"AKO NA ANG bahala kay Seb, Daddy." Masiglang wika ni Serena sa ama. Halatang nahihirapan na ang Daddy niya sa pag-aasikaso ng isang taong gulang niyang kapatid. Gusto niyang tumulong sa pag-aalaga rito. Ten years old na siya. Malaki na siya. Kaya na niya ang responsibilidad na iyon.
"Sigurado ka ba, Anak? Malikot ang kapatid mo. Baka hindi mo siya kayanin."
"I'm a big girl na, Daddy. Kayang-kaya kong alagaan si Seb." Kinindatan pa ni Serena ang ama. Itinaas rin niya ang kamay para makita ng ama na seryoso siya. Kinuha niya rito si Seb.
Bumuntong-hininga ang ama. "Sige na nga. Nag-aalala na rin kasi ako sa Mommy mo, eh. Pupuntahan ko muna siya."
"Okay, Daddy!" wika ni Serena. Ibinigay na ng ama ang kapatid sa kanya. Masayang nilaro niya si Seb.
Sinamantala ni Serena ang pagkakataon na makalaro si Seb. Kahit kasi araw-araw na magkasama sila sa bahay ay minsan lang niyang makalaro ang kapatid. Busy siya sa school. Ayaw rin ng Mommy niya na palaging laruin ang kapatid. Mahina kasi ang immune system nito. Madalas itong nagkakasakit. Para umiwas roon ay iniiwas rin ito sa tao. Madalas na ang Mommy o 'di kaya ay ang Daddy niya lang ang kasama at nag-aalaga rito. Wala silang kasambahay sa bahay na tumutulong sa pag-aalaga. Malaki na rin kasi siya para alagaan. Bukod pa roon, naniniwala ang Mommy niya na kaya nito ang lahat ng bagay. Mas gusto nitong ito lang ang gumagawa ng lahat sa bagay. Mahirap na raw kasi na magtiwala sa ibang tao.
Sa ngayon ay nilalagnat ang Mommy niya. Dahil roon, hindi nito maasikaso si Seb. Um-absent pa sa trabaho ang Daddy niya para may maalagaan ito. Kailangan rin na may tumingin-tingin sa Mommy niya.
Nakuha ni Serena ang perpektong pagkakataon para maging responsableng kapatid ngayon. Maipapakita niya sa magulang niya na puwede na siyang pagkatiwalaan at tumulong sa mga ito. Naniniwala kasi ang mga ito na bata pa siya para sa responsibilidad. Hindi pa siya mapapagkatiwalaan.
Pero hindi ganoon ang tingin ni Serena sa sarili. Matagal man siyang nasundan at naging baby siya ng magulang sa maraming taon ay big girl na siya. Kaya niyang alagaan si Seb. Babantayan lang naman ang kapatid. Hindi naman ito maligalig. Hindi rin ito malikot. Kapag umiyak ito, madali lang naman na tawagin ang magulang para tulungan siya.
Kalahating oras rin na kalaro ni Serena ang kapatid sa garden ng bahay nila nang may mag-door bell sa gate. Iniwan niya na naglalaro sa garden ang kapatid. Kapag kasi dinala niya pa ito sa gate ay mahihirapan lang siya. Mahirap buksan ang gate ng bahay nila. Natatanaw naman niya ito mula sa gate. Sisilip-silipin na lang niya.
Pagkabukas ng gate, nakita niy Serena ang kalaro niyang si Janice.
"Serena, may bike na ako!" Masayang pagbibida ng kaibigan.
Namilog ang mata ni Serena nang makita ang bike. Isa sa libangan niya ay ang mag-bike. Nalulungkot nga lang siya dahil wala siyang makasama sa pagba-bike. Si Janice lang ang kalaro niya sa subdivision nila. Ito lang kasi ang ka-edad niya roon at willing makipag-laro sa kanya. Pero ngayon ay hindi na siya malulungkot. May bike na rin si Janice.
Sinakyan ni Janice ang bike nito. Marunong na ito. Napalakpak siya sa tuwa. Nasabik rin siya.
"Wow, ang galing mo na! Ang ganda rin ng bike mo." Inikot pa ni Serena ang tingin sa bike. Kulay pink iyon. Ganoon ang gusto niyang bike.
"Siyempre. O, ano, bike na tayo?"
"Game!" Pumasok ulit si Serena ng bahay. Katabi lang ng gate ang bodega kung saan nakalagay ang bike niya. Kinuha niya iyon at nakipaglaro kay Janice.
Naikot na nila ang block nila nang magyaya pa nang mas malayo si Janice. Pero bago iyon ay tumigil muna ito. "Magpaalam muna tayo sa parents natin. Tatanungin ko rin ang kapatid ko kung gusto niya na sumama---"
"K-kapatid?" Nanlamig si Serena nang marinig ang salita na iyon. Nawala sa isip niya si Seb dahil nasabik siyang makipaglaro sa kaibigan. Iniwan niya ang kapatid sa garden nila na mag-isa!
Mabilis na bumalik si Serena ng bahay nila. Mabilis na hinanap niya si Seb. Nakita niya naman ito kaagad. Gumagapang ang kapatid patungo sa swimming pool ng bahay nila. Nanlaki ang mata niya nang maalalang wala nga pala iyong tubig.
Napakalakas ng tibok ng puso ni Serena. Malapit na si Seb sa swimming pool. Tinawag niya ito pero hindi ito tumigil.
Mabilis na tumakbo si Serena...pero huli na ang lahat.
Napasigaw si Serena. Sa halip na tubig, dugo at ang walang buhay na katawan ni Seb ang naabutan niya sa may kataasan rin na swimming pool.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...