"GOOD morning?!" May pag-aalinlangan sa boses ni Serena nang batiin si Caleb. Alinlangan rin ang ngiti niya. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng asawa ngayong nasaksihan nito ang ginawa niya.
"Good morning indeed." Nawala ang kaba sa puso ni Serena nang ngitian siya ni Caleb. Napakaganda at matamis ang ngiti nito. Ipinaglipat-lipat nito ang tingin sa pagkain at pati na rin sa kanya. Nilapitan siya nito.
Nakahinga nang maluwag si Serena. "Kain ka na,"
"I'd love to. Pero may isang gusto muna akong kainin bago iyan..." Hinapit ni Caleb ang baywang ni Serena. Hinalikan siya nito.
"Caleb, nagmumog lang ako! Hindi pa ako nagtu-toothbrush!" pulang-pula ang mukha ni Serena.
"It doesn't matter. It's still sweet as ever, wife." Hinaplos ni Caleb ang pisngi niya. "And as always, you look lovelier when you blush."
Lumakas na naman ang tibok ng puso ni Serena. Nag-init pa lalo ang pisngi niya. Hindi na rin niya pinigilan ang sarili na kiligin at aminin iyon. Kahapon ay nagkaroon na sila ng usapan ng asawa...
"It is like this..." tila siguradong-sigurado na wika ni Caleb nang halikan siya nito kahapon sa kotse. "Gusto mo rin ito. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso mo."
"Caleb..." Hindi maintindihan ni Serena ang damdamin. Kinikilig siya pero at the same time, nahihiya rin siya. Hindi niya napigilan ang sarili niya. Nahalata siya. Hindi dapat ganoon. Ano na lang ang iisipin ni Caleb? Paano kung lumaki ang ulo nito kapag nalaman na gusto rin niya ito? She doesn't want to be abused.
"Arranged marriage ang nangyari sa atin. Well, more on like I purchased you as a wife. Pero puwede naman nating ayusin ang relasyon natin 'di ba?"
"H-hindi ko sigurado---"
Hinawakan ni Caleb ang kamay ni Serena. "May nararamdaman ka rin sa akin, Serena. Nararamdaman ko. At aamin na rin ako. Ganoon rin ako sa 'yo. I have special feelings for you. Kaya may gusto sana akong ipakiusap sa 'yo.
"Let's make a truce, wife. Let's make this relationship work..."
Buong gabi na pinag-isipan ni Serena ang gusto na iyon ni Caleb. May pag-aalinlangan siya. Pero malaking bahagi niya ang gustong pagbigyan ito. Gusto niyang mapalapit pa kay Caleb.
Gustong pagbigyan ni Serena ang sarili. Gusto niyang sumubok na maging mabuti ulit. Paano kung ito na ang panibago niyang pagkakataon para sa isang maayos na buhay?
Siguro nga, kahit ano pang kabaitan ni Serena, hindi na niya mabubura ang nakaraan. Pero kapag naging mabait siya sa isang taong mabait sa kanya, magbibigay iyon ng magandang alaala. Isa pa, deserved rin iyon ni Caleb. Hindi man niya deserved ang asawa, hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya gagawin ang mga bagay na nararapat para rito.
"Thank you..."
"Don't. Kailangan mong masanay, or else ay araw-araw ka na magpapasalamat sa akin..."
"All right," Ngumiti si Serena.
"And you look very beautiful when you smile. Palagi mong gawin 'yan, ha?" Kinindatan pa siya ni Caleb.
Kinilig na naman si Serena. Mas lumaki ang ngiti niya. Hinalikan ulit siya ng asawa. Umaga pa lang, parang kompleto na ang araw niya. Kotang-kota na siya.
"Now, let's eat together."
Ipinaghanda ni Serena ng pagkain si Caleb. Inasikaso naman siya nito. Ilang beses rin na pinuri nito ang niluto niya. Kahit nasa isip pa rin niya na binobola lang siya nito dahil wala pa rin siyang tiwala sa cooking skills niya, malapit na siyang maniwala. Natutuwa kasi siya.
She was enjoying this. And she could get used to this...
Parang lalanggamin sila ni Caleb. Naka-ilang halik at halos yakapin rin siya nito habang nag-aalmusal. Sa kakalambing nito, hindi na nila namalayan ang oras.
"Late ka na sa trabaho!" Nanlaki ang mata ni Serena nang makitang mag-aalas otso na. Kanina pa dapat nakaalis ng bahay si Caleb.
"Nawalan na ako ng gana na pumasok. Napunta na lang sa 'yo lahat ng energy ko..." Hinalikan na naman ni Caleb si Serena. Parang kinikiliti naman ang puso at pati na rin ang katawan niya.
Mali na i-tolerate ni Serena si Caleb sa gusto nito. Pero gusto rin naman niya itong makasama.
Ganoon pa man, hindi lahat ng gusto nila ay palagi nilang nakukuha. Maya-maya ay nakatanggap ng tawag si Caleb sa opisina.
Sinagot ni Caleb ang tawag. Tumayo ito. Hindi naman ito ganoong lumayo sa kanya kaya nakikita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Naririnig rin niya ang boses nito. Halos sigawan na rin kasi nito ang kausap.
"Anong nag-resign? Hindi puwede iyon! Kakapasok lang niya sa trabaho. Nakaka-ilang palit na tayo ng marketing team! And we both know that it's getting worst than it seems!"
Madilim ang mukha ni Caleb habang kausap ang nasa telepono. Nang matapos ang pag-uusap, kakamot-kamot ang ulong lumapit ito sa kanya.
"Kailangan ko na umalis. Nagka-problema sa kompanya." Bumuntong-hininga si Caleb. "Well, medyo matagal na naman itong naging problema, lumala nga lang ngayon..."
Tumayo si Serena. Hinaplos niya ang mukha ng malungkot na asawa. "Puwede mong sabihin sa akin ang nangyari."
Umiling si Caleb. "Ayaw kong mag-alala ka."
"Paano kung makakatulong ako? Narinig ko na may problema ka sa Marketing."
Umiling ulit si Caleb. "Hindi mo gawain at responsibilidad ang trabaho ko. You are my wife. Dapat ay nasa bahay ka lang palagi."
Napalabi si Serena. "You describe a traditional wife then. Ganoon ba ang tingin mo sa akin?"
"Hindi naman sa ganoon. Pero, kaya mo ba? At saka paano ka makakatulong?"
Ngumiti si Serena. "Hindi mo pa nga ako kilalang-kilala. I'm a marketing graduate."
Natulala si Caleb. Hindi ito nakapagsalita.
Kinuha ni Serena ang kamay ng asawa. "Inaayos natin ang relasyon natin 'di ba? Bilang mag-asawa, kailangan nating tulungan ang isa't isa. Nahihirapan ka, Caleb. And I want to help. A good wife should be with her husband, for better or for worst. Let me help you."
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...