NAGKAMALAY si Serena sa isang hindi pamilyar na kulay puting kuwarto. Nakita niya si Caleb sa tabi niya. Hinawakan at pinisil nito ang kamay niya nang makitang gising na siya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Pinakiramdaman ni Serena ang sarili bago sumagot. "I-I'm fine. Dinala mo ako sa ospital?"
Tumango si Caleb. "Nawalan ka ng malay sa swimming pool. Hindi ka maggising. I panicked."
Naalala na ni Serena ang mga nangyari. Napakurap siya. Tumingin rin siya sa paligid. Sinakop ng pag-aalala ang puso niya. "Si Pao-Pao? Kumusta siya?"
Ngumiti si Caleb. Binitawan nito ang kamay niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "He's fine. Iniwan ko siya sa mga kasambahay."
Nakahinga nang maliwag si Serena. "'Buti naman."
"Yeah, 'buti nga at nakaligtas siya. Pero ang ginawa mo, iyon ang hindi mabuti. It's very silly!"
"Kailangan kong iligtas si Pao-Pao!"
"At your own life's expense? That's ridiculous..."
Naiyak si Serena. "I-it's like saving my own brother's life, too."
Niyakap siya ng asawa. "Yes. Pero paano kung ikinamatay mo iyon? Nawalan ka ng malay sa swimming pool. I couldn't lose you, Serena."
Tiningala ni Serena ang asawa. "Umiiyak ka rin."
"Siyempre. Tinakot mo kaya ako. Napaka-importante mo sa akin. Baka ikamatay ko kung kuhanin ka sa akin. I love you so much, wife."
"M-mahal mo ako," Parang mahihimatay ulit si Serena sa narinig mula sa asawa.
"O, bakit mukhang takang-taka ka? You put me through hell and yet I am still with you. Kailangan mo pa ba na magulat sa pagmamahal ko sa 'yo?
"I-I am just surprised..." Naiyak ulit si Serena. Niyakap niya si Caleb. "I'm sorry."
"Hush, 'wag ka ng umiyak. Ang importante ay buhay ka. Nakita ka agad ni Manang at nakuha ka sa tubig. Mabilis ka rin namin na nadala sa ospital. And you said you are fine. Huwag mo na rin na isipin na pinag-alala mo ako dahil sa ginawa mo. Bukod kasi sa takot, nagbigay rin naman iyon ng pag-asa sa puso ko. Mahalaga sa 'yo si Pao-Pao. I knew it, you'll be a wonderful mother..."
"Mother..." Natulala naman si Serena. Naalala niya ang naging problema nila ni Caleb. Naisip niya ang nangyari sa kanya ngayon. Nahimatay siya. Paano kung hindi lang dahil iyon sa pinaghalo-halong emosyon? Paano kung sintomas na iyon ng isa sa mga ikinababahala niya? "M-may sinabi na ba ang Doctor sa lagay ko? Did he checked on me?"
"He did check pero wala pang resulta. Hindi na naman siguro importante iyon. Sabi mo ay okay ka na. Mas alam mo naman ang sarili mo 'di ba?"
"P-paano kung buntis pala ako, Caleb?"
It's been almost a month simula nang aminin sa kanya ni Caleb na maaaring mabuntis siya. Hindi pa dumadating ang monthly period niya. Pero irregular ang menstruation niya kaya hindi iyon sapat na basehan.
Napakurap si Caleb. "Tatanungin natin sa Doctor 'yan."
Tinitigan ni Serena ang asawa. May nabubuong takot sa puso niya. Pero nang ngitian siya ng asawa ay unti-unting natunaw iyon.
"Kailangan mo na maniwala sa akin at sa sarili mo. You deserved to be a mother, wife. You'll be amazing."
Hindi pa rin nagsalita si Serena. Lumalakas ang loob niya na may nagtitiwala sa kanya. Pero alam niya na may kulang pa rin.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...