NAISIP ni Serena na destined talaga na mag-dinner sila ng asawa ngayong gabi. Hindi siya nakatanggi rito. Paano kasi, nasira ang schedule niya. Routine niya tuwing Biyernes na pumunta sa bar kasama ang kanyang mga kaibigan. Pero nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi available ang mga kaibigan niya. Hindi naman niya gustong magpunta ng mag-isa sa bar. Boring iyon.
She had nothing to do. Nakatatak na sa utak niya na tuwing Biyernes ng gabi ay bar day niya. Pero dahil sa naudlot na lakad, pinagbigyan na lang niya si Caleb.
Pagdating ng alas sais ng gabi ay nakabihis na si Serena. Black turtle neck sleeveless at above the knee ang haba ng suot niyang dress. Tinernuhan niya rin iyon ng paborito niyang puting sneakers. Pero gaano man ka-fashionable, hindi iyon matched sa suot ni Caleb. He was wearing a black tuxedo at sa ilalim noon ay isang color turquoise blue na polo. Pormal na pormal ang suot nito. Parang pupunta sa isang formal event ang lalaki.
Kunot na kunot ang noo ng asawa nang makita ang ayos ni Serena. "Saan ka pupunta?"
Tinaasan ni Serena ng isang kilay si Caleb. "Ikaw ang saan pupunta?"
"I'm dressed like this because of our dinner date. But your dress, I don't think that's a proper one." Napangiwi si Caleb habang nakatingin sa sneakers niya. "Papasukin ka kaya ng maitre' d sa itsura mo na 'yan?"
"This is a casual dress and get-up. It's the in thing now,"
"Hindi para sa akin."
Humalukipkip si Serena. "Wala kang fashion sense,"
Bumuntong-hininga si Caleb. "I intend to dine you in a formal restaurant, Serena. So please, magpalit ka ng damit."
"And I intend to not dine with you in a formal restaurant, Caleb."
"Mas makakapag-usap tayo nang maayos kung doon tayo pupunta."
"Mas makakausap mo ako nang maayos kung hindi tayo doon pupunta,"
Naningkit ang mata ni Caleb. Ramdam niyang nauubos na ang pasensya nito sa kanya. Pero hindi "rebel" na maituturing si Serena kung basta-basta na lang siyang magpapatalo. Pinaningkit rin niya ang mata.
Nagkasalubong ang tingin nila ni Caleb. Habang nagtatagal ang pagmamatigasan nila ng tingin ay unti-unti naman na nararamdaman ni Serena na puwede siyang matalo. Nanlalambot ang tuhod niya sa tingin ni Caleb.
"Fine. Name your place." Na-relieve si Serena nang si Caleb rin ang unang sumuko. Inilihis rin nito ang tingin sa kanya.
Hindi siya dapat magpatalo kay Caleb. Given ng guwapo ang lalaki at mukhang attracted siya rito. Pero hindi dapat nito makuha ang gusto nito sa kanya. Well, hindi kaagad-agad. She maybe a lot of things. Pero hindi siya cheap.
Sa isang tao lang natatalo si Serena. Hindi na niya gustong maulit pa iyon.
Inisip ni Serena ang offer ni Caleb. At naisip rin niya na puwede rin naman pala niyang gawin ang nasirang schedule.
Hindi naman siguro magiging boring kung makakasama ni Serena si Caleb sa bar.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...