NAPAKAGANDA ng ngiti ni Serena habang pinagmamasdan ang tulog na asawa. Mataas na ang araw pero tulog na tulog pa rin ito. Mali na sa oras ang tulog nito. Pero hindi naman niya ito masisisi. Kakagising lang rin niya. Pareho silang napagod ng asawa. They made love all night.
Nakangiti rin si Caleb habang tulog. She knew he felt the same happiness as she did. Gusto nila ang ginagawa nila. Gustong-gusto nila ang isa't isa.
Walang kahit anong pagsisisi na nararamdaman si Serena ngayong ibinigay na niya ang sarili kay Caleb. Hindi rin nito sinayang ang tiwala niya. Mas masaya pa kaysa sa inaasahan niya ang nararamdaman niya. He gave her wonderful surprises. Isa na roon ay ang araw ngayon....
"Anong tingin mo sa lugar na ito para sa mini-honeymoon nating dalawa?" Nakangiting wika ni Caleb pagkatapos nitong tanggalin ang blind fold sa mata niya. Mahigit treinta minutos rin siyang naka-blind fold dahil may sorpresa raw ang asawa.
"Mini-honeymoon?" Natawa si Serena. Ang buong akala niya ay magde-date lang sila ng asawa. Weekend ngayon kaya wala silang trabaho. Ngayong wala na siyang blind fold, nakita niya kung saan siya nito dinala. Nasa gitna sila ng karagatan. Nakasakay sila sa isang yate.
Tumango si Caleb. "Yes, mini-honeymoon muna. Next month pa ako makakapag-leave dahil medyo abala sa company."
Hinalikan ni Serena ang asawa. "Everyday with you is already a honeymoon, Bae..."
Hinawakan ni Caleb ang balikat ni Serena. "Bae? You mean, Babe?"
"Bae, as in before anyone else..." Pinindot ni Serena ang ilong ng asawa. "Generation X ka talaga."
"But you still enjoy being with me. We complement each other. I feel young when I am with you. Ang dami kong natutunan dahil sa 'yo."
And I feel good when I am with you...
Niyakap ni Serena ang asawa. It's been a week since she surrendered her body to Caleb. Wala siyang kahit ano na pinagsisihan roon. Masayang-masaya siya.
Hindi sinira ni Caleb ang tiwala niya. He gently made love with her. Wala itong ginawa na hindi niya nagustuhan.
"Ngayon ay sagutin mo na ang tanong ko. How's this place for you?"
"I guess, it's an instagram worthy scenery..." Totoo naman iyon. Maganda rin ang panahon.
Ngumisi si Caleb. "My Millennial Wife. Napakahalaga para sa 'yo ng Social Media. Palagi mo na lang iniisip ang Instagram feed mo."
"Selfie?" sagot lang ni Serena na mabilis rin naman na pinagbigyan ng Generation X niyang asawa.
Maaaring marami sila na pinagka-iba ni Caleb sa isa't isa. Pero sila ang perfect example ng kasabihan na "opposites attract". Tama si Caleb. They both complement each other. Bukod roon ay marunong rin na mag-adjust si Caleb. Napaka-maintindihin nito.
"Good morning, Bae..." Naka-pikit pa si Caleb nang sabihin iyon. Mahigpit na niyakap siya nito.
Napuno na naman ng kilig ang puso ni Serena. Ito ang unang beses na tinawag siya ng asawa na Bae. Alam na nito ang ibig sabihin. It made her happier. Ibig sabihin, importante rin siya rito. They were both each other's before anyone else...
"Yam..." Kiniskis ni Serena ang pisngi sa hubad na dibdib ng asawa. Parte iyon ng paglalambing niya rito.
"Hmmm... You're hungry?"
"No. It's just the abbreviation of you are mine." Kinindatan ni Serena ang asawa. Napahagikgik rin siya.
Natawa si Caleb. "'Dami mo talagang alam. But of course, I am yours, wife. And you are mine. Entirely and exclusively mine..."
It sounded so possessive. Nakakatakot at nakakasakal iyon. Pero hindi ganoon ang nararamdaman ni Serena. She wanted to be possessed by him. Only him.
Hinalikan ulit siya ni Caleb. At kahit sandali pa lang nang huling angkinin siya nito ay naroroon pa rin ang excitement. She trembled again with desire. Pero bago siya tuluyang angkinin nito ay may pinaalala muna siya sa asawa.
"Condom, please..."
Tumigil si Caleb. Kahit nakita niya sa mukha nito na naasar ito ay hindi niya pinansin. Ayaw niyang pansinin. May kondisyon siya rito. Ayaw niyang magkaanak. Hindi pa rin siya nakakapagpatingin sa Doctor para sa pills na puwede niyang gamitin kaya ang asawa pa rin ang in charge para sa proteksyon.
Sandaling lumayo si Caleb sa kama. Naghanap ito ng condom sa beside table ng kuwarto ng yate. Halos itapon na nito iyon sa pagmamadali para makuha lang ang kailangan.
"Shit," Napamura si Caleb kasabay ng pagsabunot nito sa ulo. "Ubos na pala ang condom."
Nadismaya si Serena. She was already turned on and so Caleb. Pero hindi na nila maitutuloy iyon. They can't have sex without protection. Hindi siya puwedeng mabuntis.
"But I can try the pull-out method---"
"No!" May risk pa rin na mabubuntis siya sa ganoong klase ng birth control method.
"But I can't wait to be inside you."
"Go to the bathroom then." Nag-lihis ng tingin si Serena. From being hot, she went cold. Kailangan niya iyon.
Mahalaga para kay Serena ang asawa. Pero mas mahalaga sa kanya na hindi siya magkaanak. Mas mabuti nang magtiis sila ngayon kaysa sa magsisi sa huli.
Hindi nito tinago ni Caleb ang pagkaaasar kay Serena. Tumiim ang bagang nito. Pero sa huli ay sinunod rin naman siya nito. Tumayo ito sa kama. Pero bago pa man ito tuluyan na makapunta sa banyo ay tumigil ito. Matagal-tagal rin iyon. Nagtaka si Serena, lalo na nang may pulutin si Caleb sa sahig.
"Caleb? Ano 'yang---"
Naputol ang sasabihin ni Serena nang humarap sa kanya ang asawa. Isang gamit na condom na ginamit nito ang nasa kamay. Kung saan-saang parte na lang kasi ng kuwarto itinatapon ang naggamit nitong condom.
"It's broke..."
Napuno ng takot ang puso ni Serena. "A-anong ibig mong sabihin?"
"I'm not sure kung nasira ito dahil sa pagtapon ko o---"
"Teka! Huwag mong sabihing puwede akong---"
Hindi na naituloy ni Serena ang sasabihin. Damn it, hindi siya puwedeng mabuntis!
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...