MAAGANG natapos ni Caleb ang trabaho ngayong araw kaya marami siyang oras sa asawa. Wala rin na traffic. At dahil naawa siya kay Serena dahil ikinulong niya ito sa bahay sa loob ng tatlong araw, niyaya itong lumabas ngayon. Nag-dinner sila. Hindi pa rin kasi niya gustong lumabas ang asawa na mag-isa. Wala siyang tiwala rito kaya pinaghigpitan niya ito.
Wala namang naging problema si Caleb sa asawa sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos niyang bilhan si Serena ng mga concert video ng mga paboritong Korean group nito ay nanatili lang daw palagi sa home theatre ang babae ayon sa mga kasambahay. Halatang nag-e-enjoy daw ito. Ilang beses daw na narinig ng mga ito ang tili ng babae. Kilig na kilig raw ito.
Mga limited edition ang biniling videos ni Caleb para kay Serena. Marami rin na behind the scenes roon. May mga nabili rin siyang video tungkol sa personal life ng mga Korean Group na iyon. Halatang masaya si Serena sa ginawa niya para rito.
Mukhang fan na fan si Serena ng Korean Music Group o mas kilala bilang KPOP. Natanong na niya kay Serena kung nakakaintindi ba ito ng Korean. Hindi naman raw. Kaya hindi niya maintindihan ang fascination nito sa KPOP. Hindi naman nito naiintindihan ang mga kanta pero trip na trip nito. Minsan na pinanood niya ito mula sa CCTV mula sa theatre ay niyugyog pa nito ang ulo. Tuwang-tuwa ito hindi lang sa dance moves, pati na rin sa musika na kinakanta ng mga iyon.
Dahil sa nalamang fascination sa Korean, dinala ni Caleb si Serena sa isang Korean restaurant para sa kanilang dinner. And Serena looked happy while eating those Korean dishes. Hindi siya mahilig sa ganoong pagkain pero tiniis niya para kay Serena. Natuwa siya na kumain naman ito ng tama, hindi kagaya ng unang dinner date nila. Puro gulay ang dishes na pinili nito. Mabuti iyon sa kalusugan.
Nakukuha na ni Caleb ang kiliti ni Serena. Pasensya lang talaga ang kailangan at makukuha na rin niya ng buo ang loob nito. Determinadi siya na mapaamo ito.
Hindi naniniwala si Caleb na masama si Serena kagaya nang gusto nitong palabasin. Nararamdaman niya na may tinatago ito. Sinubukan naman niyang alamin iyon. Kinausap niya ang ama nito. Pero mukhang nagmana si Serena rito. Mukhang may nililihim rin ito...
"Naiintindihan ko naman na pakiramdam mo ay naloko kita, Caleb. Pero ikaw mismo ang lumapit sa akin. At hindi rin mahaba ang pasensya ko. Kailangan ko ng way out sa rebelde kong anak." Paliwanag ni Sergio Villanueva nang kausapin niya tungkol kay Serena.
"Wala na akong pakialam kung masama man ang nakuha ko. Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit ganoon siya."
Tumawa si Sergio. "Ganoon na ang kabataan ngayon, Caleb. Gusto nila ng kalayaan kaya sila nagrerebelde."
"Hindi lahat."
"Magkaiba kayo ng henerasyon, Caleb. Hindi mo kilala ang kabataan ngayon. Iba na sila na mag-isip. Hindi na sila kagaya ng dati. Most of them are spoon-fed and irresponsible. At ganoon si Serena."
Ayaw na maniwala ni Caleb na nauusuhan lang si Serena kaya nagrerebelde ito. Kung may tamang pag-aalaga sa isang tao, magiging maayos ito. Sa tingin niya, hindi nakuha ni Serena ang pag-aalagang iyon kaya naisip niyang may kinalaman si Sergio sa ugali nito. Pero naiintindihan ni Caleb na mahirap umamin sa kasalanan.
Kung ayaw umamin ni Sergio, edi 'wag. Siya na lang ang bahalang mag-discover ng pagrerebelde ni Serena.
"Pagkatapos nito, pumunta naman tayo sa book store..." Wika ni Serena habang kumakain sila.
Tumango si Caleb. Tumindi ang pag-asa sa puso niya na tama ang paniniwala niya. Hindi lang lakwatsa ang hilig ni Serena. Nahihirapan man na intindihin, wala naman siyang nakikitang masama sa pagkagusto nito sa mga Koreano. Mas lalong wala siyang nakikita na masama kung mahilig ito sa libro. Naniniwala siya na lahat ng makukuha sa libro ay mabuti. It was knowledge.
Pumayag si Caleb sa gusto ni Serena. Pagdating sa book store ay nagpunta kaagad si Serena sa customer service. Naghanap ito ng manga---isang Japanese comics. Tinanong nito kung available iyon.
"I want the complete volume." Wika ni Serena nang malamang available at kompleto rin iyon.
"It consist of more than fifty volumes, Ma'am. One volume is one thousand pesos each." Inform ng babae sa customer service.
Tumingin si Serena kay Caleb. "It's okay. My husband is here. Ibibili niya ako noon."
Kumunot ang noo ni Caleb. Gusto niya ang natuklasan na mahilig sa libro si Serena. Pero hindi naman basta-basta ang pinabibili nito. Malaking pera ang katumbas noon.
"What makes you think na mabilis mo ako na mapi-please para bilhin ang mga 'yan?"
"Because you are my husband. Responsibilidad ng asawa na mag-provide para sa asawa niya."
"Oo. Pero napaka-unfair ng pagsasama na ito. Bigay ako nang bigay samantalang wala naman akong napapala sa 'yo."
Kumibot ang labi ni Serena. Nasa mukha rin nito ang nagpapaawa. Na-amuse si Caleb sa reaksyon ng asawa. Para itong bata na naglalambing sa magulang para mabili ng paborito nitong laruan. She looked cute. Pero pinigilan niya ang sarili na magpaapekto.
"Try harder,"
Ginawa nga ni Serena. Ikinagulat iyon ni Caleb. Kinuha nito ang braso niya. Ipinagkiskis ng asawa ang pisngi roon.
"Please?" wika ni Serena, with matching puppy-eyes.
The feel of Serena's skin gave warm to his. Parang tumalon ang puso niya sa ginawa nito.
"Hmmm..."
"Ang demanding naman ng asawa ko." Tinanggal na ni Serena ang pagkakahawak sa kanya. Humalukipkip ito.
"Look who is talking." Muntik ng mapaikot ni Caleb ang mata.
Pinadyak ni Serena ang paa. "For goodness sake, baka nga isang oras na suweldo mo lang ang presyo ng mga iyon!"
"Pinaghihirapan ko ang pera ko. Kung gusto mo talagang mabili ang gusto mo, kailangang paghirapan mo rin iyon."
"All right. Sabihin mo sa akin ang kailangan kong gawin para ibili mo ako noon."
"Be a good, sweet---"
Hindi na pinatapos ni Serena si Caleb. Hinalikan siya nito sa pisngi.
Mabilis lang ang halik. Pero malakas ang impact noon kay Caleb. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan niya.
I could get used to this, Serena.
"All right. Ano pa ang gusto mo?" ngingiti-ngiti na wika ni Caleb.
Nagliwanag ang mukha ni Serena. May tinanong ulit ang asawa sa customer service. Mamahalin na naman iyon. Pero kahit wala ng makuha pa na paglalambing sa mahirap intindihin na asawa, sapat na kay Caleb ang makita na masaya ito.
Pakiramdam ni Caleb, nagiging masaya rin siya kapag masaya si Serena.
BINABASA MO ANG
The Rebellious Wife (COMPLETED)
RomanceCaleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has t...