagulat ng bata at pati na rin ni Caleb ang reaksyon ni Serena. Malapit lang siya sa mga ito kaya naririnig at nakikita niya ang nangyari. Malakas rin ang boses ni Serena. Halatang galit ito. Bukod pa roon ay nasa harap rin ng ilaw ang mga ito kaya malinaw na nakikita niya ang lahat.

Hindi ganoon ang inaasahan ni Caleb na magiging reaksyon ni Serena. Hindi iyon ang nakita niya dati. Bakit nagkakaganoon ang asawa?

Hindi na natiis ni Caleb ang nangyayari. Nilapitan na niya si Serena. "Serena, you are not okay."

Nagulat si Serena. Pero mabilis rin naman itoong nakabawi. Naningkit ang mata nito. "Ikaw ang dahilan noon!"

"It's been just days. Hindi pa natin sigurado ang lahat---"

"Layuan mo ako. Manloloko ka!" Tumakbo palayo si Serena.

Hinabol ni Caleb ang asawa. Niyakap niya ito. "It was just an accident. Hindi ko naman ginusto iyon."

"I can't be pregnant! You can't force me..." Umiiyak na ang babae.

Natunaw ang puso ni Caleb. Napalunok siya. "W-we have to talk about this. Lumalala na ang mga bagay."

Hikbi lang ang naging sagot ni Serena. Pinunasan ni Caleb ang luha nito.

"Bakit ba takot na takot ka na mag-anak? Bakit sinigawan mo ang mga bata? Kailangan mong sabihin sa akin, Serena. Nahihirapan na akong intindihin ka. Nahihirapan na ako sa sitwasyon natin."

"I-I've been on that situation. Kagaya ng bata sa kapatid niya..."

Kumunot ang noo ni Caleb. "Ikaw? Paano? You are an only child."

Umiling si Serena. "Hindi ka talaga marunong mag-research. Impulsive ka."

"Enlighten me then. Sabihin mo sa akin ang lahat ng hindi ko pa alam tungkol sa 'yo."

Tinitigan ni Serena si Caleb. Sinalubong niya iyon at hindi niya gusto ang nabasa. Takot at lungkot ang nakita niya roon.

At kahit nahihirapan ay pinilit pa rin ni Caleb si Serena. It was the only way to fix everything. "I'm hear to listen everything, wife. Wala kang dapat ikatakot. You can trust everything to me..."

Tumulo ulit ang luha ni Serena nang ibuka nito ang bibig. "Pinatay ko ang sarili kong kapatid." 

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon