18. Office

16.6K 432 19
                                    

NA-OVERWHELM si Serena nang magpalakpakan ang halos lahat ng nasa loob ng board room pagkatapos niyang mag-present. Maliwanag ang mukha ng mga ito.

"Very good presentation, Mrs. Imperial. No wonder Caleb is so smitten to you. Beauty na, with brains pa!" Kinindatan pa si Serena ng isa sa mga Vice President ng Caltronics.

"Salamat," Ngumiti si Serena.

Nagpatuloy ang papuri kay Serena. Maganda raw ang presentation niya para sa magiging bagong Marketing Strategy ng kompanya.

Naniniwala si Caleb na malaki ang impact ng Marketing sa Business. Ayon sa lalaki, dahil sa magaling na Marketing Team nito noon kaya nanguna ang Caltronics. Pero unti-unting nasira ang magandang team nang mamatay ang head. Ito ang pinaka-utak ng Marketing. Sinubukan naman na maghanap ng magaling na Marketing Head pero palpak lahat. Walang nakapantay sa galing ng dati. Hindi nagiging maganda ang pagtanggap ng tao sa mga sumunod na promotional advertisements ng kompanya.

"Gusto ko ang presentation mo, Mrs. Imperial. It was really in the now," wika pa ng isa sa mga vice president tungkol sa theme ng mga Marketing Strategies na pr-in-esent niya. Malaking parte ng presentation niya ang Social Media.

Pinag-aralan ni Serena ang history ng marketing strategies ng kompanya. Mahina iyon pagdating sa usapin ng Social Media. Doon siya nag-focus. Sa panahon kasi ngayon ay masyadong patok ang Social Media. For other people, it was everything. "Tama ka. We have to be ATM or as you say, at the moment. Gusto ko rin ang mga tungkol sa video teasers."

"I totally agree. And we are not saying this because you are Caleb's wife. Nagulat nga kami. Hindi siya ganitong mag-isip. But I guess, iba talaga kapag millennial. Marami akong natutunan. Mukhang ganoon rin ang board. We will implement what you presented. That's for sure." Kinamayan pa siya ng isa rin sa mga Vice President. May limang Vice President ang Caltronics.

Maganda ang ngiti ni Serena. For the first time, nagamit niya ang degree niya. Pinagkatiwalaan rin siya ni Caleb na makakaya niya.

Serena succeed without the help of others. Mag-isang pinaghirapan niya ang pag-aaral at paggawa ng presentation. Hindi nakialam sa kanya ang asawa. Kahit ngayon ay hindi rin siya tinulungan ni Caleb. Wala rin kasi ito sa meeting dahil may importanteng video call meeting ito sa isang business client na nasa Singapore.

Wala ring kinalaman ang ama ni Serena sa success niya ngayon. Parte na ito ng kompanya dahil merged na SV Electronics at Caltronics. Pero wala ito sa meeting. Hindi na rin naman niya inalam ang dahilan. Mas okay at mas masaya pa nga siya na wala ito roon. Matagal ng hindi maayos ang relasyon nila. Baka sakaling nasira pa ang presentation niya kung naroroon ito.

Nang makabalik si Serena sa naging cubicle niya sa nakaraang linggo ay kumalat na ang balita tungkol sa successful niyang presentation. Nakatanggap siya ng maraming papuri. Naging maganda lalo ng mood niya. Pero ang pinaka-nakapagpaganda ng mood niya ay nang tawagan siya ni Caleb at pinapapunta sa office nito. Halos uwian na iyon. Pero naiintindihan naman niya kahit late na siyang nakausap nito. Nasabihan na rin kasi siya ng asawa. Mahirap raw kausap ang ka-meeting nito.

"Congratulations, wife. I'm so proud of you..." Bungad na wika ni Caleb at hinalikan siya. Malalim ang naging halik nito. Parang mauubusan siya ng hininga.

Parang sabik na sabik si Caleb sa paghalik sa kanya. Ganoon rin naman si Serena. Gustong-gusto rin niya ang pakiramdam na magkalapit ang labi nila at pati na rin ang katawan. At mukhang nahawa roon si Caleb. Nag-umpisang maging malikot ang kamay nito, kasabay rin ng paglalakbay ng labi nito.

Mula sa mukha ni Serena ay bumaba ang kamay ni Caleb sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. It went out to her nape, shoulders, and now, it was almost on her breasts. His lips kissed her neck.

"Caleb..."

"Hmmm..." Parang musika ang ungol na iyon ni Caleb. It made her shiver and hot at the same time. Hindi siya makapag-isip ng ayos sa overpowering na sensation na pinaparamdam sa kanya ng asawa.

Dapat ay pigilan niya si Caleb. Ramdam niyang hindi lang mauuwi sa simpleng lambing at halik ang ginagawa nito. Oo nga at inaayos nila ang relasyon nila. Pero handa na ba siya na ibigay ang buong sarili niya sa lalaki? Handa na ba siyang dalhin sa ibang level iyon?

Marami pang tanong ang pumasok sa isip ni Serena. Pero mas makapangyarihan ang puso at tawag ng laman niya. Hindi niya masaway si Caleb. Gusto rin niya ang ginagawa nito.

"You are driving me crazy, wife..."

Tumigil si Caleb para sabihin ang salitang iyon. Tinitigan siya nito. Sinalubong niya iyon at para siyang matutunaw.

For a minute, nagtitigan lang silang dalawa ng asawa. Pero mas pinag-init lang siya nito sa ginagawa nila.

Naputol lang ang pagtitigan nila nang halikan siya ulit ni Caleb. Mas malalim at mas mainit na iyon kaysa sa kanina. Napapikit at narinig rin ni Serena ang sarili na umuungol.

"You want this, too. I am driving you crazy, too." Tila siguradong-sigurado na wika ni Caleb.

"Yes. P-pero sa tingin ko ay hindi pa ako handa, Caleb. Natatakot ako..."

"A-am I going to be the first?"

Huminga nang malalim si Serena. "I might be a lot of things but I took this one seriously. Walang kahit sino man, Caleb."

"I'm glad to know about that." Ngumiti ang lalaki, pero hindi na iyon masuyo, kagaya ng kadalasan na ngiti nito. Mainit at nakakaloko ang ngiti nito ngayon. "Wala kang dapat ipag-alala, wife. Kilala mo na ako. Pagkatiwalaan mo ako. I will be gentle. I can't afford to hurt you. Ikamamatay ko kung masasaktan ka."

"B-but doing that, we can produce a child. Alam ko na gusto mo noon. But I can't. Ayoko."

Natigilan si Caleb. Nawala rin ang ngiti nito. Sumama ang pakiramdam ni Serena. Maintindihin si Caleb. Pero hindi naman palaging ganoon 'di ba? May gusto at kailangan rin ito. Inamin na nito iyon sa kanya. Hindi niya kayang ibigay iyon rito.

Pero maya-maya ay huminga nang malalim si Caleb. Mukhang kinalma muna nito ang sarili. "All right. Naiintindihan ko."

"It doesn't look like that to me..." Hindi pa rin bumabalik ang masayang aura ni Caleb.

"Kailangan kong intindihin, Wife. Pero ang pagnanasa kong ito sa katawan mo, ito ang magiging mahirap intindihin kapag hindi napagbigyan. Siguro ay naiintindihan mo rin naman iyon 'di ba?" Inilapit pa lalo ni Caleb ang katawan sa kanya. She felt his hard erection.

Nag-init ang katawan ni Serena. Maaaring inosente pa siya sa ibang bagay pero alam niya ang ibig sabihin noon.

"I need you, Caleb..."

"Ako rin. But we will make every thing right, my rebellious yet very beautiful wife..." wika ni Caleb at lumayo sa kanya.

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon