11. The KPOP Concert

15.2K 399 26
                                    

MUNTIK nang mapairit si Serena nang makitang alas singko na ng umaga sa orasan niya. Para sa isang late riser na kagaya niya, masyado pang maaga iyon. Pero espesyal ang araw ngayon. Dapat ay kanina pa siya gising. Alas-tres pa lang dapat ng madaling araw ay naayos na niya ang sarili. Mas madali niyang magagawa ang pagtakas kapag ganoong oras na antok na antok pa ang mga tao. Bukod pa roon, kailangan rin niya na mapa-aga sa pila. Badtrip lang, hindi tumunog ang alarm clock niya sa tamang oras.

Pero naiinis man, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Serena. Mabilis na naligo at nagbihis na siya. Sa isip niya ay nagdadasal siya na wala sanang makakahuli sa pagtakas niya. Kailangan na niyang makaalis. Walang dapat na pumigil sa kanya.

Pero mahina sa Diyos si Serena. Pagkalabas pa lang niya ng kuwarto ay nakasalubong na niya si Caleb. Kunot na kunot ang noo nito nang makitang bihis na bihis siya.

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka ng pakialam roon!"

Tumakbo si Serena. Pero nahabol rin kaagad siya ng asawa. "Serena! Sagutin mo ako ng ayos!"

"Kailangan kong umalis. Mauunahan ako sa pila! Ang tagal kong hinintay ang araw na ito."

"Anong pila? At saan ka nga kasi pupunta?"

Napabuntong-hininga si Serena. Ayaw na sana niyang umamin. Kulang na siya sa oras. At baka lalo pa siyang kulangin ng oras kapag nagpaliwanag siya. Pero napilitan siya dahil nahuli na siya. Wala na siyang choice.

"Ngayon ang concert ng paborito kong KPOP Group---ang Super Junior. Kailangan kong mauna sa pila."

Lalong kumunot ang noo ni Caleb. "Hindi ko maintindihan. Gabi kadalasan ang mga concert. Ang aga mong mag-ayos. At teka, bakit kailangang pumila? Reserved seating na dapat 'yun."

"Standing ang ticket ko. Kailangan ko na makipag-unahan para siguradong sa pinaka-una rin ang puwesto ko. Walang reserved-reserved roon."

Nanatiling nakakunot pa rin ang noo ni Caleb.

"Ugggh! Sabi na nga ba at hindi mo ako maiintindihan. Pero iyon na iyon! Naka-track na naman ang cell phone ko sa 'yo. Kung nagsisinungaling man ako, malalaman mo rin kaagad 'yun."

"Pero paano kung may mangyaring masama sa 'yo sa concert na iyon?"

"Malaki na ako! Anong mangyayaring masama sa akin?"

Humalukipkip si Caleb. "Uso ngayon 'yung nagbebentahan ng drugs sa concert---"

Inikot ni Serena ang mata. "FYI, hindi ako nagda-drugs---"

"FYI?"

Napapadyak si Serena. "Shit, saan bang planeta ka galing?! Gaano ka ba katanda at hindi mo alam ang short term ng for your information..."

Nagkibit-balikat si Caleb. "Pero hindi pa rin kita papayagan na pumunta sa concert na mag-isa."

Naiiyak na sa inis si Serena. Magsasalita ulit sana siya pero naunahan rin siya ni Caleb.

"If you badly want to go to this concert, kailangang kasama ako."

Natulala si Serena. Ma-e-enjoy ba niya ang concert kung pakiramdam niya ay parang ama na niya kung mag-isip ang makakasama niya?

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon