"MA'AM, magsasara na po kami."
Napakurap si Serena nang magsalita ang katabi sa book store kung nasaan siya ngayon. Hindi na niya namalayan ang oras. Alas nuwebe na pala ng gabi. Closing na ng book store.
"Bukas na lang po ulit kayo pumunta, Ma'am." Wika ng babae at iniwan na siya.
Napakagat labi si Serena. Ayaw pa sana niyang umalis. Pero napilitan siya. Wala na ngang tao sa book store. Nakaramdam siya ng hiya. Sa tagal niya sa bookstore, wala man lang siyang nabili. Wala rin naman kasi siyang pambili. Kailangan niya lang ng lugar na tatambayan.
Nakayukong umalis si Serena sa book store. Napatingala lang siya nang may nabunggo siya. Hindi pa sana niya gustong magtaas ng tingin kung hindi lang nagsalita ang nabunggo niya. Pamilyar sa kanya ang boses nito.
"Serena." It was Caleb's husky, smooth voice.
"A-anong ginagawa mo rito?" Magulo ang pakiramdam ni Serena. Pero mas lalong nagulo iyon nang makita si Caleb. Ayaw niya itong makita sa ngayon.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Umalis ka na naman ng walang paalam."
Blangko ang ekspresyon ni Caleb. Hindi tuloy masabi ni Serena kung galit ba ito sa ginawa niya. Pero malaki ang pakiramdam niya na galit ito. Tumakas siya sa bahay nito. Naging madali iyon sa kanya dahil sa paglipas ng mga araw, naging kampante ang mga tauhan sa bahay na nagiging maayos na siya. Inakala siguro ng mga ito na hindi na niya tatakasan ang mga ito. Wala rin ang security guard sa puwesto nang umalis siya.
"Pero paano mo nalaman na naririto ako ngayon? Iniwan ko ang cell phone ko. Hindi mo ako mata-track."
"Kanina pa ako rito." Sa halip ay sagot ni Caleb.
"Naisip mo na dito ako pupunta?"
Nagkibit-balikat si Caleb. "I know you love books more than you love the bar..."
Napakurap si Serena. Napansin kaagad iyon ni Caleb? Kung ganoon, mas nakita nito ang mabait na parte niya.
"Eh bakit hindi mo ako tinawag?"
"I wanted you to notice me first." Hinawakan ni Caleb ang pisngi niya. "Pinag-alala mo ako nang umalis ka na lang basta."
Inilihis ni Serena ang tingin. "Hindi ko kailangan ng pag-aalaga mo."
Hindi ko deserved iyon.
"Serena..."
"Iwan mo na---" Natigilan si Serena. Gusto ba talaga niya na iwan siya ni Caleb?
Tumiim ang bagang ni Caleb. "Hindi kita iiwan, Serena. Wala akong makita na rason para gawin ko iyon."
"Sinukuan na ako ng Daddy ko, Caleb. Bakit hindi mo maggawa?"
Nagkibit-balikat si Caleb. "Hindi ko rin alam,"
Pagak na natawa si Serena. "Matalino ka, Caleb. Hindi puwedeng wala kang sagot roon."
"Hmmm... siguro ay dahil masarap ka palang magluto?"
Nanlaki ang mata ni Serena. "Kinain mo ang niluto ko!"
Ngumiti si Caleb. "Of course. And I appreciate it, my wife. Ang hindi ko lang na-appreciate ay ang pag-alis mo na lang ng walang pasabi. Kung gusto mo na pumunta sa book store, sana ay sinabihan mo ako. Hindi naman ako magrereklamo. After all, I need to pay you with the food you cook."
"Responsibilidad ko bilang asawa mo na alagaan at pagsilbihan ka."
"At responsibilidad ko rin iyon bilang asawa mo. I have also vowed to be with you for better or for worst. Huwag mo ng hilingin na sukuan kita, Serena. Dahil hinding-hindi ko gagawin iyon."
Natulala si Serena. Napakasarap na marinig ng mga salitang iyon. Lumambot ang puso niya. Pero kapag nalaman pa kaya ng lalaki ang ibang bahagi ng buhay niya, magagawa pa rin kaya nitong sabihin iyon?
Masaya si Serena sa piling ni Caleb. Pero nasa puso niya pa rin ang takot. Pagkatapos ng lahat, minsan ay may isang lalaki na nagsabi na mahalaga at mahal siya nito. Pero nasira ang lahat dahil sa isang pagkakamaling naggawa niya.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...