23. The Lost Puppy

16.6K 373 13
                                    

TULOG at mukhang payapa na ang mukha ni Serena. Pero kahit mag-iisang oras ng nasa ganoong kalagayan ang asawa ay hindi niya pa kayang kumalma. Nawiwindang pa rin siya sa nalamang nakaraan nito. Napakasakit ng pinagdaanan nito. Sa mga nalaman ngayon ay lubos na niyang naiintindihan kung bakit naging rebelde ito.

"Napakabata mo pa noon. Hindi mo ginusto iyon..." Pagpapakalma ni Caleb sa asawa. Napakarami ng iniyak nito habang nagkukuwento.

"Kahit anong paliwanag ko, hindi ako pinakinggan ng magulang ko. Palagi akong talo kay Daddy." Umiiyak pa rin na wika ni Serena. "May punto naman si Daddy. Ako mismo ang nagsabi na aalagaan ko si Seb. Kinuha ko ang responsibilidad pagkatapos ay hindi ko naman pala kaya. Isa pa, malaki na ako. Dapat ay hindi ako nakalimot. Inuna ko ang laro kaysa kay Seb. Galit na galit sa akin si Daddy."

"At ang Mommy mo? For sure ay naintindihan ka rin niya."

"Hindi na niya naggawa pa. Dahil sa oras na malaman niya ang nangyari kay Seb ay sumunod siya sa kapatid ko," Lalong lumakas ang iyak ni Serena. "Hindi ko lang pinatay ang kapatid ko! Pinatay ko rin ang Mommy ko! Sinira ko ang pamilya ko..."

"Oh God..." Parang sasabog ang puso ni Caleb sa mga pasabog ni Serena.

"Hindi lang simpleng lagnat ang dahilan kung bakit nilalagnat noon si Mommy. Apparently, symptoms na iyon na may sakit siya sa puso. Inatake siya nang malaman niya ang nangyari kay Seb."

"I-I don't know what to say..."

"You don't have to say anything. Pagkatapos ng lahat, ganoon rin si Daddy sa akin. Nang mawala si Mommy at si Seb ay halos hindi na niya ako kilalanin bilang anak niya. Wala na ang lalaking nagsabing mahal at mahalaga ako sa kanya. Maraming taon na hindi siya personal na nakipag-communicate sa akin. At nang gawin niya ulit iyon, purong masama lang na mga salita ang naririnig ko sa kanya. Pakiramdam ko, kasama ng kapatid at Mommy ko ay nawala rin ang Daddy ko sa akin."

"At dahil roon kaya nagrebelde ka?"

"Gusto kong kuhanin ang atensyon ni Daddy...." Kinagat ni Serena ang ibabang labi.

"Hindi mo ba naisip na mas makakasama lang sa relasyon niyo iyon? Naging pasaway ka."

"Naisip ko iyon. Naging mabuti naman akong anak. I've been the valedictorian of our high school class. Naging scholar pa nga ako sa isang magandang university. Pero walang pakialam doon si Daddy. Ni isang congrats ay wala akong narinig sa kanya. Hindi niya pa rin ako pinapansin. Until I tried becoming a bit of naughty. I went to a bar. Nalasing ako at halos hindi na nakauwi sa bahay. Doon ay naggawa akong pansinin ni Daddy. Pinagalitan niya ako. Pero masaya ako dahil pinansin niya ako. Kaya tumatak sa isip ko na mabuti pa kapag gumagawa ako ng masama ay napapansin ako ni Daddy. Samantalang kapag gumagawa ako ng mabuti ay hindi..."

"Serena..." That was a very stupid reason. Pero naiintindihan rin naman niya ang asawa. Ang tanging gusto lang nito ay ang mapansin ng ama. Desperada na ito para roon.

"I'm an irresponsible daughter. Kaya hindi mo ako masisisi kung matakot ako na maging isang ina. Pinabayaan ko ang sarili kong kapatid. Pinatay ko siya. There's a huge chance na magagawa ko rin iyon sa anak ko. Hindi ko na gustong maulit iyon."

"But you try to care for those street children. There's still good in you, Serena."

"Naalala ko lang ang kapatid ko sa sanggol na iyon. I missed him so much. Pero hindi ko pa rin gusto na magkaroon ng ganoong responsibilidad ulit. Hindi na ako nagtitiwala sa sarili ko."

"Nagtitiwala ako sa 'yo."

Inilihis ni Serena ang mukha. "Kulang ang pagtitiwala na iyon para maniwala ako sa sarili ko. Hindi ako responsableng tao. Hindi ko magagawa ang isang responsibilidad ng isang ina. Hindi ako puwedeng maging ina. Masasaktan ko lang ang anak ko."

Mukhang determinado si Serena sa desisyon. Pero alam ni Caleb na may magagawa siya. Puwede niyang baguhin ang paniniwala nito. Gusto niya. Hindi lang rin naman kasi iyon para sa ikabubuti niya. Para sa ikabubuti rin iyon ng asawa. Kailangan niyang alisin ang guilt sa puso nito. Habang naroroon ang guilt, hindi ito lubos na magiging masaya.

Inisip ni Caleb kung paano niya sisimulan ang pag-aayos sa buhay ng asawa. Mabilis rin siyang nakakuha ng sagot roon. Pero gabing-gabi na kung sisimulan niya na iyon ngayon. Puwedeng bukas na lang. Pero naisip rin niya na masyado na niyang pinatagal ang lahat. Matagal na rin ang bigat sa loob ni Serena. He had to fix everything as soon as possible.

And so he did.

Mahimbing na ang tulog ni Serena kaya hindi na ito naggising nang bumangon siya ng kama. Hindi na talaga niya ipagpapabukas pa ang lahat.

Lumabas pa rin si Caleb ng bahay kahit pagod na. Gusto niyang kausapin ng personal ang ama ni Serena. Pero hindi pa man malayo ang nada-drive ay may nakasalubong si Caleb na sa tingin niya ay mas sasagot sa problema niya.

Tumigil sa pagda-drive. Kinuha niya ang ligaw na tuta na nakasalubong. Bumalik siya ulit sa bahay.

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon