24. Nurturing Instinct

15.7K 375 10
                                    

NAGISING si Serena na masakit ang ulo. Nadagdagan pa iyon nang pagbaba niya ng kuwarto ay may masamang amoy na sumalubong sa kanya. Tinawag niya ang mga kasambahay para malaman kung ano iyon. Pero walang ni isa ang lumapit sa kanya.

Napakunot noo si Serena. Inalala niya ang araw ngayon. Walang may day off sa mga kasambahay. Kanina pa rin dapat gising ang mga ito. Alas nuwebe na ng umaga.

Wala bang tao sa bahay?

Natigilan si Serena nang makitang hindi siya nag-iisa. Naramdaman niya ang balahibo ng isang hayop sa kanyang paa.

"Arf, arf!"

Nagulat si Serena. Bakit may tuta sa loob ng bahay?

Tumingin ulit sa paligid si Serena. Hindi niya pinansin ang tuta. Ngayon ay nakita na niya ang dahilan kung bakit may naamoy siyang mabaho. Tumae ang tuta----sa carpet mismo ng sala ng bahay! Nawindang siya.

"Bakit kasi may nakapasok na tuta rito? Manang! Manong!" Tumawag ulit si Serena. Umasa rin siya na kahit ang driver ay naroroon para sumagot ng katanungan niya. Pero wala pa rin na sumasagot.

Nagsisimula ng mag-init ang ulo ni Serena nang dilaan ng tuta ang paa niya. Inikot-ikutan rin siya nito na parang gusto na makipaglaro.

Hindi mahilig sa hayop si Serena. Pero bakit ang tutang ito ay parang gustong-gusto siya? To think na ito pa lang ang unang beses na nagkita sila.

Bumuntong-hininga si Serena. Sinubukan niyang pagbigyan ang tuta. Kinuha at binuhat niya ito. Lumakas ang pagkawag ng buntot nito. Nagulat rin siya ng dilaan nito ang pisngi niya.

"Stop!" Pilit na pinatigil ni Serena ang tuta. Pero hindi nito iyon naintindihan. Sa halip, pinagpatuloy nito ang pagdila sa kanya.

Pinigilan ni Serena na makiliti sa ginagawa ng tuta. Ayaw niyang tumawa. Malaki pa rin ang problema niya. Sa pagdating ng tuta ay madadagdagan pa iyon. Parang bata rin ang isang tuta. Kailangan pa itong bantayan. Mukhang malikot rin ito.

Natatakot si Serena sa responsibilidad ng pag-aalaga. Naalala niya ang minsang may nagtiwala sa kanya at pagsira niya roon. Pero sa huli ay hindi rin niya napigilan ang sarili. Napahagikgik siya sa ginawa ng tuta. Tumigil ang tuta sa pagdila sa kanya. Tumingin ito sa kanya.

Nagkasalubong ang tingin nila ng tuta. Makikita ang saya mula sa mata nito.

Serena felt good but scared at the same time.

"Haay, ano ba ang dapat kong gawin sa 'yo?" Huminga nang malalim si Serena. Sa ginawa niyang iyon ay nawala ang takot na nararamdaman niya. Instead, she felt a nurturing instinct insider her. It hit her so hard.

Napangiti si Serena. Niyakap at hinalikan niya ang tuta.

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon