SATURDAY afternoon. Walang pasok si Caleb sa trabaho pero sandaling umalis ito. May sandaling meeting lang ito sa labas sa lawyer nito para sa ilang legalities ng properties. Samantalang si Serena naman ay naiwan sa bahay kasama si Pao-pao. Nakabalik na rin ang mga kasambahay sa bahay. Isang araw lang na pinag-day off ito ng asawa para subukan siya sa pag-aalaga ng tuta na mag-isa.
Naka-focus ang atensyon ni Serena kay Pao-pao simula nang dumating ito sa buhay nila. In fact, hindi na siya ulit bumalik sa kompanya ng asawa nang dumating ito. At hindi na pag-iinarte ang dahilan niya. Gusto niyang personal na alagaan ang tuta. Wala namang reklamo roon si Caleb. In fact, nagustuhan pa nito iyon. It's like being a traditional wife. Tinatawag-tawagan na lang siya ng Marketing para kumonsulta sa mga projects.
Pero siyempre, hindi pa rin nalilimutan ni Serena ang asawa. Inaasikaso rin niya si Caleb. Pinagluluto na ulit niya ito. And today was a proof of that---sort of. Ang kaibahan nga lang sa dati, hindi lang si Caleb ang pinagluluto niya. It was for the whole family.
Nag-suggest ng picnic sa garden si Caleb. Celebration na rin daw iyon dahil second "weeksary" na ni Pao-pao sa kanila. Nag-iihaw siya ng barbeque. Samantalang ang ibang kasambahay naman ay nagluluto ng spaghetti sa loob. Dadaan rin daw si Caleb sa bake shop para bumili ng cake ni Pao-Pao.
Baby na ng pamilya si Pao-Pao. Lahat ay giliw na giliw sa tuta. Masiyahin at malusog ito. Pero sa kasalukuyan ay tulog ang tuta sa sarili nitong higaan sa may garden rin ng bahay. Napapangisi na lang si Serena. Nakakahalata yata na naghanda sila ng party para rito kaya natulog ang tuta para magka-energy.
Hinayaan na lang ni Serena ang tuta. Nag-focus siya sa pagluluto. Tinitignan-tignan rin niya ang tulog na alaga. He looked adorably cute while sleeping. Napakapayapa rin nito. Napakagaan ng pakiramdam niya. Naging busy man siya dahil malikot ito ay masaya siya. Nawala sa isip niya ang takot sa isang responsibilidad. Everything is doing well with Pao-pao.
Nawala lang ang focus ni Serena nang may makitang palaka sa garden. Natigilan siya. Naalala niya ang sinabi ng veterinarian sa kanila tungkol roon. Makakasama raw iyon para sa aso. May lason daw na dala ang ilang palaka.
Ginawa ni Serena ang kailangang gawin. Prevention is better than cure---ika nga. Itinigil niya ang pagluluto ng barbeque. Kinuha niya ang net sa garden at hinabol ang palaka. Hinuli niya iyon at pinaalis sa garden nila. Mahirap na at baka mapag-interesan pa iyon ni Pao-pao.
Napaalis naman ni Serena ang palaka. Nakahinga siya nang malwag. Pero mabilis rin na nanikip ang dibdib niya nang makitang gising na si Pao-pao---at tumatakbo ito patungo sa swimming pool!
May tubig ang swimming pool. Pero hindi marunong lumangoy ang tuta niya. Malalim na parte rin ang tinatahak nito. Paano kung malunod ito?
Paano kung maggaya si Pao-pao kay Seb? Paano kung mamatay ito?
Napakalaki na ni Serena para pagkamali. She should be really responsible by now...
"Seb. Oh no, Seb---!" Sa pagkataranta, ibang pangalan na ang naisigaw ni Serena. Pinapaalala ni Pao-Pao ang nangyari sa kapatid niya.
Mabilis na tumakbo si Serena papunta sa swimming pool. Hinabol niya ang hindi nakikinig na tuta. Pero kagaya noong una ay nahuli si Serena. Nakatalon na si Pao-pao sa swimming pool.
Naglaro sa isip ni Serena ang nangyari kay Seb. Nanghihina siya. Pero pinilit niyang lakasan ang loob.
Tumalon si Serena sa swimming pool. Lumubog ang tuta roon. Kahit siya ay lumubog rin sa lalim pero pinilit pa rin niyang tatagan ang sarili. Kinuha niya ang tuta. Nagkakahol sa ginaw ang tuta nang maiahon niya.
But at least, he is safe... Napangiti si Serena nang nagtagumpay siya sa pag-ahon sa tuta. Naglangoy siya papunta sa gilid para mailagay ito sa lupa.
Pero sa pag-ayos ng pakiramdam ni Pao-Pao ay siya naman na panghihina ni Serena. Naubos ang enerhiya niya sa pinaghalong takot, relief at ngayon ay sayang naramdaman. Hindi naulit ang pagkakamali niya.
Nailigtas ni Serena ang alaga. Pero mukhang ang sarili niya ay hindi. Kasabay ng panghihina ay ang nawalan siya ng malay sa swimming pool.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...